2 - "There's something about her."

328 15 7
                                    

I stood there, dumbfounded.

"I'm dying, and you may have to die with me."

What was that about? 

Pagkatapos kong bumili ng sandwich sa canteen, umupo ako agad sa usual kong pwesto at pinagisipan ang nangyari kanina. 'Yon ang dahilan ng paglalayo sa kanya ng mga tao? Hindi pwede yun. Kung may sakit siya eh di sana hindi siya dito naga-aral. Bakit hindi ko siya kilala? Sabagay, bago lang naman ako dito sa university na 'to. Salamat at pumapayag pa sila ng Seniors.

"Dude." kinalbit ako sa balikat ko. 

Humarap ako sa kumalbit at nakita kong si Toby pala, isa sa mga naging kaibigan ko dito. "Tobias."

"Kung sinasabi mo pangalan parang tatay ko lang," tumawa siya bago tumabi sa 'kin. "Tobias. Tobias. Tobias."

"Ano na naman ba?" ngunot-noo kong tanong sa kanya. Tumawa ulit siya.

"Tulala ka kanina pa bro. Fifteen minutes ka nang nakatitig sa sandwich mo." Fifteen minutes? Ganun ako katagal nag-isip?

Binigay ko nalang sa kanya ang papel na pina-print ko. Binuksan niya ng nakangunot ang noo at ngumiti ng mabuksan niya. "Book report? Let me guess. Kay Ma'am Salvatine."

Tumango ako. "Kung hindi ko daw magawa 'yan, she'll kick me out."

"Dude, kung alam mo lang kung paano makatitig sa yo si ma'am." The hell is he talking about? 

"Kadiri ka, bro. Gutom lang 'yan."

"I'm serious, bro. May pagnanasa sa 'yo si ma'am. Dahil siguro bawal ang student-teacher relationships dito kaya gusto ka niyang makick out."

“Shut up.” Tumawa nalang siya.

“Okay then.” Bago pa kami matahimik ng tuluyan, mabilisan kong tinanong ang pinakaunang pumasok sa isip ko.

“Kilala mo ba yung chairwoman ng Comelec?” lumabas na sa bibig ko bago ko pa mabawi. Tumango siya.

The Carmela Jane Pineda? Oo. Who doesn’t?” tinignan ko siya. “Right. Wag mong lapitan ‘yun dude. She’s a pain in the ass.”

“How come?”

“She keeps bossing everyone around.” Nag kibit balikat siya. “Well, hindi naman ako maka-kontra dahil effective siyang leader. Pero maraming natatakot sa kanya because of that. Tingin palang niya mapapasunod ka na. Pero wag kang lalapit sa kanya dude, she’s a monster.”

“A monster?” ako naman ang napatawa. “Takot ka sa kanya?”

“Nakita mo na ba siya, dude?” nag-shiver siya. “Ang titig niya, parang kakainin ka niya ng buhay.”

“Seriously? Hindi naman ah.” Tinignan niya ako ng malaki ang mata.

“You saw her? Saan mo siya nakita?”

“Sa library nung pinaprint ko ‘yan.” Tinuro ko ang papel na hawak niya pa rin.

“Ano sinabi niya?”

Naramdaman kong uminit ang tenga ko ng matandaan ko ang una niyang sinabi. “Not much. It’s not a big deal anyway.”

“Naalala mo ba? Dude, that’s a huge deal. She never talks to anyone except sa mga kasama niya sa Comelec. Hindi nga siya nagre-recite sa class.”

“Siya ang unang nagsalita.” Binigay niya sa akin ang papel na hawak niya at naglakad palayo ng hindi nagsasalita.

Huh?

The rest of the day ang sinabi ni Jane pa rin ang inisip ko. Bumalik ako ng library para tignan kung nandoon siya pero hindi ko siya mahanap, so pumunta nalang ako sa mga benches sa labas para basahin ang pina-print ko.

Pero hindi parin ako makapag concentrate sa binabasa ko. Paano niya na-invade ng ganito ang isip ko wala naman siyang ginawa? Hinilamos ko ang mukha ko at tinuon ang siko sa tuhod. Tumingin nalang ako sa paligid ko at tinignan ang view sa gilid ng school para ma-distract ang isip ko sa kanya, pero pagkakataon nga naman. There she is, naglalakad palabas ng school ng may dalang susi.

She has a car?

By reflex, tumayo ako at nagrecite ng plano in my head.

Bump her, tell her it’s an accident, and simply ask her what happened.

Determined, I ran to her direction. Nakagilid siya sa akin kaya hindi niya alam kung saan ako nanggaling. I bumped her with my shoulder at nalaglag ang susi niya sa gulat.

Pinulot ko ang susi at binigay sa kanya. “Sorry, miss! May pupunt—“

Humarap siya sa akin at tinignan ako ng masama pero agad nagbago ang expression niya ng gulat.

Nagkatinginan kami saglit. In three seconds naisip ko bigla lahat. Nag-ayos ba ako ng buhok? Wala ba akong laway sa gilid ng labi ko? Naayos ko ba ang shirt ko? Maayos lang ba itsura ko? ‘Yang utak mo Axel—

Binalik niya sa poker face ang mukha niya at kinuha ang susi bago naglakad papunta sa isang kotse at pumasok sa driver’s seat. Hinarangan ko ang kotse sa harap at inilagay ang kamay ko sa hood nito. “Can we talk?”

“Move.”

“Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ine-explain sa akin ang nangyari.”

“MOVE.”

“Okay.” Umalis ako at tinaas ang kamay ko ng parang nagsusurrender. Kaagad namang umandar ang kotse niya at lumabas na siya ng gate.

That was an epic fail…

Lumingon ako sa tumawa ng malakas galing sa malayo. Si Christina, isa sa mga kaibigan ni Toby na nakilala ko dito.

Lumapit siya sa akin ng tumatawa pa rin. “Wala kang pagasa diyan, Axel. Wag kang mag-expect.”

“Hindi ko siya nililigawan.”

“Eh bakit sobrang attached mo sa kanya?”

“Sobrang attached? Kailan at paano mo nalaman na nagkita kami sa library?”

“Ngayon lang. Sinabi mo kasi eh.” I should learn when to shut up at times.

Nagbuntong hininga ako. “Whatever.”

“Anyway, bakit nga?”

“Ewan ko. There’s something about her.” Tinignan ko ang kotse niya na malayo-layo na pala. “Sobrang malihim niya. And I want to know why.”                                                                                                                                                                                         

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If stories were true (JaXel) [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon