Para sa mga GUSTO AT KAILANGAN MAGMO-MOVE ON
Sa pagmo-move on okay na na mag-emote ka, maglasing ka, magpakagaga/ gago ka, madepressed ka at hayaan ang sarili mo na nasasaktan kasi dadating din naman yong point na ikaw mismo ang susuko kasi napagod ka na tapos hindi mo na mamamalayan na habang nagaaksaya ka ng oras sa pag-iyak mo sa kanya mare-realized mo na ang tanga mo pala. Pero wala tayong magagawa kundi e-admit na nagpakatanga tayo pero lolokohin mo lang ang sarili mo na ipamuka sa kanya na nakamove on ka na kung hindi pa naman talaga. Ang pagmomove on ay kailangan ng oras. Oras na kailangan mong aminin sa sarili mo na nasasaktan ka pero HUWAG NA HUWAG mong sabihin na hindi mo kaya. Kasi kaya mo. Nagawa mo nga mabuhay dati ng wala sya. Nagawa mo nga na mahalin sya kahit alam mo na maaring pinagtagpo lamang kayo para sa pansamantalang saya na di kayo pwede sa isat isa. Nagawa mong sumugal kasi nga diba ang sabi nila TAKE A RISK KUNG MAHAL MO kaya dapat kaya mo rin ibigay sa kanya ang kalayaan kasi ayaw na nya. Hindi kasi pwede yong kumapit ka sa alam mo na hindi mo na makakapitan kasi nakakapit na din sya sa iba. Pero kung doon ka magiging masaya eh di go. Kung yong ang madaling paraan para makalimot ka eh di go. Pero sana maging maingat ka sa pag-gawa ng desisyon. Because in every decision it is always have consequences na lalong susubok sayo. Be wise! And take time for you to move on. Kapag okay na TAKE OPPORTUNITIES naman dapat. Wag mong madaliin. Kasi makakaMOVE ON ka rin.
BINABASA MO ANG
101 REAL TALKS *EDITING *
RandomTruth hurts. Highest rank Achieve: #80 In Non-Fiction #4 in Realtalk #10 in lifesucks #2 in shittylife