4 : Lost

696 38 17
                                    

Arah's POV

Napabalikwas ako ng upo nang biglang lumitaw si Eron at mabilis na inagaw ang kanyang ID.

"Sinong nagsabing pakeelamanan mo ang gamit ko?" pasigaw niyang tanong. Ang mga kaklase namin ay napapatingin na rin sa amin. 

Itinaas ko ang magkabilang kamay tanda bilang pagsuko. "Whoa, sorry okay?" Nanatiling nanlalaki ang mga mata niya habang tumataas baba ang kanyang balikat na para bang ang lalalim ng paghinga niya. 

Hindi na niya ako pinansin at bigla na lamang lumabas ng classroom dala-dala ang bag nito. "Weird," ang tanging nasabi ko. Para siyang takot na takot ng makita ko ang ID niya. May mali ba akong ginawa? Yes, mali nga naman ang ginawang kong pangengeelam pero ID lang naman iyon, parang napaka-laking kasalanan na ang ginawa ko.

On the other hand, lalo akong nahiwagaan sa kanya. Parang ayaw niya makilala ko siya. Parang... ayaw niyang makilala namin siya. May tinatago kaya siyang sikreto?

"BYE GUYS! My service is here na," pagpapaalam ni Demi sa amin.

"Wala bang goodbye kiss diyan Demi?" tanong ni Logan habang tinataas baba ang kanyang kilay.

"Eww."

"Loko, mag-aral ka muna magtooth brush 'pre," komento ni Paige bago batukan ng malakas si Logan.

Gumanti ng batok si Logan hanggang sa mag-away na ang dalawa. Napairap na lang si Demi bago pumasok sa loob ng sasakyan at tuluyan nang umalis. Naiwan kaming apat. Dahil walang magkakapit bahay sa amin ay di kami sabay-sabay umuwi. 

"Tokneneng ka talagang monggoloid ka. Gago, makaalis na nga!" Pikon na saad ni Paige atsaka nagwalk out.

"Ano na namang ginawa mo ha?" Tanong ni Emerie sa nakangising Logan.

"Sikretong malupet! Paalam na mga bata," kumaway siya sa amin at tumakbo paalis. Natawa na lang ako sa inakto niya. Di na talaga ako magtataka kung balang araw ay mababalitan kong nasa mental hospital na siya. 

"Tara Arah, hatid na lang kita sa inyo," sabi ni Emerie.

"Di na. Di naman ako bata para iahatid pa," pagtanggi ko sa kanya. Bigla naman siyang nagpout.

"Sure ka?" Tumango ako.

Sumakay na siya sa loob ng kotse niya at nagdrive paauwi. Naiwan na akong mag-isa.  Naglakad lakad muna ako hanggang sa sakayan ng jeep ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Letse, bakit ngayon pa?" Tumakbo na ako ng mabilis para makasilong ngunit nabasa pa rin ako ng lintek na ulan. 

Hinintay ko munang tumila ang ulan ngunit mukhang matatagalan yata iyon. Maya-maya, nakarinig ako ng busina ng sasakyan na nakaparada sa tapat ko. Bumaba ang bintana ng ssakyan kaya kitang kita ko na ang driver na nasa loob-- si Mr. Lee.

The IncognitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon