Ang korning Pick-Up Line at Bobo sa Math

10 0 0
                                    

Kakasabi ko lang sa last chapter na kakalimutan ko na sya kasi bad yung feelings ko sakanya. Kaso ang problema lalao akong napapalapit sakanya. Kasi ganito yung nangyare...

Nakatambay ako sa tapat ng room kasi ang init saka maanghit mga blockmates ko. Tapos nakita ko syang nakatambay sa tapat ng classroom nila at nakikipagkwentuhan sa forever nyang kasama, mongoloid na bestfriend. Hula ko ay basketball ang pinag-uusapan nila dahil nakikita ko syang pa-shoot shoot sa ere. Mukha syang tanga! HIndi nya ba alam na naka-3 points na sya sa puso ko? pwe. Ilang beses akong nagpa-daan daan pero this time, hindi nya ko pinansin. Focus na Focus sya sa pag-kekwento. Langya, sayang ang beauty na inilalantad ko.

As usual, mag-isa akong nagliliwaliw sa university. Ewan ko, minsan gusto ko lang ng tahimik ang paligid ko. Tapos na ang klase pero maaga pa. Kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa isang malapit na mall para bumili ng ballpen at pambura.

Kasalukuyan akong stuck dito sa Foodcourt sa mall. Namamawis ang aking palad sa pagre-wrestling ko ng kamay ko sa isa ko pang kamay dahil hindi ako mapakali. Muntik na kong makalbo kakaisip kung saan ko kukunin ang dos na kulang sa pamasahe ko. Nagsimula na kong mag-isip ng effective na linya para maging persuasive manglilimos o di kaya banggain ko yung tao kakakuha lang ng sukli nilang barya at tatapakan ko yung dos o limang piso sabay slide na kunwari nasa skating rink ako. Inisip ko din magtext/tumawag ng kaklase para pumunta dito at pautangin ako, pero wala akong load. Naalala ko na may tinago pala akong bente sa bag ko for emergencies like this, kaya hinalukay ko ang bag ko para hanapin ang bente at bigla kong natandaan na inilipat ko ito sa iniwan kong wallet sa bahay.

Natulala ako. A tear fell from my eye.

Joke. Hindi ako naiyak. Pero sa loob ko, feeling ko nanlagas ang buhok ko sa sudden realization na iyon. Bobo ko naman kasi sa Math, Ang kwenta kong sukli, 25php tapospagdating ko sa counter ang inabot sakin ay 19 pesos. Simula ngayon ica-calcu ko ang computations ko sa buhay kasi baka hindi nanaman ako makauwi. Buti nalang at burara ako at naipon ko ang mga sukli ko sa 7eleven na 25 cents. Nakuha ko din ang kulang ko dos sa pamasahe, salamat sa bente singko sentimos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue LemonadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon