Chapter 2

45 2 0
  • Dedicated kay Hannah Sofiah Morcilla
                                    

Chapter 2

Nahiga siya sa kanyang kama, doon niya naalala kung paano sila nagkakilala ni Steve. Isang umaga yun ng martes, papasok siya sa kanyang pinapasukan dahil sa medyo late na siya hindi niya namalayan na may paparating na kotseng puti sa kanyang daraanan.

            Bigla siyang napasigaw at muntik na siyang masagasaan nito, galit na galit siya na lumapit sa may bintana ng kotse.

            “Hoy! Bastos ka! Lumabas ka riyan!“ ang sigaw niya sa driver.

Galit na galit na siya, dahil sa takot at ang kanyang damit ay puro putik puti pa naman ang kanyang uniform at ang kanyang sapatos na suot na nabali pa ang takong nito, dahil sa pagkabigla natumba siya sa may gilid ng kalsada. Dahil sa magdamagan ang ulan ng gabing iyon kaya ang kalsada ay sobrang putik at nagkalat ang mga basura nito sa may gilid.

            Agad na lumabas ang isang lalaking matipuno, matangkad at sa hindi niya malaman bigla siyang nagulat at kumabog ang kanyang dibdib. Pero agad niyang binawi ang kanyang naramdaman. Basta galit siya.

            “Miss, sorry talaga hindi ko sinasadya, ikaw kasi bigla ka na lang tumawid hindi mo nakita na naka green yung traffic light.” Habang nakataas ang kamay nito na parang nasuko sa kanya sabay iling. Hindi niya malaman kung matatawa ito dahil sa hitsura niya.

            Galit na galit pa rin siya, kahit alam niyang siya ang mali at nakita niya na naka go nga ang ilaw ng traffic light. Gustuhin man niyang mapa iyak sa kahihyaan hindi niya magawa. Dahil pati siya napahiya.

            “Kung ganun, ako pa ang mali? Ganun ba?” naka ismid niyang tugon sa lalaking kanyang kaharap.

            Hindi man sumagot ang kanyang kaharap, pero napa ngiti ito at sabay tango sa kanya.

            “Miss, teka mas mabuti pa na dalhin kita sa ospital dahil nagdurugo iyang binti mo.”

            Agad siyang napatingin sa kanyang binti ang laki ng galos nito at nakita nga niyang nadugo nga ito. Agad siyang inalalayan ng lalaki pasakay sa kotse nito.

Nakita niyang putting puti ang seat cover ng sasakyan, nahiya siyang upuan ito at agad niyang kinuha ang kanyang panyo at akmang ilalagay niya ito sa upuan, ngunit agad na inagaw ng lalaki ang kanyang panyo.

            “Ok lang, sige na maupo ka na ng ayos, wag yang panyo ang ilagay mo diyan, mas kailangan iyan ng mata mo.” Napa ngiti ito sa kanya sabay abot ng panyo niya at ang panyo ng lalaki ay inilgay sa kanyang sugat para mabawasan ang dugo sa kanyang binti. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa ginagawa nito o matutuwa. Nakita niyang kinuha ng lalaki ang cellphone nito at may tinawagan.

            “ Sarah, medyo male-malate lang ako, may nangyari eh, cancel muna ang meeting ha. Tsaka ko na ipapaliwanag pagdating diyan. Ok sige, bye.”

            “Grabe, ang aga naman ng date na yan kaya pala muntik na ako sa bastos na lalaking ito.” Ito ang gusto niyang sabihin habang nakikinig. Hindi niya namalayan na napalakas ata ng sinabi niya akala niya ay bulong lang un.

            “Hahahaha naku! d’yan ka nagkakamali, secretary ko yung kausap ko sa telepono at may meeting sana ako, kaso bigla kang tumawid ng wala sa lugar ayan nai kansel ko tuloy.” Natatawa ito habang nagmamaneho at saglit siyang sinulyapan. Naramdaman niyang nag iinit ang kanyang mga pisngi, hindi niya mawari kung napahiya siya sa tinuran ng lalaking iyon sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAWLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon