📖 5th Chapter: You Dont Know

10 1 0
                                    

Pababa na muli kami papuntang 3rd floor... Bitbit bitbit ni Sander si Lolly which is pangalan nung batang iniligtas namin kanina...

Nakatulog si Lolly kaya ayos lang para makapagconcentrate si Sander.

Kanina, naguluhan si Sander kung bakit siya yung magiging papa ni Lolly. Sabi naman ni Lolly ang galing niya daw kasi makipaglaban sa mga zombies kaya siya pinili niya.

Siyempre ako yung mama niya because I volunteered.

"We're here." Pabulong na sabi ko at chineck kung may nakakalat nanamang mga hinayupak na halimaw.

"Bwiset, meron nga." Napangiwing sabi ko ng pagsilip ko ay may nakita akong nagkalat na zombie.

"Shhhhhh...." Sabi ko sa kanila na nasa likod ko naghihintay kung anong isisignal ko.

Nagtataka naman sila kaya pinasilip ko sila.

"Hanggang ngayon talaga di ako makapaniwala sa mga nangyayari." Pabulong na sabi ni Flinch.

"Same." Sabay na sabi namin ni Anna kaya tinignan ko siya kaso nginitian niya ako so I smiled back.

"Hmmm, pano na kaya to?" Tanong ko kay Ciara. As expected, she has an idea.

"Pwede lang natin silang lampasan." Sabi niya na ikinasinghap naming lahat.

"Seriously girl?" Nakangangang sabi ni Candy kaya tumango lang si Ciara.

"Ok, kahit kinakabahan ako sa naisip mo, I trust you. So, care to explain?" Sabi ni Sander.

"Guys, lakasan lang ng loob dito, nasa kabilang dulo pa ung hagdan papuntang 2nd floor. At para makarating doon, kailangan nating dumaan sa kanila." Paliwanag ni Ciara at tinuro pa yung mga eng-eng na zombies.

"Paano pag di gumana yung plano mo? So much better na labanan na natin sila at ubusin." Sabi ni Anna. Ok? As if naman na kaya niya nuh?

"No." Sabi ni Ciara kaya napatikom nalang siya ng bibig. Haha! Good dog.

"Pag nilabanan natin sila, magpapagod nanaman tayo...ano ba? Ang dali dali ng plano, all we have to do is to be silent. Maglalakad tayo ng tahimik, walang ingay, walang magsasalita. Remember, they base there moves at the sounds. Diba? Napansin na natin yun noong una pa." Mahaba niyang paliwanag kaya napatango nalang si Anna.

"Ok, sorry, nag-suggest lang ako." Sabi ni Anna.

"Baka naman inisip mo na sayo ko pinatama yung idea?" May pagkaharsh na sabi ni Ciara kaya naman napayuko pa ng husto si Anna.

"Ehem, tama si Ciara, we all noticed that they only based their moves on the sounds." Sabi ko at itinuon ulit ang tingin sa mga nagkukumpulang zombies.

Mga lecheeeeeeeeee flan........

"So? Ako mauuna?" Tanong ko kasi mediyo kinakabahan din ako.

"Plan B. Kung sakali mang may nagyari ulit at pumalpak. Be prepared." Sabi ni Ciara.

"Ok." We said.

Aaaaaaat, eto na nga ako...

Naglalakad na...

Ako sa pinaka-una as usual...

Huhu!!! Kahit ba marami narin akong nakalabang ganitong nilalang, natatakot parin ako. Naalala ko kasi yung nangyari kanina.

Tulog parin si Lolly. Haist, mabuti na yan. Mga bata kasi maingay eh.

Ang baho!!!

Oo mabaho, amoy malansang ewan! Parang umiikot bituka ko dahil sa amoy. Kahit kanina pa kaming naglalakad, hindi parin ako sanay sa amoy ng mga nagkalat na dugo at parte ng katawan!

The Philippine Zombie ApocalypsisWhere stories live. Discover now