3rd Day

167 2 0
                                    


Lahat sila ay naging alerto at yung iba ay natatakot. Si David ay binilisan niyang isarado ang lahat ng mga pinto at bintana, ganun din ang ginawa nila kahit nginig na ang kanilang tuhod at kamay.

Si Yukira ay may napansing kakaiba sa driver na si Rio at kinausap niya ito.

"Kuya Rio, bakit ka nangingingig?"Tanong ni Yurika kay Rio.

"W-wala. Natatakot lang ako."sabi niya kay Yurika. Umalis na siya doon at pumunta na siya sa pwesto nila Kia.

"Grrr...Hsss."

Lahat sila ay nanginig at walang ginawa kundi matakot at magyakapan. Si Vince ay may binulong kay Yurika dahil ang alam ni Vince ay hindi siya mamamatay agad-agad at mapapagtiwalaan niya ito. Nagulat si Yurika sa sinabi ni Vince at tumingin sa isang lalaki na takot na takot ngayon.

Bigla na lang napatay ang ilaw at lahat sila ay kinuha ang cellphone at binuksan ang flashlight nito. Maya-maya may narinig sila, boses ng Xombie ito. Marami sila at nakapaligid sa bahay nito. Naririnig nila na may nasisira at may nababasag. Dali-dali silang pumunta sa isang kuwarto na isa lang ang bintana at malapit lang sa hagdan. Kuwarto ito ni Michael.

Naiwan si Vince at hindi nila napansin dahil sa takot at kaba na dinadala nila. Biglang tumigil ang ingay. Naging alerto ang lahat at balak ni Joe na buksan ang pinto pero biglang nagdabog ang pinto. Nagulat ang lahat at ang mga babae ay umiiyak na, yung mga lalaki ay naghanap ng paraan para hindi masira ang pinto at nakaisip sila ng paraan. Hinarang nila ang pinto gamit ang malaking cabinet at drawer. Pati upuan, ginamit rin. Si MJ at si Joe ay pinatahan ang mga babae. Si Gabriel ay nanginginig ng sobra dahil sa pinto at sa nanyayare sa kanila.

Tinakpan rin nila ang bintana kasi naisip nila baka sa bintana sila pupunta paghindi nila nabuksan ang pinto. At ginawa nga nila ito, tinakpan nila ng makapal na kumot at kama na ipinatayo. Ng sumapit ng 12:00 AM, lahat sila ay nagugutom at naaantok. Wala silang naririnig simula nung 10:00 PM. Si Michael ay naglabas ng maraming pagkain na itinago niya sa isang lalagyanan. Nangmatapos na silang kumain, doon nila napansin na wala si Vince dito sa kuwarto.

"Nasaan si Vince?" Tanong ni MIdale.Doon sila nagsimula ulit matakot at nagiisip kung ano-ano.

"Naiwan natin siya sa baba."sabi ni Aarold.

"Nakain na ata siya!"Biglang sumigaw si David. at doon ulit nagsimula ang inggay.

"Grr...Hsss..."paulit-ulit nila itong naririnig at may sinabi si Yurika sa kanila.

"Guys,tahimik lang dapat tayo. Makukuha natin ang attention nila pagnaginggay tayo."paalala ni Yurika sa kanila.

Tumahimik ang lahat at tinakpan nila ang bibig para masigurado nila na hindi sila magsasalita.

Yan ang sinabi sa akin ni Vince. Bago siya mawala sa paningin natin. Sinabi niya sa akin ang lahat-lahat sa maikling oras. Sana magagamit ko ito para makaalis kami dito ng maaga.

Ang sinabi niya sa kanyang isipan.


Makalipas ng 5 oras. Lahat ay nakatulog except kay Ken. Hindi siya makatulog dahil sa maruming room. Napansin rin niya na natutulog ang lahat at si Ken ay nakatinginsa katabi niya na si Midale. Tinitigan niya ito at bigla siyang ngumiti. Gumalaw si Midale at nagulat si Ken sa sunod na ginawa ni Midale.

Niyakap ni Midale si Ken na ngayon ay nagwawala ang kanyang puso. Walang ginawa si Ken kundi matulog na lang.

Nagising si Kia dahil sa init at tinignan niya ang mga kasama niya.

"Tulog sila?"tanong niya sa sarili niya at bigla siyang nagulat na si Ken at si Midale ay magkayakapan. Ngumiti ng sobra si Kia at kinuha niya ang cellphone niya at pinitsuran sila.

"ang cute naman nila." Sabi ni Mj na ngayon ay gising na at ginulat pa niya si Kia.

"Ginulat mo ako, akala ko kung sino." sabi niya. *chuckled*

He smiled nung nakita niya na ngumiti si Kia. Tinitigan niya lang ito at wala siyang paki kung ano ang manyayare sa susunod.

Tumingin si Kia kay Mj. Nagblushed si Kia at iniwasan ang mata ni Mj. Tinignan niya ang bintana at bigla itong nasira. nagising ang lahat at umusod ang dalawa sa dulo.

"Grr...Hss" may pumasok na isang Xombie at ngayon ay nakaupo sa bintana.

Naging alerto si Yurika at naghanap na pwedeng ipatay nito. Ang nahanap niya ay ang kutsilyo at kinuha niya ito.

Lahat sila ay nakatingin sa Xombie at may hawak sila na pwede nilang protektahan ang sarili. Yung mga lalaki ay nasa harap at yung mga babae ay nasa likod nila except kay Yurika na sa gilid.

Biglang tumalon ang Xombie sa bintana at ngayun ay kaharap ng mga boys. Kitang-kita sa kanila yung takot at kaba sa mukha nila.

Lumayo ng unti sila sa Xombie at malapit kay Yurika. Nagulat ang lahat na may hawak si Yurika na Kutsilyo at kitang kita sa itsura ni Yurika na seryoso at titig na titig sa Xombie.

"Papatayin ata- n..niya yung xombie pero firs..first time ko lang siya makitang ganyan."sabi ni Jella na nangingig.

Nagnod ang lahat at nagbato sila ng kahit ano sa Xombie. Maya-maya tumakbo ang Xombie papunta kay Ken at Midale pero hinagis ni Yurika ang kutsilyo sa ulo ng Xombie. Nakajackpit ito at hindi na gumalaw ang xombie.

Niyakap nila si Yurika at nagpasalamat.

Nakita nila na bumalik ang dating itsura yung naging xombie. Nagmukha siyang tao at iyon ay isang babae.

Biglang pumasok sa isipan ni Yurika yung sinabi ni Vince.

"Anong oras na?"tanong niya sa kasama niya.

"5:30 am. Umaga na."sagot ng driver.

"Kuya, paki tabi po itong Xombie." sabi ni Ken. Lilinisan na sana ni Ken pero-

"Ken! Wag mong hawakan yan. "sabi niya at nakita niya na hinawakan ni Rio ang Xombie pero may motor gloves ito kaya pinabayaan na lang nito.


"Guys, may sasabihin ako sainyo. Importante ito."








To be continued~

31 Days in the Bloody VillageWhere stories live. Discover now