Ryle Halili

171 4 8
                                    

First Year, First Sem..
Yung time na ang hirap mag adjust sa studies,
Yung dati may pointers to review pa,
Ngayon after mag Lecture ng Prof
Bahala ka na.

Pero syempre kinakaya naman,
Tambay ako lagi sa Library,
Walang kasama, palaging mag isa.

Then eventually naka close ko yung mga pasaway kong classmates, all boys, tropa.
Paano ba naman, everytime na may exams,
Sakin sila lahat kumokopya

"Uy ano sagot sa number four?"

"Huy enumeration nako ano yung sa stages of Development?

"Wala si mam, ano yung sa number 3 sa identification?"

Pag may assignments pasok kami ng maaga, syempre para pakopyahin ko sila. Saya diba?

No choice e, sila lang nakaka sama ko lagi sa klase. Sila yung may time sumama sakin,
Pero syempre bawi naman sila sakin sa pag kain. Libre nila ako lagi, basta laging mataas yung scores nila.

Then one night,
Gumagawa ako non ng powerpoint sa Developmental Psych,
(Nakaka stress yon sobra.
Ikaw gagawa ng report then ipapaliwanag mo pa sa kanila,
Pero syempre bawi sa reporting kasi kabisa ko na pati parts nila.)

So nung gabi na yon after matapos ng report namin, nag online ako saglit.
Inopen ko yung twitter.

Tweet ng rants,
"Nakaka stress ayoko na"
"Gusto ko na mag work"
"Gusto ko na magka sweldo"

Then mga 3 mins. may naglike tapos nag reply,

"Kaya mo yan! I feel you ganyan din ako ngayon"

"Minsan bigyan mo din ng time yung sarili mo"

"Chill lang makakatapos din tayo"

Then nag reply ako, syempre nakaka hiya naman kung dededmahin ko kahit medyo antok nako that time.

"Huy salamat, haha kaya naten to! Para sa grades"

"Sige tulog nako ha, may reporting pa bukas next time nalang" paalam ko kasi pagod na talaga ako non.

Kinabukasan, ayan na shet reporting na!!
Okay group 4, for the Adolescent stage..

Kinakabahan ako sa mga kasama ko,
Kasi yung powerpoint namin that day lang din nila inaral, pero syempre support ako,
Kaya nilagyan ko ng effects yung powerpoint para maka senyas ako bago sila mag salita. (That time pag powerpoint 2010 gamit mo mapapa wow nalang sila sa effects ng report mo)

So ayun, success! Walang reklamo sa reporting si mam! Nag congrats pa sya kasi ang ayos daw ng fonts, content at transitions ng reporting namin. Syempre tuwang tuwa kami ng mga classmates ko.

So pagka uwi ko ng bahay,
Open agad ako ng twitter..

"Yes! Natapos din"
"Natuwa samin si mam! Hello chill life!"

Then ayan na ulit si kuya mo, nag reply

"Congrats sa inyo! Sabi ko naman sayo makakaya nyo yan :)"

"Hello, thank you ulit. Kayo kamusta studies nyo? Reply ko.

Hanggang sa humaba na yung convo namin, umabot pa ng 12am yun, nag Direct message sya at kinwento yung project nila.

Nag pakilala sya, isa syang IT student sa Pampanga, Dean's Lister, Techy at ang bait nya sobra. Yung photos nya pag tinignan mo:
Chubby cheeks, naka braces, chinito, undercut yung buhok, halata mong mayaman.

DIARY NI GIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon