~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Upside Down]
"Good morning, Monica Jane! You'll have your 2nd seminar next Saturday, November 08, 2014. Thank you! We're glad to work with you."
Muli kong binasa yung text. Pangalawang seminar na pala!
"Winnrie, may seminar ulit akong pupuntahan next Saturday," sabi ko sa kanya kahit tulog pa siya.
"Go lang nang go," sabi nito na halos pabulong na. Hindi ko nga alam kung alam niya ba yung sinasabi niya.
Kahit depressed ako--sobrang depressed--pinilit ko ang sarili kong bumangon ulit. Tinanggap ko yung dating offer ni Winnrie na maging endorser. Hindi ko na kailangang magtago. Alam naman na nila kung nasaan ako--alam na niya.
Kaya ayun. Nag-umpisa na ako. Nag-sign na ako ng contract nung last week ng October at nag-start na rin ng seminar. Grabe. Lahat ng ginagawa ko, may koneksyon kay Vince Renzo. Lagi nalang nakadepende sa kanya.
Is pushing him away the right thing? Sana, oo. Kasi sobrang sakit ng ginawa kong yun and I'm hoping na worth it yun.
It was 14 days ago but the memory is still fresh. His image while he was crying--the one I can't ever forget--keeps on playing in my mind from time to time. And everytime it does play, my heart shrinks as well.
I looked at my phone screen which says 7:15 am of November 01, 2014. Hah. Just the exact date for me to act like a drama queen. I should have buried my heart six-feet-under. It already died few months ago and maybe, it died more few days ago.
Shut it, MJ! Move on na nga diba? Please forget. Please, kahit isang buwan lang.
I'm gonna give myself a break. I need to. Makapunta na ng lang sa mall! I'm gonna have my breakfast there and then I'll go to the boutique at ililibing ko ang sarili ko doon.
For the past two weeks, ganito ang routine ko. Aalis, magtatrabaho, magpapaganda, magsha-shopping at kung anu-ano pang kaartehan. Ayoko lang talagang makulong sa bahay dahil baka mag-appear ang pangalan ko sa articles. "Isang babaeng baliw, nagkulong sa fridge, patay." Ayoko nun.
"Hi MJ," basa ko doon sa text ni Henry matapos kong makapagbihis. Nag-reply ako ng hello na may smiley.
Mas naging busy siya ngayon kaya hindi ko siya masyadong nakakasama. Meron siyang in-open na restaurant at binabantayan niya yun palagi dahil bago palang. Yun yung inaasikaso niya last last week pa.
Pwede naman akong bumisita kung gugustuhin ko pero sa North Carolina kasi yun. Doon siya nags-stay ngayon. Malayo kaya maraming oras ang kailangan meron ako. Too bad, wala ako nun. Kaya ayun. Busy lahat ng tao kaya tiis-tiis muna ako sa sarili ko.
Imbis na sa mall ako makarating, sa convinient store nalang ako pumunta na walking distance. Ewan ko bigla akong tinamad. Mamaya nalang ako pupunta sa boutique. Sabay nalang kami ni Winnrie.
Bumili nalang ako ng cup noodles. Habang kumakain ako, bigla kong napansin na nagpalit na pala yung kanta. Kanina ay timber tapos ngayon...
♪ We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
I'm scared to death to say I love you ♪
Passenger seat yung kanta ngayon. May biglang nag-flashback sa isip ko. Isang pangyayari sa kotse nung unang buwan pala naming magkarelasyon ni Vince Renzo. Yun yung time na wala pa siyang sweet bones kaya parati ko siyang inaasar. I can vividly remember that scene kasi halos mamatay ako nun sa kilig. Sobrang hindi ko inaasahan yun!
YOU ARE READING
Journey to L's
Teen Fiction[Book 2 of War of L's] Leaving is not to show an ending. It's to create a new beginning. It's time to begin her journey to life and to her deserved love. || Fighting was never a mistake. It's time to start his journey to L's heart, but whose L woul...