Chapter One

10 3 0
                                    

"Ano ba sa 'Leave me alone' ang hindi mo maintindihan?"

Sigaw ko sa hinayupak na walang alam gawin kundi ang mamburaot. -_-

"Bakit ba ang init ng ulo mo sakin? Wala naman akong masamang ginagawa sayo."

Hinila nya ko sa braso ng tinalikuran ko sya at akmang tatakbo papasok sa cr ng girls. Argh! Nakakainis na talaga 'tong hinayupak na 'to! Kung hindi lang mawawala ang scholarship ko sa paaralang 'to kanina ko pa binangasan yung mukha ng lalaking 'to.

"Ayokong makita yang pagmumukha mo! Nababanas ako! Kaya kung pwede lang lumayo-layo ka nga sakin! Kapag ako hindi nakapag-timpi ta'mo! Basag yang mukha mo sakin!"

Pagkasabi ko nun ay tinampal ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko kaya naman binitawan nya ko at hinimas himas ang kamay nya dahil sa sakit. Kita ko ang pamumula sa likod ng kamay nya. Well, he deserves it. Naglakad na ko palayo sa kanya. But heck! Bakit ba ang kulit ng taong to? Aish!

"Ouch! Amazona ka talaga e no?"

Sumasabay sya sa paglalakad ko. Heck! Hindi maliit ang mga biyas ko pero 'pag dating sa hinayupak na 'to feeling ko ang liit liit kong tao kahit na 5'7 ang height ko sa tangkad nya. Well, I-compare mo naman ang 5'7 sa isang 6 footer diba? -_-

"Lumalabas lang ang pagiging amazona ko kapag isang gago ang kausap ko."

Malamig kong saad at mas binibilisan pa lalo ang paglalakad. Malalaking hakbang na ang ginagawa ko pero yung hakbang na yon, normal na hakbang lang ng hinayupak na kapre na 'to.

"If i were you, I'll stop what you're doing. Nagmumukha kang baliw."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya. Tumigil din naman sya sa tabi ko. Naka-kunot noong hinarap ko sya. At ang lalo pang nakapag-init ng ulo ko ay ang nakakagigil nyang ngiti na labas ang magaganda't mapuputi nyang ngiti.

"If i were you too, I'll stop what you're doing. Lalo kang  nagmumukhang gago."

I said imitating his voice just a seconds ago. He gave me a smile—lemme scratch that—a smirk. Okay i know i'm a trying hard to copy his voice. Duh. Kapre yan! Engkanto yan! Ako, Maganda ako! Kaya talo talaga ko.

"The heck! Stop pestering and ruining my life! Stop following me! Leave the hell out of me! Kung wala ka ng mapag-tripan na babae here inside the campus dahil lahat ginago mo na kaya ako naman ang ginagago mo ngayon, stop it. Wala kang mapapala. I will never be one of your hella girls out there. Hindi kita trip. So please, Don't you ever dare go near me, again."

Nawala yung ngiti nya dahil sa sinabi ko. Napalitan yon ng nakakunot noong mukha nya. Maya maya lang ay naging blangko 'to.

"I am not after you. Hindi kita trip. Kaya wag kang assumera hindi ka maganda, nerd."

Pagkasabing pagkasabi nya nun ay umalis na sya. Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang may kumurot sa puso ko kaya ganito ang nararamdaman ko. Ewan! Dapat nga matuwa ako eh. Wala ng playboy ang manggugulo sakin. Tatahimik na ulit ang buhay ko.

Yeah right. Kumirot ang puso ko kasi sinabihan nya akong hINDI DAW AKO MAGANDA?! AT ISA DAW AKONG NERd?! Who would believe him?! Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang bulong-bulungan at hagikhikan ng mga tao sa corridor.


"She just thought Kraver-oppa like her..."

"Pity her HAHAHAHAHAHA"

"How would Kraver-oppa like her? Look at her! She's a mess! She's ugly and also she have four eyes. We know what Kraver-oppa's ideal girl and she's a bIG NO NO NO"

"Well, that's Elisha. The number one assumera here in campus. HAHAHAHAHA"

Sinamaan ko sila ng tingin na ikinatawa lang nila lalo. It's all his fault! That Kraver Cloverion Dickxon Fajardo Davis' is a bIG JERK! I won't ever forgive him!

Tumakbo ako papunta sa likod ng building ng mga Senior Student. Dito kasi masarap maglabas ng sama ng loob. Nakaka-relax yung view. Well, garden kasi to. Iba't iba ang klase ng mga bulaklak. Matataas at malalago din ang mga puno. Isama mo pa ang mga paru-paro na pakalat kalat sa himpapawid at padapo dapo sa mga bulaklak. Gusto ko sanang pumasok sa loob kasi mas refreshing dun, kaso hindi na pwede. Pinipitas kasi ng ibang estudyante yung mga bulaklak. Mga walang magawang matino.

Umupo ako sa sahig at pinapanuod lang yung mga paru-paro. Hays. Sa ganda ng view nawawala sa isip ko yung mga plano kung paano ko magagantihan si Kraver.

How NOT to FALL in LOVE with Mr. PLAYBOYWhere stories live. Discover now