ANG TINDAHAN
written by:
adeth23
Dedicated to all my followers!
Also sa lahat ng nagbasa ng BOOK 1.
"Grabe pare! Nahihilo ko. Dami nating nainum." sabi ni Danilo habang naglalakad palabas ng mahabang eskinita kasama ang dalawang kaibigan
"Sabi ko naman kasi sa inyo ayos na yung tig iisang bote ayaw nyo pa magpaawat edi nalasing tayo pare pareho." sagot naman ni Jano
"Tapos tayong tatlo lang uuwi, hindi man lang tayo ihahatid ni Bert." singit naman ni Jon jon.
"Eh kasi nga lasing. Edi ayun, tulog." si Jano
"Dumayo dayo pa tayo dito sa kanila. Kala ko ba naman malakas uminum yun. Haha. Wala pala yun si pareng Bert e." si Danilo
Tuloy lamang sa paglalakad ang tatlo magkakaibigan. Kasalukuyan silang palabas sa mahabang eskinita mula sa bahay ng kaibigan at ka trabahong si Bert.
"Grabe naman to. Kay habang eskinita." si Jano
"Pagod na nga ako e. Gegewang gewang kasi kayo dyan kaya ang bagal natin." si Danilo
"Ako nga parang nasusuka pa." sagot naman ni Jon jon.
"Mabuti pa huminto muna tayo dito." sabi ni Jano ng makakita ng isang saradong tindahan.
Umupo ang tatlong magkakaibigan. Sa loob ng eskinita iilang ilaw lamang ang kanilang nadaanan.
"Alas tres na pala ng madaling araw pare. Sigurado to late tayo pare pareho bukas." si Danilo
"Tama na reklamo. Ginusto nyo rin e." si Jon jon.
Madilim ang kanilang inuupuan ngunit may kaunting ilaw na nang gagaling mula sa siwang ng bintana ng maliit na tindahan.
Maya maya tila may taong naaninagan si Jano sa loob ng tindahan
"Ayun pare, magbubukas na yata tomg tindahan mabuti pa bumili muna tayo ng softdrinks dito." si Jano
"Mabuti pa nga. Nauuhaw na ko e, alam nyo kanina nung paounta pa lang tayo dito gusto ko na umuwi e. Ang layo." si Jon jon
"Tama na daldal, katok na. Bumili na tayo kanina pa ko nauuhaw." sagot naman ni Danilo
Sabay sabay sumilip sa maliit na siwang at butas ang tatlong magkakaibigan.
Ganun na lang ang kanilang pagkabigla ng makitang tila naka bitin ang taong kanilang naaaninagan. Tinitigan nila itong mabuti, isang matandang babae na nakabigti at may dugong umaagos sa bigbig.
nagkatinginan sila bago sabay sabay na sumilip muli sa siwang.
Ganun na lang ang pagka gulat ng tatlo ng biglang dumilat ang matandang babae.
Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanila.
Hindi malaman ng tatlo kung bakit ngunit tila napako ang kanila mga paa sapagkat hindi sila makatakbo.
Maya maya ay unti unting bumubuka ang bibig ng matanda dahilan kung bakit dumami ang dugong tumatagas mula dito.
Unti unti rin nitong inangat ang kanang kamay at tumuro sa tatlo.
Sa pagkakataong iyon, nagtakbuhan na ang tatlong magkakaibigan.
ITUTULOY