Chapter 1

9 1 0
                                    

"Uy nabalitaan mo na ba ung nangyari kay Jessy? Nagpakamatay daw dahil hindi siya ang napili sa main role"

"Oh talaga! Kala ko chismis lang yun. Eh diba kanina lang inannounce ung napili so kanina lang din siya nagpakamatay."

"Gaga hindi. Nung matagpuan siya kwarto niya isang malamig na bangkay na siya at ang sabi matagal na siyang nakabigti dun"

"Paano nangyari un? Wag na nga natin siyang pagusapan mamaya niyan multuhin pa tayo eh. Katakot"

Yan lang ang naririnig kong usapan ngayon. Simula nang lumabas ako sa theatre room yan na ang kumakalat na balita. Na isa nang malamig na bangkay si Jessy.

"Hoy Cheska"

"Ay nak ng siopao naman oh! Pwede ba Jasper tigilan mo na nga ang panggugulat sakin. Aatakihin ako sa iyo eh"

"Bat ka ba kasi tulala? Apektado ka rin ba sa balitang patay na si Jessy? Sabagay kahit na nakaaway mo siya sa pagkuha ng lead role kaibigan pa rin ang turing mo sa kanya. Congrats nga pala ha."

"Salamat Jas. Pero nakakalungkot naman talaga ung nangyari kay Jessy. Kahit na lagi niya akong pinapahiya sa teatro siya ang naging motivation ko para galingan sa larangang pinili ko. Hindi ko naman alam na sa pagpili sa akin sa lead role eh magpapakamatay na siya" pero ano nga kaya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang babaing un. Ako nga ba ang dahilan?

"Hay naku wag na muna natin isipin un. Dalawin na lang natin siya sa kanyang burol but in the mean time kumain muna tayo, gutom na ako eh"

"Ok." un na lang ang maikli kong sagot kay Jasper

Ay ako nga pala si Cheska Villegas,3rd year college sa kursong Fine Arts. Hilig ko ang pag-arte kaya naman sumali ako sa theatre club. Ung babaing usapan sa buong campus ay si Jessy. Kasama ko siya sa teatro at kaming dalawa ang pinagpipilian na gumanap sa main role ng black swan. Taon-taon kasi ay may ginagawang pagtatanghal sa aming unibersidad. Last year ata ay Alice in Wonderland at ngayong taon ay Black Swan. Ang lalaking kausap ko naman kanina ay si Jasper matalik ko siyang kaibigan. Hay tama na nga ang kwento.

"So ngayong ikaw na ang nakuha para sa lead role ibig sabihin niyan late ka na lagi uuwi?hindi na tayo magsasabay?"

"Parang ganun na nga"

"Nubayan! Kaasar naman oh"

nginitian ko na lang siya sa kanyang pagtatamtrums

"Ayan ka naman sa mga ngiting yan eh. Alam mo bang mas naiinlove ako sa iyo kapag ngumingiti ka? Hay bahala ka na nga!"

"Pwede ba wag ka na magtampo. May mga araw naman na wala kaming praktis eh kaya maakasabay mo pa rin ako sa paguwi. Sige alis na ako. May gagawin pa ako, kelangan kong tutukan ung play"

"Teka Cheska, ni hindi mo pa nga nagagalaw ung pagkain mo aalis ka na?"

hindi ko na siya sinagot pa at tuluyan na akong lumabas ng canteen

•••••••

Hapon na at pauwi na rin ako pero bago un pumunta muna akong club room iche-check ko lang sana kung may naiwan pa ako. Nasa pinto na ako nang may marinig akong nagtatalo sa loob.

"Teka si Miss De Vega at Miss Sanchez un ah. Bat sila nagtatalo?"

tungkol sa play ung pinagtatalunan nila. Makikinig pa sana ako kaso narinig kong may papalabas na kaya dali-dali akong bumaba sa hagdan since un lang ang malapit. Pero huli na kasi nakita na ako ni Miss Sanchez.

"Oh Miss Villegas anong ginagawa mo dito? Pupunta ka ba sa club room? May naiwan ka ba dun kaya ka bumalik?"

tanong niya sabay ngiti. Ang mga ngiting un, di ko alam kung anong nangyari pero bigla akong kinabahan sa mga ngiti niya, para bang may ibang kahulugan ang mga iyon, inosente pero may ibang laman. Kaya isang wala na lang ang naisagot ko.

"Good. Buti naman wala ka nang kukunin dun. By the way tara uwi na tayo, madilim na sa labas oh. Sabay na lang kita sa paguwi since sa iisang village lang tayo."

"Ah sige po maam. Salamat po"

itatanong ko pa sana kung paano si Miss De Vega kaso natakot ako sa kanyang aura kaya hinayaan ko na lang.

Nasa may gate na kami ng may biglang tumawag kay miss sanchez

"Wait lang iha ha. Hello? Oh Anne? Di ba sabi ko sa iyo settle na ang lahat! Kung ipagpipilitan mo ang gusto mo hindi mo na un magagawa pa kasi tapos na, nangyari na. Tanggapin na lang natin kung ano ang nangyari! Sige na bye,magingat ka na lang diyan at umuwi ka na pagtapos. Sorry Cheska ha. Narinig mo pa tuloy ung pakikipagtalo ko. Ano tara na?"

hindi man sabihin ni miss sanchez kung sino ang kausap niya alam kong si miss de vega iyon. Rinig kasi ang boses niya mula sa kabilang linya

"Ah Miss Sanchez hindi na po pala ako sasabay may pinabibili pa kasi si mama sa grocery"

"Edi sasamahan na kita doon. Padilim na baka mapahamak ka pa."

"Hindi na po talaga Miss,kaya ko na po at isa pa sa kabilang way pa ang grocery store mapapalayo pa sa atin. Magji-jeep na lang po ako pabalik"

"Sigurado ka ba? O siya sige hindi na kita ihahatid kung saan ka man pupunta pero hayaan mo akong ihatid kita sa may kanto malapit sa sakayan ayos na ba un sa iyo?" sabay ngiti na naman niya sa akin.

"Sige po Miss"

di ko alam pero kinikilabutan talaga ako sa mga ngiting un. Ngayon ko lang nakita ang ganoong klaseng ngiti niya. Hindi ko maipaliwanag pero parang ang creepy niya sakin.

"Dito na lang po ako Miss. Sige po sakay na po kayo. Ingat po"

"Ikaw din magiingat ka sa paguwi at wag ka nang pumunta kung saan-saan baka mapahamak ka lang diretso uwi galing grocery store ha. Bye Cheska!"

kinawayan pa niya ako bago siya sumakay sa tricycle at tuluyan nang nawala sa paningin ko ang kanyang sinasakyan pati na rin ang mga ngiting un.

Those SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon