📖 6th Chapter: Anna

8 1 0
                                    

Nakasimangot ako ngayon...

Yeah, mediyo kumalma na ako pero di ko parin maiwasang isipin yun at naiinis ako.

Di ako namis-understood. I know that she wants to get Flinch from me. Ok na sana yung maging kaibigan siya ni Flinch but at the same time maging kaibigan ko rin kaso hindi eh, gusto niyang angkinin si Flinch at alisin ako sa buhay niya.

Diba? Ganun naman yung gusto niyang iparating. Sinabi niya pang "AYOS LANG YAN PAG MAGISA". Oh really?! Kala niya di ko yun pinansin? Diniin niya pa nga eh. Pasalamat siya, nasa grupo namin siya ngayon. Kung hindi, isa na siya sa pinatay kong zombie.

Nakayakap si Lolly hanggang ngayon sa leeg ko. Tinanong niya pa kung galit daw ako but of course I said no.

"Pix?" Narinig kong sabi ni Flinch sa likod ko. Ha! Siya pala yung nasa likod ko kala ko iba. Di kasi ako lumilingon simula ng magalit ako. Bahala sila.

Naglalakad parin kami pababa kasi binabagalan ko. Mamaya niyan gumulong ako pababa at iyon pa ikamatay ko. Ang bigat kasi ni Lolly argh!

"Stop." I sign again. Lagi naman eh. Ako daw kasi yung malakas. Edi patunayan! Ako sundin niyo ngayon!

"Sumilip kayo." I ordered kaya naman nagtaka sila.

"Ikaw nasa unahan tapos kami pasisilipin mo?" Bulong na sabi ni Anna. Nagsalita ka pang butiki ka.

"Tanga ka talaga kahit kailan. Sisilip ako eh bitbit ko si Lolly. Well, dahil ikaw yung nagsalita it means you volunteered." Sabi ko at dali-dali kong hinablot yung ulo niya at buong lakas na pinasilip.

"Pixel!" Narinig kong bulong na sigaw ng mga kasama ko.

Nanlaki yung mga mata ni Anna at napapikit dahil may tumalsik na dugo sa mukha niya.

Ano kayang nakita niya?

Hinila ko ulit siya na hanggang ngayon ay nakapikit. Ng mabitawan ko na siya ay bigla siyang napaupo at pinunasan ang mukha.

"Oh? Tell us what you see?" I said.

Nagsimula siyang humikbi at hindi pinansin yung tanong ko. Patuloy parin siyang nagpupunas ng mukha.

Nakita kong lumapit si Ciara at Candy para sana patahanin siya kaso tinaboy niya pati rin si Sander na ikinagulat naman nila.

"Oh ikaw gusto niya Flinch, lapitan mo at patahanin mo, baka ako pa ang sapilitang magpapatahan jan." Sabi ni Ciara kaya muntikan akong matawa.

Tumingin sakin si Flinch na parang tinatanong kung papayag ba ako o hindi.

"Patahanin mo na, baka dukutin ko mata niyan eh." Narinig kong bulong ni Candy kaya di ko na napigilan at tumawa.

"Hahahahha!!" Oy, pero mahina lang.

Tumingin sila sakin na nagtataka kaya naman tumahimik na ako.

"Hoy Anna, gusto mo si Flinch ang magpatahan sayo?" Tanong ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"If I know, pinagkakaisahan niyo ako! Ano bang nagawa ko?!" Umiiyak paring sabi niya.

"Wag kang sumigaw, drama mo. Kung di mo sana ako ginalit, walang mangyayari na ganito. Aba at ang arte mo pa na tinaboy mo sina Ciara, Candy at Sander para ano? Si Flinch lalapit sayo?" Walang emosiyong sabi ko.

"Ano nga? Gusto mo si Flinch magpatahan o ako?" Sabi ko ulit kaya tumingin siya sa akin.

"Haha! Ano? Gusto mo ako?" I sarcastically laugh.

"Shut up." Sabi niya at humikbi ulit.

"Mommy? Bakit iyak siya ng iyak? Ayaw niya patahanin natin? Gusto mo ako punta kaniya para patahanin siya?" Inosenteng sabi ni Lolly sa likod ko kaya napatingin kami sa kaniya. Kahit gusto kong sabihin na "Huwag Lolly, di yan tatahan, tinalo pa ang bata kung umiyak." Pero hindi, ayaw kong turuan siya ng ganun. Kaya...

The Philippine Zombie ApocalypsisWhere stories live. Discover now