Chapter 1

58 3 0
                                    

            Matagal siyang nakakatitig sa paglubog ng araw habang nakaupo sa tapat ng simbahan ng Malate Church. Kakatapos lang niyang magsimba.  Hindi niya namamalayan ang oras para siyang wala sa sarili na, wala na ang araw medyo dumidilim na ang kapaligiran. Mababakas sa kanyang maamong mukha ang lungkot na lumulukob sa kanyang sarili.

            Marami siyang tanong sa sarili na hindi niya alam kung paano masasagot…

Tanong na wala na yatang kasagutan. Sa edad niyang bente uno, hindi pa rin niya masabi kung masaya siya, kuntento na ba siya sa kaniyang buhay?

            Napa iling na lang siya sa kanyang mga iniisip… napangiti at sabay iling niya. “Hay! Naku Angela gumising ka na… wag ka ng magisip ng magisip at hayaan mo na lang tumakbo ang buhay mo.” Nasambit niya sa kanyang sarili.

            Tumayo na siya at naglakad ng pauwi sa kanilang bahay. Ganun palagi ang kanyang routine pagkatapos niyang magtrabaho. Sa pinapasukan niyang coffee shop sa may Malate.  Halos walking distance lang ang kanyang pinapasukan sa kanilang bahay kaya nagagawa niyang dumaan sa simbahan at tumambay sa tapat nito at hintayin ang paglubog ng araw.

            Pagdating niya sa kanilang bahay ay sinalubong siya ng kanyang ina na si aling Naty. Nagmano siya at nagulat na lang siya ng may iniabot na sobre ang kanyang ina. “Nay, saan galing ito?” Tanong niya sa kanyang ina.

“Hindi ko alam… basahin mo na lang, pagkatapos mong magbihis bumaba ka agad at kakain na tayo ng hapunan.” At dumiretso na ang kanyang ina sa kusina.

            Pagpasok niya sa kanyang kwarto agad niyang binuksan ang laman ng sobre

At nagtataka siya kung saan galing iyon. Walang return address at walang selyo.

Parang iniabot lang sa kanyang ina ng kung sino man un. Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at binasa. Laking gulat niya isang birthday celebration ang kanilang dadaluhan. Nagtataka siya kung kanino galing iyon,walang pangalan,tanging address lamang sa may Makati ang nakalagay dun,

            “Ano ba ito?... lokohan? Sino ang nagbigay nito?... sino ang may birthday?...” tanong niya sa kanyang sarili na naguguluhan pa rin.

            Bumaba na agad siya pagkatapos magbihis nadatnan niya ang kanyang ina at ang kanyang dalawa pang kapatid na mas matanda sa kanya. Naupo siya sa tabi ng kapatid niyang si Adela.

            “Oh nabasa mo na ba?” tanong ng kanyang ate Adela na naka ngiti sa kanya.

            “Oo, pero ang gulo, walang pangalan, tanging address lang ang nakalagay dun.” Takang sagot niya sa kanyang kapatid na si Adela.

            “Kanino ba yun galing  Nay? “ tanong niya sa kanyang Ina na naguguluhan pa rin siya.

            “Sige na nga at sasabihin ko na sa iyo.” Ang sagot kapatid niyang si Arlene.

            “Anak ng boss ko yan, kasi nakita niya yung pictures natin sa ibabaw ng table ko, tinanong sa akin kung sino ka?... tapos sinagot ko na ikaw ung bunso kong kapatid. “  na hindi niya mawari kung asar sa kanya o mainit lang ang ulo.

            “Iniabot iyan sa akin kanina, kung pwede ka raw pumunta bukas, sumama raw ako sa iyo ng malaman mo.”  Boses na parang naasar sa kanya.

            “Bakit ako pupunta dun eh hindi ko naman siya kilala?” tanong niya sa ate Arlene niya.

            “Wala akong magagawa iyon ang bilin niya sa akin, kaya sumama ka na bukas at huwag mo akong pahihiyain dun at malilintikan ka sa akin. Anak ng boss ko iyon kaya umayos ka, nagkaka intindihan ba tayo?” may pagbabantang himig nito sa kanya. Napatango na lang siya para sa ikatatahimik na lang, napatingin siya sa kanyang ina at sa isa nitong kapatid pero wala siyang nakitang reaksyon sa kanilang mga mukha.

HAWLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon