1 - "You're interesting."

353 6 1
                                    

"If you don't ace this book report, Alexander, I'm afraid we have to kick you out."

Okay. Hindi ko yun inexpect.

So, here I am sa gitna ng school library na mas malaki pa sa bahay ko, searching for a book na hindi naman nage-exist.

How do I know that? Because I can't look for it anywhere.

Naisip kong i-search nalang ang book na pinapasearch sa akin. Pumunta ako sa computer section at pumunta agad sa search bar ng google.

13 Reasons Why by Jay Asher

Okay, so it does exist.

Storya siya tungkol sa isang babaeng... Whoa. Nagpakamatay? At namimigay siya ng tapes sa 13 na tao na naging dahilan kung bakit siya nagpakamatay.

Ang creepy.

Pina-print ko ang buong page kung saan ko nakita ang maliit na plot. Umupo ako sa isang long table sa harapan ng isang babaeng maputi at nakasalamin saka nagsimulang magbasa.

Patagal ng patagal na ang panahong nagbabasa ako, nagsimula na naman akong maantok tulad ng dating pagkakataon na nagbabasa ako.

Kaya siguro hindi ako makapasa sa book report na to.

Tinignan ko ng pasimple ang babeng nasa harapan ko. Nasa kabilang dulo siya ng table kaya siguro hindi niya ako makikita. Kanina pa siyang nagbabasa pero hindi parin siya makatulog. From time to time, maluluha pa siya bigla at titingin siya sa paligid niya kung may nakakita.

Tinignan ko ng maigi ang binabasa niya.

Yan ang librong hinahanap ko kanina pa!

"Alam kong tumitingin ka," sabi niya bigla na kinagulat ko. Nakikita niya ako?

Naramdaman kong uminit ang tenga ko. "Sorry. Yung libro mo kasi."

Ginawa kong dahilan ang pagkakita ko sa libro para makalusot.

Okay, inaamin ko, isa sa mga dahilan na pagtitig ko sa kanya, maganda siya. Interesting ang mga expressions na ginawa niya habang nagbabasa. Tapos ang puti pa niya. Napaka misteryosa ang mukha. Parang ang daming tinatago.

Walang ibang tao sa mesa na to, at ang mga tao lahat nagsisiksikan sa kabila. Bakit nila pinagtyatyagaan ang ibang mesa kung meron naman dito?

Nilalayuan ba nila ang babaeng 'to?

"What about it?"

"Interesting."

"No."

"What?"

"Lagi akong pumupunta dito at ngayon lang kita nakita." Binaba niya ang libro at tinignan ako. "With that being said, bakit ka tumitig?"

Napalunok ako doon ah. "Is it wrong?"

"Yes, it's wrong to stare. At hindi ka ba natatakot sa akin tulad ng pananakot nila?" Ginilid niya ang ulo niya sa mga taong nasa katabing mesa.

Umiling ako. "Why would I?"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil ngumunot saglit ang ulo niya. Dapat ko nga ba siyang ikatakot? May sakit ba siya? Nagkatitigan kami saglit. Nagtataka parin akong tumingin sa kanya bago siya sumagot ulit.

"Anak ako ng directress ng school na 'to."

"Your point?"

Sinara niya ang libro niya. "You're interesting."

"O-kay? Yan ang point mo?"

"No, that's not my point. But you are interesting." Tumayo siya at hindi man lang ako nginitian bago umalis ng hawak ang libro.

Sinundan ko siya at nilagay ko ang pinaprint ko sa bulsa ko. "That was rude."

"What is?"

"Ang pagsasabi na interesting ako pero umalis ka pa rin."

"Your point?" Tumigil siya at tinignan ako ulit. Naka poker face lang siya.

"Hindi ka marunong mag smile?"

"No." Naglakad ulit siya papunta sa librarian. Binigyan siya ng papel at nagsulat siya rito.

"Why?"

"Because, Mr. Trinidad, I do not smile."

"Why?"

"Because," tumango siya sa librarian, at gumawa ito sa kanya. Lumabas na siya ng library pero sinundan ko pa rin siya. Wala rin lang naman akong gagawin pa doon.

"Yun lang?"

"Bakit mo pa rin ako sinusundan?"

"Dahil gusto kong malaman kung bakit alam mo ang pangalan ko."

"Why bother?"

"Because."

Nagbuntong hininga siya bago humarap sa akin. "Chairwoman ako ng High School Comelec. Ako ang nagsusulat ng lahat ng pangalan sa school na 'to nung election."

"Paano mo nalaman itsura ko?"

"Everyone knows you, Robert Alexander. Everyone." Tumalikod siya at naglakad paalis.

"Then why should I be afraid of you?"

Tumigil siya sa gitna ng hallway na walang tao ng hindi humaharap sa akin.

"Because I'm dying. And you may have to die with me."

I stood there, quiet, as I saw her walk away leaving me alone in the quiet hallway.

If stories were true (JaXel) [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon