Ang Hotsauce at si Kuya

22 0 0
                                    

  Nakatapos na ko ng isang semestre sa Sintang Paaralan, naalala ko tuloy yung paghihirap ko para lang makapasok. Halos agnasin ako sa pagpila para lang makapag-enroll. Halos ugatin din ako sa paghihintay ng aking registration card. Sobrang laki din ng hirap na dinanas ko para makapasok at masasabi kong sulit lahat ng pagod kapag nakita mo na ang registration card mong nagpapatunay na isa ka nang iska/isko. 

       Bilang isang persyir student, (Waw) madami kang dapat gawin upang hindi ka magmukhang tanga sa paaralan. Katulad nang pag-alam kung saan ang North wing, East wing at West wing. (Madali naman tandaan kung naasan ang South wing dahil iba ang aura nito sa ibang wing pati kakaunti ang mga klasrum at kadalasang opisina, lab at library ang nakalagay dito.) Kailangan mo din malaman kung saang wing ang mga bilihan ng pagkain at mga comp shops, tama may comp shops sa loob ng PUP kung gusto mo naman may aircon, sa COOP ka pumunta. Meron namang canteen na nakahiwalay sa main building, nandito ang Sampaguita Canteen na nasa tabi lang ng Charlie building. 

           Sa unang semestre ko dito, nalaman ko ang mga specialties ng mga bilihan ng pagkain sa PUP. Katulad nang FEWA, Virgin Shake, Submarine, Red Panda at ang ever favorite na tig-sasampung pisong blue lemonade. Sa pag-eenroll ko para sa pangalwang semestre, naranasan ko naman ang hirap ng pag-pasok sa SIS. :'( Pero ayos lang, nandito na ko ulit sa paaralan. hihi

            Ngayon araw na 'to napunta sa pang-hapon ang ibang klase ko, may math sa sched kong ito kaya't gutom ako dahil naupos ang utak ko. Sa pagbaba ko, isinabay ko na din ang pagbili ng pagkain para habang naglalakad ako ay kumakain na ko mahirap kumain sa byahe. Bumili ako ng tig-sasampung slice ng pizza.

"Kuya, isang slice nga. Palagyan ng konting hot sauce."

 Hinati ni kuya ang pizza nang hindi pantay, halos lahat yata ng keso ng pizza kumapit sa panghiwa. Pagtapos nyang hiwain ay pinagpag nya ang slicer sa pizza upang matanggal ang kesong kumapit. Kumuha sya ng isang slice at inilagay sa plastik na lalagyanan ng sandwich pagkatapos ay itinutok ang lalagyan  ng hotsauce sa pizzang inorder ko. Hangin ang lumabas, itinaktak nya, may kaunting patak patak, kaya itinaktak nya muli. Napakaganda ng paglabas ng pulang sauce sa lalagyanan, parang Maria Cristina falls ang pagpuslit ng maanghang na sauce sa pizza ko. 

             Hindi ko alam kung iiyak na ba ko sa pizza kong nalunod sa hot sauce, tanda ko ang pagkakasabi ko sa "konti" sa request ko kay kuya. Wala pa naman akong tubig. Naglalakad ako sa gilid ng freedom park, masayang kumakain kahit nahihirapan sa dinadanas ng dila ko. Paglingon ko sa gilid ko, may mga taong nag-aabot ng flyers, hindi ko alam, wala akong paki. Masakit dila ko.  Natapon ang ibang hot sauce sa daliri ko kaya tumigil muna ako para punasan gamit ang tissue ng napakagalanteng binilhan ko ng pizza. Ang galante sa hot sauce. Napalingon ako sa kanan ko. May lalaking matangkad na mukhang naka-extra rice, nakasalamin, may mahabang bangs na tumatakip sa noo nya. Nilapitan n'ya ko habang kumakaway at ako naman, natulala sa paglapit nya.

"Hi Ate." at ipinakita n'ya ang kamay nya na naghihinatay makipagshake hands.

Nagitla ako sa pagbati nya. "Uhm, hi." Akala ko kung sino kinakawayan nya, ako pala. Lahat naman tayo nakaranas na nun diba? Akala mo ikaw pero yung nasa likod mo pala. Kaya ako, kada may ganon eh iniisip ko na agad na yung nasa likod ang binabati nya. dali dali kong naipahid ang hotsauce sa likod ng pantalon ko at nakipagkamay sa kanya. Buti nalang at gabi na, hindi na halata baka akalain ng makakita eh tinagusan ako.

"Ate, oh. Basahin mo ah. Babay!" pagka-abot nya ng flyer ay tumakbo na ulit sya sa pwesto nya at namigay muli ng iba pang flyer sa taong dumadaan. Hindi na muli sya tumingin sa gawi ko.

               Habang palabas ako ng campus tinitignan ko pa din ang binigay nya sakin. "ABOLISH PORK BARREL" aktibista pala si kuya. Sa panahon ngayon, pangit ang tingin sakanila kaya iniiwasan din ang PUP ng ibang magulang para sa anak nila dahil baka maging aktibista. Okey naman sila, pero hayaan nalang natin sila.  

                   Hanggang sa pagtatapos ng araw ko, iniisip ko pa din si Kuya. Hindi man malinaw sa isip ko ang itsura nya dahil gabi na nung mangyari iyon, pero nasa aking memorya ay gwapo sya.

                     'Nagising ako sa isang malakas na sigaw ng nanay ko. "Kung wala kang balak mag-aral, wag ka nalang mang-abala ng iba! Gumising ka na!" 

Hindi ko alam kung ano tinira ng nanay ko, pero paano ako nakaka-istorbo eh tulog nga 'ko? Bago pa 'ko mabugbog ng nanay ko ay bumangon na ko. 'pagkatapos humiga ulit ako. At nagising pagkatapos ng 30 mins. at kung hindi pa ko kikilos ay mahuhuli na ko sa unang subject ko. Pinilit maligo kaht napaka-lamig, kumain kahit walang kamatayang itlog ang ulam para sa almusal. Lumapit ako sa nanay ko at ibinuka ang palad ko. "Kinaltasan ko baon mo, mali sukli mo kay Aling Ruth." Tumawa nalang ako nang awkward at tinanggap ng walang angal pero sa loob loob ko, umiiyak ang pagkatao dahil konti na nga lang, nabawasan pa. :'(

                        Nalagpasan ko ang araw na ito mula sa pakikipaglaban sa anghit ng kasama ko sa LRT pati pakikipag-unahan sa tricycle.  Simula noong mangyari ang pagkikita namin ni Kuya, hinanap ko siya. Hindi ko din kasi maalis sa isipan. Gusto ko syang makita. Hindi ko din masabing mahal ko na yung tao kasi, ang landi ko naman. Baka siguro crush lang. Haha! Sa aking pag-iisip, biglang may dumaan sa harap ko. Dalawang lalaki, isang naglalakad na buhok (dahil sobrang haba na ng bangs nya na halos ilong nalang pababa ang kita.) at isang lalaking may saktong haba ang bangs na nakasalamin. Natulala ako sa kanilang dalawa hanggang sa lumagpas sila.

Si Kuya yun nung gabing yun, parang ang pangit nya yata?

Blue LemonadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon