T.G.W.G.T.B.H.L.G 17: Jemryn

16 2 0
                                    

LAST DAY (exam)

"Goodmorning anak oh tara kain ka na" pag bati sakin ni mami pag pasok ko sa kusina

"Ok mi, Goodmorning" bati ko kay mami sabay upo na para kumain

"Ayy anak nakita ko nga pala yung regalo dyan ni Tita Pamela mo, sino nga pala nag dala nun?" tanong sakin ni mami

oo hindi ko pa nasasabi kay mami kasi nung umalis si Bryle kahapon naligo na kagad ako nun ako at nag aral ako sa kama ko habang nakahiga At hindi ko namalan nung natapos na akong mag aral naka tulog na pala ako kasi ang balak ko lang kasi nun ay pipikit lang talaga ako

At nung pag gising ko 12pm na at dahil sa nagugutom na ako bumama ako para kumain pero sila mami tulog na

"Ahh si Bryle mi" tipid kong sabi haha syempre in pigil kilig mode noh baka malaman pa ni mami ehh

"HAA?" tanong sakin ni mami ng halatang gulat na gulat sya... Well sino ba naman kasing hindi magugulat diba kahit ako din ehh hindi para rin makapaniwala pero dahil nakita ni mami yung regalo so ibig sabihin totoo nga talagang galing sya dito kagabi

"Yea mi believe it or not si Bryle talaga yung nag dala nyan para sayo" sabi ko ulit kay mami

"OMYG so mag kakilala na kayo ni Bryle? Nag uusap kayo?" tanong ni mami na parang hindi parin makapaniwala

so "Yass and Yess mi" ang sagot ko kay mami

"What totoo? ehh sabi nyang ni Tita Pamela sobrang tahimik daw nyan ni Bryle ehh.. Ni hindi nga daw yan nag sasalita kung hindi muna mag tatanong yang si Tita Pamela mo chaka alam mo ba anak nasabi din sakin ni Tita Pamela mo na Hindi pala marunong mang ligaw yang si Bryle kasi sya daw ang nililigawan ng mga babae?" Mami

Yaass mi alam ko na po yan.. hindi ko nga rin alam kung pano ko yan nakaka usap ehh

Kumain na lang ako habang nakikinig kay mami haha alam ko naman na kasi yang mga pinag sasabi nya ehh haha

"Anak kung sakaling magka gusto kayo sa isa't isa wag na wag mong gagayahin yung mga babaeng yun ha!? masyado kang maganda para manligaw tandaan mo yan so hayaan mo syang mag paramdam sayo kung may gusto sya sayo" bigla tuloy ako napa tingin kay mami with matching laki mata ko.. ano ba naman yang pinag sasabi nito ni mami!? napaka imposible kayang mag kagusto sakin nun sa daming may gusto sa kanya baka nga mas maganda pa yung iba noh chaka yass hindi ko sya liligax-wan noh duuhh DALAGANG FILIPINA kaya ako noh haha

"MI alam mo namang hinding hindi ko gagawin yan chaka napaka imposibleng magka gusto sya sakin kasi ang daming nag hahabol sa kanya maganda rin naman yung mga yun baka nga mas maganda pa sakin yung mga yun ehh" sagot ko na lang kay mami kasi totoo naman

"Good to know.. pero mali ka kasi posible yun mabait ka, matalino at higit sa lahat napaka ganda mo..mana ka kaya sakin" natawa na lang ako sa sinabi ni mami kaya naman tumango na lang ako sa kanya

Pero pano kaya kung itry kong wag syang pansinin this day? ia-approach nya kaya pa din ako or titigil na yung communication between us? bakit ko naisiptoh? well baka kasi kaya nya lang ako pinapansin dahil akala nya isa ako sa mga babae na nagpa papansin sa kanya at hindi ko naman papayagan na sumagi yun sa isip nya noh

Dahil tapos na rin naman akong kumain inilagay ko na yung pinag kainan ko sa lababo at nag paalam na kay mami at dumiretso na ako sa sala

Medyo maaga akong bumaba ngayon kaya naman meron pa akong 15 mins para mag stay dito sa sala

Kinuha ko na lang yung phone ko para makinig muna ng music habang naghihintay sa sundo ko

Ipinikit ko na lang yung mga mata ko habang nakikinig sa kanta hindi na muna na ako mag aaral tutal naman nag aral na ako kagabi at nung nakaraan so in short alam ko na pero baka mamaya mag review pa din ako pag hindi kinaya ng consensya ko na hindi mag aral ulit bago mag exam

Habang nakapikit naisip ko pano kung tama nga ako pag hindi ko sya pinansin titigil din sya? ..... hindi ko alam bakit ko ba to iniisip so ERAASSEE EERRAASSEE Gladys wag mo nga masyadong iniisipin yun

POOOOTTTTTTT

Kinuha ko na yung gamit ko at nag lakad na palabas

"Goodmorning Valentyn" bati sakin ni Kuya habang naka ngiti

"Goodmorning din po" sagot ko sakanya sabay lakad ko na sa upuan ko

Ng paupo na ako nakita ko muna si Maris na naka upo sa harap at nginitian nya ako kaya naman nginitian ko din sya hindi ko na sya binati kasi may earphone din sya sa tenga as usual

"Goodmorning Friend" Sab

"Goodmorning" bati ko sa kanya at sabay ngiti ko kay Pia na naka upo sa tabi ni Sab

Bago pa ako umupo tumingin muna ako sa pwesto ni Bryle at sakto naman tumingin din sya sakin ...

hindi muna ako ngingiti hihintayin ko syang unang ngumiti or bumati sakin

...

Pero dahil walang nangyayari naka tingin lang sya sakin Umupo na lang ako sa upuan ko

So? tama nga ako? na pag hindi ko sya pinansin ng UNA hindi nya rin ako papansin?? so ganun?? well kung ganun nga edi wag na kaming mag pansinan kasi wala rin naman syang aasahan sakin kung ganun din

Wala akong gana na mag aral pa ulit kaya naman nilagay ko na lang yung isa ko pang earphone sa tenga ko at sumandal at pumikit dahil 30 mins naman yung byahe (well kasi may iba pang istudyante na susunduin) iiglip muna ako

...

...

...

...

...

Sinasagutan ko na yung last exam namin patapos na ako at yung iba naman tapos na kaya ipinasa na nila at lumabas na ng classroom

Pagka sagot ko ng last na tanong sinulat ko na yung pangalan ko sa test paper namin at yung oras kung anong oras ako natapos

Tapos tumayo na ako para ipasa na yung papel ko

"OMY hindi ako makapaniwala na tapos na yung pagiging 3rd year natin" Pia

"Hindi pa kaya meron pa kaya tayong 2 days, I mean one day free tapos meron pa tayong YearEnd Party" Sab

"Alam ko baliw ang ibig kong sabihin tapos na yung mga HW/SW/quiz at higit sa lahat wala ng exam at grades haha" Pia

Grabe hindi ako makapaniwala na natapos ko yung 3rd year ko dito sa school na to kasama tong 3 babaeng to and I'm happy with that Hindi ko na lang namalayan tapos nga kami sa 3rd at next year 4th year na kami at last year nadin namin yun excited na ako para sa next school year kasi masisimulan ko na yung school year na yun kasama sila :)

"Tara na punta na tayong mall bibili pa tayo ng damit natin para sa YearEnd Party diba?" tanong ni Maris

"YAASS oww yess" Sab

Kaya naman nag ayos na kami ng gamit at lumabas na ng classroom

Nag lalakad na kami ngayon palabas ng school ng biglang may tumawag sa pangalan ko

"VAALLLENTTYN"

Pag lingon ko si Jemryn pala yung super gwapo naming VP namin sa classroom namin

Crush ko nga to ehh ^_^...

...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi bebe labs hehe short UD ba? haha sorry na babawi ako bukas ok? tutulog muna ako haha jusko sorry talaga na aadict na naman kasi ako sa Kdrama ngayon ehh kaya may kaagaw yung Wattpad sa oras ko ngayon haha babawi talaga ako hehe lab lab

Asking kung sino si Jemryn?? *smirk*

ex?

New lover?

Kaagaw ni Bryle?

well malalaman nyo din next chapter don't worry hehe *wink wink*

T.G.W.G.T.B.H.L.GWhere stories live. Discover now