HER
Haaaay, nakakapagod naman kahapon. naghakot kasi kami ng mga gamit namin at inayos na rin lahat ng mga dapat ayusin sa paglipat namin ng bahay.
At ngayon, nandito na kami sa bago naming bahay. kakagising ko lang rin dahil di ako makatulog sa bago kong kwarto, kaya napagisip ko na maglakad-lakad muna sa labas ng bahay namin.
Kakalipat lang namin kahapon at may mga gamit pa na natira sa lumang bahay namin.
Maayos naman ang bagong lugar na napaglipatan namin.
Kaso ngalang masyadong tahimik. parang walang nakatira sa mga bahay dito dahil di mo naman mararamdaman ang presensya nila.
At nung unang punta nga namin dito sa lilipatan namin, naramdaman ko na parang nakatingin sa amin lahat ng tao.
Pero nung lumingon ako, hndi naman sila nakatingin. ang weird nga eh. Pero hinayaan ko na lang kasi baka naghahallucinate lang ako.
Hindi ko alam kung bakit kami lumipat ng bahay, pero mas gusto ko yung dati naming tirahan.
kumportable kasi sa dati naming tirahan at masaya rin ang ambiance.Pero dito, parang kabaliktaran nun.
Dati tahimik ang buhay ko--ay wait. Ni-kelan pala hindi naging tahimik ang buhay ko.
Siguro isa sa rason kung bakit kami lumipat ng bahay eh dahil sa nangyari sa akin sa dati kong paaralan...
>>Flashback 4 years ago<<
haay. wala nmang pinagbago ngayon araw na ito. Pero ngayon di ko na nakalimutan magdala ng band-aid at concealer.
Para hindi mahalata ni mama at nila ate yung mga sugat at pasa ko.
Nalaman ko kasi yung sa ibang movies, na nakakatulong daw ang concealer sa mga pasa at sugat para di mahalata.
"nandito na siya!" sigaw ng classmate kong lalaki.
Natigilan ako sa paglakad at huminto sa tapat ng classroom namin.
huminga ako ng malalim at binuksan ko na yung pinto nang..
BINABASA MO ANG
it's Him
HumorHim meets her or Her meets him? Who is the right one for you? Is fate really do exist?