"SIR DAVE, mauna na po ako. May emergency kasi sa bahay namin," pagpapaalam ng isang guard sa may ari ng restaurant na pinagtatrabahuan nito.
"O sige sige. Umuwi ka na sa inyo. Ako na lang magsasara ng resto," sagot ni Dave habang inaayos ang mga papel na nagkalat sa table niya.
"Sige ho salamat Sir. Goodnight na din." Nakangiting sumaludo sa kanya ang guard bago umalis.
Nang maayos na ni Dave ang mga papel ay ipinasok na niya iyon sa kanyang bag. Kinuha niya ang kadena, lock at susi na nakapatong sa table at naglakad na palabas ng resto.
"Sa tingin mo makakauwi ka pa?"
Agad siyang napatigil ng marinig niya ang boses na iyon at mabilis na nakaramdam ng talim na nakatutok sa kanyang tagiliran. Nanginig sa takot si Dave.
"S-sino ka?" Nauutal niyang tanong. Nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya dahil sa isang maling galaw ay tiyak na mapapamahak siya. Hindi pamilyar ang boses na iyon ngunit sigurado siyang may gagawing masama ang taong iyon sa kanya.
"Kailangan ko pa bang magpakilala?" Tumawa siya ng mahina. Mabagal siyang naglakad papunta sa harap ni Dave habang pinadadaan nito ang hawak hawak na kutsilyo. Nang tuluyan na siyang nakapunta sa harap ng lalaki ay doon na niya isinaksak ang kutsilyo sa tiyan nito.
Napasigaw si Dave sa pagtama ng talim sa laman nito.
"Tangina anong kailangan mo? S-sino ka?" Napangiwi siya ng bunutin ng salarin ang kutsilyo. Dahil sa sobrang hapdi ng hiwa sa tiyan ay napaluhod ang lalaki.
"Anong kailangan ko? Alam mo na siguro yan. Binigyan na kita ng babala noon pero ginago mo lang ako. Ayan ang napala mo," sagot ng salarin at ipinahid ang dugo na nasa kutsilyo sa pisngi ni Dave.
Napangisi siya bago muling nagsalita. "Sino ako? Kung sasabihin ko ba ang pangalan ko, may magagawa ka pa ba? Eh mamamatay ka na rin naman. Kaya uulitin ko, kailangan ko pa bang magpakilala?"
Tanging mga mura na lang ang nasabi ni Dave habang humagalpak sa tawa ang salarin. Unti unti na ring namamanhid ang katawan niya at hindi na niya magawang makapag-isip ng maayos dahil sa iniindang sakit sa sugat niya sa tiyan.
"Alam kong alam mo kung bakit ako nandito. Tangina na lang kung hindi. At bago pa may makakita sakin, tatapusin ko na ang trabaho ko. Wag ka mag-alala, parang kagat lang ito ng langgam..... halimaw nga lang na langgam," saad niya at ibinaon ang kutsilyo sa lalamunan ni Dave. Sinigurado niyang baon na baon ang kutsilyo. Sumirit ang mga dugo habang nagsisigaw ng tulong si Dave. Ngunit dahil sa mga dugo na lumalabas sa bibig niya ay nagiging mahina ang kanyang pagsigaw.
Sandaling iniwan ng salarin si Dave para kuhain ang bag nito. Mabilis din naman siyang bumalik. Nadatnan niyang nakahandusay na ang lalaki sa sahig habang patuloy sa pagsirit ang kanyang mga dugo. Napangiti siya sa nakikita.
Lumuhod siya sa tabi ni Dave at kinuha ang laman ng kanyang bag. Punong puno iyon ng mga surgical equipments. Kinuha niya ang gunting at ginupit ang damit ng lalaki. Sunod niyang kinuha ang scalpel at sinimulang hiwain ang tiyan nito. Nagsuot siya ng plastic gloves at ipinasok ang kamay sa loob ng tiyan ng biktima saka kinuha ang kanyang laman loob.
BINABASA MO ANG
The Incognito
Teen FictionBecause it takes a lot of blood... credits to @perksofdo for the book cover.