ANG TINDAHAN II

1K 41 4
                                    

KINABUKASAN

Kinabukasan hinintay ng tatlo ang kaibigang si Bert upang isalaysay ang naranasan ng mga ito ng nagdaang gabi.

Pag dating ni Bert agad na nag kwento ang tatlo.

"Grabe pare, sino ba yung matandang yun?" si Jano

"Mga baliw! Lasing lang kayo. Kung ano ano iniisip nyo." si Bert

"Hindi pare. Peksman. Kaming tatlo mismo ang nakakita di kami nag iimagine." si Danilo

"Sus, dala lang ng alak yun pare.!" si Bert

"Totoo nga pare, kaninong tindahan ba kasi yun?" tanong ni Jon jon

"Wala na yung tindahan na yon , matagal ng sarado yun. Alam nyo na yan!" sagot ni Bert

"Mag kwento ka na kasi pare. Sigurado kami sa nakita namin." si Jano

Tila nakulitan na si Bert kaya't nagsimula na itong mag kwento.

"Osige na sige na! Mag kkwento na ko." si Bert

Tumahimik ang tatlo

"Kay Ka Celia yon! Isang matandang babae, nag iisa na sya dun sa tindahan na iyon, may isang anak sya na pinag aral at nangibang bansa, pagkatapos ng maraming taon, di na sya binalikan ng anak nya. Hindi rin ito nag papadala ng pera sa matanda. Wala na kaming balita kung anung nangyari sa anak nya. Hindi namin alam kung nag asawa ba tapos kinalimutan na yung matanda o may nangyaring masama."

"Tapos?" si Jonjon

"Tapos, dahil sa nag iisa na lang si Aling Celia, yung maliit na tindahan na lang ang kinabubuhay nya. Hanggang sa nagka baon baon na ito sa utang. Hindi naman sya sinisingil ng mga kapit bahay pero sabi nila, baka kaya daw nagbigti ang matanda dahil sa labis na sama ng loob at pag aalala sa anak. Dala na rin daw ito ng pag hihirap nya dahil sa katandaan at kahihiyan sa mga pinagkakautangan. Kaya isang araw ng kumatok sa tindahan nya yung isang kapit bahay upang bigyang sya ng ulam. Nagulat na lang ito ng makitang nakabigti ang kaawa awang matanda."

"Kawawa naman." si Danilo

"Kaya ito nagpapakita sa mga taong nagpupunta sa tapat ng kanyang tindahan dahil nagbabakasakali daw itong bumalik na ang kanyang pinakamamahal na anak." Bert

WAKAS

PLEASE VOTE ,COMMENT, AND SHARE FOR MORE UPDATES.

DONT FORGET TO FOLLOW ME.

add me on facebook

BERNADETTE GANZON SANTIAGO

50 votes para sa next two stories dito sa book two.

Mga Kwento ng Kilabot BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon