Kuwatro at Pag-Ibig

7 0 0
                                    

Isang mainit na hapon sa freedom. Nakatingin sa mga punyetang babae na kung maka-irit ay parang kinakagat ang something nila. Umusok nalang ang ilong ko sa inis sa mga maka-basag stalactites na boses nila habang humihigop ng sampung piso na Blue Lemonade.

Kasalukuyang umiiyak ang pagkatao ko sa isa nanamang kwatro sa kutis ng yellow paper ko na galing sa digmaan mula sa long quiz ko sa math. Iniisip ko, "Isa-summer na ba ituuu?" buti nalang naisip ko lang yan kundi mukhang tanga ako kung sasabihin ko man yan habang naka-nguso sa huling salita. Pero... Summer classes? Hindi. Ayoko. Hindi naman sa ayaw ko sa baon, pero pagkakataon ko nang bawiin ang pinagkait na maayos na tulog sakin ng kasalukuyang semestre.

Nakita ko si "Megane" (Four Eyes/Eyesglasses ang meaning sa japanese. Basta ganun) Siya si "Kuya" ngunit iniba ko na ang tawag sakanya kasi pakshit sya for some reasons. Ang pangit nya pala. HIndi naman sya kagwapuhan, pero bakit ko nagustuhan? Kasama nya ang kaibigan nyang mongoloid. Mag-boyfriend yata. Joke, nasasaktan ako. Hindi bading ang crush ko. Pwe.

For the past few weeks ng pagmamanman ko sakanya, kasi hindi ako makapaniwala na sya yung naging crush ko na nagbigay sakin ng flyer. Ilang beses nya akong nahuhuli (Hindi naman sa nahuli talaga pero nakikita nya ako habang nakatingin sa classroom nila) ay kinakawayan nya pa din ako same as sa pagkaway nya nung gabing iyon. At hindi ko namalayang okasyon ay naging magkakilala kami, na naging common friend tas ka-murahan na. Mura lang walang mahal. </3 Aray ko, beh. Naging unusual na magkaibigan kami, nagmumurahan tapos magtatawanan. Masaya pero tangina mas lalo akong nahuhulog.

Noong isang linggo, medyo hindi ko na kinakaya ang curiousity na malamang kung may girlfriend na ba sya. Kaya naglakas loob akong ipagtanong kung meron. Kasamaang palad, meron at taga-ibang university daw. Hindi pa ko naniniwala kasi hindi ko manlang nakikita. Pero  nakita ko nung nanunuod sya sa mga naglalaro ng basket ball, nakita ko na may lumapit na babae sa kanya at naka-unipormeng taga-Institute ng PUP. May itsura at lamang ng limang buwang diet sakin. Simula nun ay sumuko na sa pagka-gusto ko sakanya kasama na ang pangarap kong mag-cum laude dahil sa mga bagsak ko sa Math.

Ngayon, nakita ko syang napansin nya ko na nakaupo sa bench at pinakyu nya ko. Bastos. Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy sa pagluluksa sa bagsak kong marka sa yellow pad kong sinta. Wala na kong balak ibaling pa ang tingin ko muli kay Megane, may "Babes" na sya. Bahala na sila sa buhay nila, hanap nalang ako ng iba kasi maganda ako.

Blue LemonadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon