Chan Tibayan

158 6 10
                                    

Patapos na yung second semester.
4 months na din yun, simula yung kay Ryle.
medyo bago parin sakin, syempre masakit pa.

Yung pag may maririnig kang love songs,
bigla mo syang ma-aalala then maiiyak ka.

Yung na mi-miss mo yung kwentuhan nyong dalawa, yung pag kanta nya, yung boses nya.

Yung minsan magugulat ka nalang kasi naka tulala ka na pala habang iniisip sya,

ano kayang ginagawa nya?
kamusta na kaya sya?

hanggang kailan ba ako aasa?
hanggang kailan iisipin ka?

may chance pa ba?
syempre wala na.

+

nung mga panahon na sobrang down ko kay Ryle, may taong laging nan dyan para sakin.

(pwede naman siguro na makipag kaibigan ulit na kunwari ay walang naramdamang sakit?)

siya yung taong kahit iwasan mo o hindi mo kausapin ay gagawa ng way para magka usap kayo.

yung dinidedma mo lang sya pero G parin sya para kulitin ka.

yung matatawa ka nalang kasi ang korni nya.

"hello! sana okay ka lang, enjoy your day!
aral mabuti." text na mababasa ko pag ka gising ko sa umaga.

handang damayan ka sa pang-iiwan nya,
handang samahan ka pag mag-isa ka,
handang iparamdam na special ka.

Yung isang text mo lang "on the way na"
tapos "text ka pag naka uwi ka na ha?"
"pag kailangan mo 'ko mag text ka lang ha?"

(Yung ma fe-feel mo nalang na yung buhok mo aabot na sa North Edsa sa pag paparamdam nya na special ka)

+

sabi nila "nahahanap mo yung hindi mo hinahanap pag may hinahanap kang iba."

Siya siguro yung taong nakikita ko na dati pa pero iba yung pinipilit kong makita.

siya si Chan Tibayan.

Matangkad, matangos ilong, naka salamin,
naka braces and saktuhan lang yung katawan.

taga bulacan din sya, pero that time sa CEU manila pa yung school nya kaya lumuluwas sya at nag s-stay sa mendiola, sa dorm nila may pasok sila.

taga bulacan din sya, pero that time sa CEU manila pa yung school nya kaya lumuluwas sya at nag s-stay sa mendiola, sa dorm nila may pasok sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalala ko pa yung first hangout naming dalawa.

"Hi Gio? nuod tayo ng movie Libre ko?" biglang text nya sakin habang nag aaral ako sa kwarto ko.

DIARY NI GIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon