5 : Drown me, Death

653 36 8
                                    

Arah's POV

"Tumigil ka na nga Arah!" sigaw sa akin ni mama. 

"Bakit ba ayaw niyo akong payagan? Bakit si Serene naman ayos lang bakit ako hindi? Anong akala niyo sakin, bata? Tokneneng eh mas matanda nga ako sa isang yan eh." 

Padabog akong umupo sa may dining area at sinapo ang aking noo. Nakakainis!

"Hindi mo ako naiintindihan Arah. Ikaw ang panganay at may trabaho ako. Ano na lang mangyayari sa kapatid mong si Reese kung dalawa kayo ang mawawala ng tatlong araw?" Tanong ni mama at lumapit sa akin para hawakan ako sa balikat.

"Bakit ako? Anak mo rin ako. Bakit sa'kin mo pinapasa ang responsibilidad ng pagiging nanay mo? Bakit pakiramdam ko... ni minsan hindi ako naging anak sa pamamahay na to?" Tumingala na ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Simple lang naman ang hinihingi ko sa kanya, ang payagan ako sa field trip pero heto at kung saan saan na napupunta ang usapan.

"Arah hindi naman sa ganoon. Intindihin mo naman ako."

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa kwarto ko. "Sana kasi intindihin mo rin ako." 

Padabog kong isinara ang pinto at doon na bumuhos ang mga luha ko. Hindi. Hindi dahil sa field trip na iyon ang luha ko. Alam kong may hindi tama sa pamilya namin pero hindi ko malaman laman kung ano 'yon. 

Maya-maya, pumasok si mama sa kwarto ko at niyakap ako mula sa likod.

"Sorry Arah. Sige na, sumama ka na."

Umiling iling ako at tinanggal ang kamay niya niyang nakayakap. "Pwede bang huwag mo na akong pagmukhaing tanga?!" bulyaw ko sa kanya.

"H-ha?"

"Bakit mo siya nilalayo sa amin?" tanong ko at pinunasan ang aking mga luha. Nanlaki ang mga mata niya at kapansin pansin ang panginginig ng kanyang kamay. Palaging nangyayari iyon sa tuwing tinatanong ko ang bagay na lagi niyang iniiwasang sagutin.

Tumalikod siya sa akin. "Wala na siya Arah. Wag mo na siyang hanapin o kilalanin man lang. Iniwan na niya tayo."

"Sino ba kasi si papa?!"

"Sinabi nang wag mo na siyang kilalanin. Patay na siya!" 

Napaatras ako sa biglaang sigaw niya. Ang mga mata niya.. napupuno ng mga luha ngunit bakas doon ang galit. 

"Ito na ang huling beses na pag-uusapan natin siya Arah. Ayoko nang maulit ito," malamig niyang sabi at lumabas ng kwarto. Napaupo ako sa kama.

Naguguluhan ako. Galit siya. Alam kong matagal na siyang galit sa akin pero hindi ko alam ang dahilan. B-bakit pakiramdam ko, ako ang dahilan ng pagkamatay ni papa?

The IncognitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon