Chapter 08 ♪ Caught Off Guard* ♪

39 4 0
                                    

Author's note: Gusto ko lang ipaalala. Book two po ito. =)) baka may naligaw. Hehe. Click the external link for book one. Thankies :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Caught Off Guard] 

-
"Karen!" naring kong tawag mula sa likod. Agad akong lumingon.

"Oh, Ryan!" sambit ko nung makalapit na siya sa akin. "Bakit ka nandito?" naglakad kami papunta sa may sulok dahil nasa may exit kami kanina. Nakakahiya naman, harang pa kami sa daan.

"Pinapunta ako nung kaibigan ko. Tinatanong ako kung gusto ko raw bang mag-sign ng contract sa RAMA," paliwanag niya.

"Oh. Pumayag ka?" pormal kong tanong pero sa totoo lang, parang may kung anong bara sa lalamunan ko. Tinignan niya ako na parang sinasabi niyang, 'Oo eh' pero bigla siyang ngumiti. 

"Syempre hindi! Hihintayin ko yung pagbabalik ng BMC, remember? Saka busy rin ako ngayon sa pagtulong sa family ko. Masaya palang magpunas ng lamesa at maghugas ng plato," nakangiting sabi niya.

Naisipan niyang magtrabaho sa restaurant na pinatayo ng parents niya. At bilang training, una niyang trabaho ay crew. Nakakatuwang na-enjoy niya ang paghuhugas ng plato. Pero lagi niyang sinasabi sa akin na babalik pa rin siya sa BMC pag okay na ulit lahat.

"Ayan! Tama yan. Magsipag ka. Hindi gaya nung sa BMC na lagi kang late!" pagsesermon ko. Imbis na magtino siya, bigla niya akong tinawanan. "Bakit--" he cut me off.

"Ang cute mo," sabi niya sa pagitan ng pagtawa. "Anyway, ikaw, bakit ka nandito? May kasama ka?"

"Ah," yun lang muna ang nasabi ko. Nakaka... Nakakakilig! Ata? Ah, Karen nababaliw ka na ba?! "Uhm, wala akong kasama. Pinuntahan ko lang si Krisha. May nakita kasi akong gamit niya na naiwan niya sa BMC na nadala ko sa bahay."

Konti lang ang gamit na galing sa BMC na inuwi ko sa bahay para hindi makalat. The rest, binenta, tinapon, at pinamigay nalang. It so happened na inuwi ko yung personal drawer ko na dating nasa office ko tapos nung inalisan ko siya ng gamit kahapon para linisin, nakita ko yung kwintas ni Krisha. Kaya binalik ko. Good thing I was able to contact her.

"Okay naman kayo? Hindi naman heated yung convo?"

"I don't even think we had one. Actually dapat ako ang pupuntahan niya pero may emergency daw so dito nalang kami nagkita. Pagpunta ko dito, naghihintay na siya sa may lobby. I handed her the necklace tapos nag-thank you siya at umalis na. Tapos paalis na rin ako pero nakita mo ako," paliwanag ko. Palabas na dapat talaga ako eh.

"Oooh. Good. Kasi kung may sinabi siya, hindi ko yun papalagpasin," sabi nito at kumindat. Nakakainis! Ang cute niya. "Lunch?"

"Sure," sagot ko.

"After you," sambit niya tapos nilahad yung kamay niya dun sa way ng exit. Ngumiti lang ako at nauna nang naglakad pero paglabas namin, magkasabay na rin kaming naglakad papunta sa parking lot kung nasaan yung kotse niya.

Nang makarating kami sa kotse niya, pinagbuksan niya pa ako. Nag-thank you nalang ako.

-

Nakarating kami sa Chelsea's. I remembered MJ. Dito dapat siya pupunta nung birthday ni Vince last year pero naaksidente siya. Tho this is not the same branch, naalala ko pa rin siya at medyo nalungkot ako. I haven't heard of her. Busy siguro siya masyado. I let her be. Alam kong para yun sa ikabubuti niya.

Journey to L'sWhere stories live. Discover now