Salamin

1K 18 2
                                    

SALAMIN

written by: adeth23

Ang daming kwentong kumakalat tungkol sa kababalaghan na nangyayari sa mga salamin.Iba't ibang kwento, iba't ibang version. Pero isa dito ang hindi ko makakalimutan.

Ang kwento ng Lola ng kaibigan ko.
Siguro iniisip ng karamihan na ang kwentong ito ay tungkol kay Bloody Mary.

Narinig mo na ba ang kwento tungkol kay Maria? Kung hindi pa, basahin ang istoryang ito.

Si Maria ay isang dalagang sikat na sikat daw noon sa kanilang nayon dahil sa angking kagandahan at kabaitan nito.

Halos lahat ng kalalakihan ay gustong lumigaw sa kanya. Ngunit si Ramon ang kanyang nagustuhan dahil mabait ito at ramdam nya ang tunay na pagmamahal.

Tutol ang mga magulang niya dito dahil isa lamang ito sa kanilang mga tauhan sa kanilang malaking taniman.

Ngunit dahil sa labis na pagmamahal ay sinuway ni Maria ang kanyang mga magulang at sumama kay Ramon.

Isang gabi , habang himbing na natutulog ang lahat ay umalis ng palihim si Maria upang makipag tanan sa kasintahan.

Nag usap sila ni Ramon na magkikita sa dulo ng bukid. Ngunit , halos dalawang oras na siya doon ay wala pa rin ang lalaki.

Unti unting tumulo ang luha ni Maria, dahil sa kalungkutan at galit. Inisip niya nagbago ang isip ng binata at ayaw na nitong makasama siya.

Umuwi si Maria at muling pumasok sa kanyang kwarto. Umupo siya sa harap ng kanyang tokador at nagsuklay habang naka tingin sa SALAMIN.

Umiyak siya. Umiyak siya ng umiyak lalo pa at wala siyang katabing ibang silid.

Labis na nasaktan si Maria, buong akala niya ay hindi na siya mahal ni Ramon. Araw gabi siyang umiiyak sa kanyang silid. Labis ang kalungkutan at galit niya sa binata.

Patuloy ang paghahatid ng kanilang katulong ng pagkain at inumin sa harap ng kanyang silid ngunit hindi niya iyon pinapansin. Labis niyang dinamdam ang pag iwan sa kanya ng binata.

Hanggang sa isang araw, sinubukan niyang habang siya ay palabas ng kanyang silid narinig niya ang kanyang ama at ina na nag uusap.

"Sigurado ka bang patay na ang lalaking yon?" tanong ng kanyang ina

"Sigurado ako nasaksihan mismo ng dalawang mata ko." sagot naman ng kanyang ama

Hindi alam ni Maria na ipinapatay ng kanyang mga magulang si Ramon dahil nalaman nilang may balak itong itanan siya ng araw na iyon.

Agad siya kinabahan. Sumikip ang kanyang dibdib. Tila mawawala na siya sa kanyang katinuan. Hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang luha.

Lumingon ang kanyang ama't ina at nakita siya nakaluhod habang lumuluha. Humingi ng kapatawaran ang kanyang mga magulang ngunit tila hindi sila naririnig ng dalaga. Nakatulala ito habang patuloy lumuluha.

"Ramonnnnn!" Sigaw nito.

Ng gabing iyon ay muling nagkulong sa kanyang kwarto si Maria.

Nakaupo lamang ito sa harap ng kanyang salamin at patuloy na nagsusuklay ng buhok.

Paminsan minsan ay sumisilip ito sa bintana at tila baliw na hinahanap si Ramon.

Lalong nagsisisigaw si Maria tuwing may kumakatok sa silid niya. Kaya minabuti ng kanyang mga magulang na hayaan muna ang anak.

Hindi sila tumawag ng mang gagamot o anu man. Dahil hindi nila gustong malaman ng buong bayan ang kasalanan na nagawa nila.

Halos malagas na ang lahat ng mga buhok ni Maria sa patuloy na matinding pag susuklay.

"Ramon? Ramon? Nakita mo ba si Ramon?" tanong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin.

--------

Isang araw , may naamoy na hindi maganda ang kanyang mga magulang na nagmumula sa kanyang silid.

Madali nilang sinira ang pinto nito at tumambad sa kanila ang katawan ng kanilang anak.

Nawalan ng malay ang ina ni Maria at halos hindi naman makatayo ang kanyang ama ng makita ang itsura niya.

Halos kalbo na si Maria ng datnan ng kanyang mga magulang, maraming piraso ng basag na salamin ang naka baon sa kanyang mukha. At laslas ang leeg.

Nagpakamatay ito dahil sa labis na kalungkutan at pagkadismaya sa magulang.

At dahil sa sabi sabi nga ng nakararami na hindi napupunta sa langit ang kaluluwa ng isang taong nagpakamatay, pinaniniwalaanh hindi pa rin nagkikita ang kaluluwa ni Ramon at Maria.

Patuloy pa rin daw nagpapakita si Maria sa mga bagay na may repleksyon gaya ng salamin.

Patuloy siyang nagtatanong
IKAW

"Nakita mo ba si Ramon?"

Mga Kwento ng Kilabot BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon