[Old times]
"Vince Renzooo!"
"Ano?!" gulat na tanong niya at napabangon bigla.
Sinubukan kong itago ang ngiti ko. Nakakatuwang ang alert niya pagdating sakin. "Manganganak na ako!" sigaw ko.
"MJ naman eh. Akala ko kung ano nang nangyari sayo," nakasimangot na sabi niya tapos kinusot yung mga mata niya.
"Eh ayaw mo kasing gumising eh. Kakain na kasi tayo," sagot ko naman.
"Halika nga dito," sambit nito at hinila ako pagkatapos ay kiniliti. Tawa lang ako nang tawa. Paano nga kaya kung totong may baby na kami? Siguro mas masaya. Hehe.
"VR! Ayoko naaaa! Kyaaaah~"
Tinigilan na niya ako pero hindi pa rin pinakawalan. Hawak niya ang dalawa kong kamay at pinirmi niya yun sa kama.
"Gusto mo na bang magka-baby?" nakangiti niyang tanong. Napangiti rin ako ng malapad. Nagawang kumawala ng isa kong kamay at ginamit ko yun para pitikin ang ilong niya.
"Baliw. Ke aga-aga, yan yung tanong mo. Gusto ko muna, mag-breakfast. Gutom na ako. Kailangan mo nang magluto," sambit ko. Kakagising ko lang rin kasi.
Paglabas namin ng kwarto, nagkatinginan kami at natawa. Hindi naman kasi umaga. Gabi pa lang. Pagkarating namin kanina dito sa Singapore at pagka-check in namin sa hotel, binaba lang namin yung bags namin tapos natulog kami.
"Niloloko mo ko, turtle. Gabi pa lang eh," tatawa-tawang sabi niya.
Natawa ako. "Sorry na. Ikaw rin naman akala mo umaga na ah. Ah, basta magluto ka na. Yung masarap ah!"
Tinawanan niya lang ako. Habang nagluluto siya, hinanda ko naman yung lamesa tapos yung ibang time, pinanood ko lang siya. Ang gwapo. Gwapo talaga. As in gwapo.
Sa gitna ng pagkain, sinabi niya na may pupuntahan daw kami mamaya.
"Wait. Agad? Bukas nalang kaya? Mas maganda sigurong mag-stay nalang muna tayo dito ngayong gabi. You know, save up some energy. What do you think?" suhestiyon ko. Medyo pagod pa rin kasi ako kahit na nakatulog ako. Hindi pa nga ata napa-process ng utak ko lahat ng mga nangyari eh.
Oh... wait. I'm married! RIGHT! I'm already a married woman. This is so... Oh, wow.
"Huy. Bakit ka nakangiti diyan? Ah, ikaw ha. Kunwari pang gusto mong mag-save ng energy. Sus. Gusto mo lang masolo asawa mo eh," pang-aasar niya.
"Kyaaaah! Stop it, you! Kinikilig ako. Wait. Nakalimutan ko, actually. I mean, hindi agad na-process ng utak ko na kasal na nga pala tayo. Kagabi lang yun, right? Grabe! Sa dami ng nangyari, my goodness! This hapiness is too good to be true."
Vince smiled tapos hinawakan niya ang kamay ko. "No, MJ. This is real and you deserve this happiness. Thank you," sabi niya na nakangiti pa rin.
"Thank you saan? I should be the one saying that," tutol ko naman.
"Well, maybe both of us should be thankful. Pinagtagpo tayo ng Diyos. Uh, wala lang. Ang saya lang kasi, diba?"
"Oo, sobra. Pero grabe, kasal na ako. Ito na talaga yun. Ah, ewan. Kumain na nga lang muna tayo tapos saka nalang natin i-finalize yung plans," sabi ko at tumango naman siya saka nagpatuloy na rin sa pagkain.
Napagkasunduan naming mag-movie marathon nalang buong gabi at bukas nalang mag-explore sa Singapore.
Kinabukasan, naisip naming mag-swimming muna tapos sa hapon nalang kami gagala.
YOU ARE READING
Journey to L's
Teen Fiction[Book 2 of War of L's] Leaving is not to show an ending. It's to create a new beginning. It's time to begin her journey to life and to her deserved love. || Fighting was never a mistake. It's time to start his journey to L's heart, but whose L woul...