B

12 2 0
                                    

Cloud ☁

[Zea's]


Nagising ako dahil sa alarm ko at dahil narin sa katok sa pinto ng kwarto ko.

"Z anak? Gising ka na, nandito na si Cloud." Dinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto.

Nagtaka ako bigla kung bakit nandito si Cloud. At kinabahan rin kasi baka kanina pa sya nag hihintay. Kaya agad-agad akong tumayo para lumabas na sa kwarto at puntahan si Cloud.

Pagkabukas ko sa pinto ng kwarto ko ay agad kong nakita si Mama sa pharmacist nyang attire. Pharmacist kasi si Mama, at sya rin ang may-ari ng pharmacy na pinapasukan niya.
"Good Morning Ma." Sabi ko tsaka nag kiss sa kanyang kaliwang pisngi.

"Good Morning din. Sa wakas ay gising ka na. Puntahan mo na dun si Cloud sa baba, kanina pa sya naghihintay. Kanina pa din kita pinapagising kay Nanay Rosa mo pero hindi ka parin daw nagigising, kaya ako nalang ang nagpunta dito marami pa kasing gagawin si Nanay Rosa mo. Kaya baba ka na dun, hinihintay ka na ni Cloud. Wag kang mag-alala hindi naman ata na bored si Cloud, nag-uusap kasi sila ng Dada mo." Nakangising sabi ni Mama sabay taas baba ng kilay niya.

Nanlaki ang Mata ko sa pinagsasabi ni Mama kaya agad akong bumababa sa sala, nakasunod lang si Mama sakin. Nakita ko si Dada na kausap si Cloud. Nakangisi silang dalawa na para bang bago pa sila naka move on sa kakatawa. Nakaside view si Cloud mula sa hagdan o mula sa kinatatayuan ko kaya di ko masyadong nakikita ang mukha niya, habang si Dada naman ay nakaharap dito sa hagdan pero hindi sya dito nakatingin at hawak-hawak niya ang kanyang unpormeng pang-doktor. Kasalukuyan parin silang nag-uusap ni Cloud. Lalapit na sana ako sakanila nang narinig kong nagsalita si Mama mula sa likuran ko.

"Lalapit ka nalang ba basta basta dun anak na hindi pa nakakahilamos at nakapag toothbrush?" Natatawang sabi ni Mama.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Nakalimutan ko na atang mag toothbrush at mag hilamos dahil sa pagmamadali. Akmang pupunta ako sa lababo nang tawagin na ni Dada ang pangalan ko.

"Oh Z anak! Halika na dito, kanina pa to nag hihintay si Cloud." nakatalikod ako mula sa kanila ni Cloud.

Nilagay ko na muna ang iilang buhok ko sa harapan ng mukha ko para di nila masyadong makita ang mukha ko, baka kasi may morning glory pa ako sa mata ko at baka may laway pa'ko, tulog mantika pa naman daw ako sabi nila. Unti-unting humarap sakanila. Yumuko ako ng kaunti bago naglakad patungo sakanila. Dahil sa ginawa ko ay hindi ko masyadong nakikita ang mga mukha nila.

"Anak ano'ng nangyayare sayo? Kunin mo nga yang buhok mo sa harap ng mukha mo, di tuloy nakikita ni Cloud ang mukha mo." Sabi ni Dada. Umiling iling ako bilang sagot. Hindi ko rin narinig na nagsalita si Cloud.

"Darling, hayaan mo na ang mga bata." natatawang sabi ni Mama.

"O sya, mauna na kami kasi may mga trabaho pa kami." sabi naman ni Dada.

Nagpaalam na muna sila Mama at Dada bago lumabas ng bahay. Nang makalabas na sila ay saka pa nag salita si Cloud sakin.

"Kahit pa nahaharangan ng ilang hibla ng buhok mo yang mukha mo Zea, ewan ko ba sa sarili ko pero ang ganda ganda mo parin, kahit na di masyadong nakikita yang mukha mo." kahit di ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ako sakanya ay ramdam ko ang pag-ngiti niya habang sinasabi niya ang nga salitang yon. Kinilig ako sa mga pinagsasabi niya kaya hindi ko namalayang napangiti na niya pala ako dahil lang dun.

Haharap na sana ako sakanya ng--

"Ah! Aray aray araay naman! Ang sakit!" inis-strech ko ang aking likuran dahil sa sobrang sakit nito. Nahulog kasi ako sa kama. Tatayo sana ako pero hindi ko pa kaya dahil sa sakit nang pwetan ko. Pwetan ko ata ang sobrang na injured mula sa pagkakahulog sa kama. Umupo na muna ako ibaba ng kama ko o dito kung saan ako nahulog mula sa kama. Biglang sumagi sa isipan ko si Cloud.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dream BoyWhere stories live. Discover now