My Biggest Dream

11 4 1
                                    

"Hi hon. I have a surprise for you!" Excited na bungad sakin ni Lyndon, ang live in partner ko, pagkapasok ko ng apartment na nirerentahan namin. Niyakap niya ako ng mahigpit and he kissed my forehead.

Ngayon ang kaarawan ko kaya pinauwi niya ako sa bahay ng parents ko sa Nueva Vizcaya nung weekend, para daw makasama ko naman sila bago ang birthday ko.. Gusto niya kasing masolo ako sa mismong araw ko.

Dito kami sa Santiago City naninirahan dahil nandito ang trabaho niya.. Supervisor siya sa isang sikat na Supermarket dito..

"Di mo rin ako namiss ng sobra ano hon? Ang higpit ng yakap mo ee." Pang-aasar ko. Napahalakhak na lang ako ng mas lalo pang humigpit ang yakap niya. Kaya niyakap ko na din siya pabalik. "Oh? Asan na yung surprise mo?"

Iginiya niya ako sa kusina at pinaupo sa dining table. Nagulat at halos mangiyak-ngiyak ako ng makita ang isang bungkos ng pulang rosas sa mesa. Kinuha ko iyon at inamoy-amoy bago ko siya hinagkan ng malalim sa labi.

Pero binawi niya agad ang labi pagkatpos humalakhak siya at bumulong sa tenga ko. "Nagustuhan mo ba?"

Simpleng tango lang ang naging tugon ko dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Hindi naman ito ang unang beses na binigyan niya ako ng bulaklak, pero sa twing binibigyan niya ako'y parang ito lagi ang una.

Inilayo niya ako ng konti sa katawan niya pagkatapos dampian muli ng isa pang halik ang aking labi.

"Pero hindi lang ito ang sorpresa ko sayo." Yumuko siya at parang may kinukahang kung anong bagay sa ilalim ng mesa. Itinaas niya ang kanang kamay na ngayon ay may hawak ng isang malaking plastic bag na may tatak ng Pandayan Bookshop.

Dali-dali ko iyong kinuha at sinilip kung ano ang laman. Nang makitang ito ang librong matagal ko ng pinag-iipunan, ang He's Into Her collection, na gawa mg paborito kong author na si Ms. Maxine Lat, napaluha na lamang ako. Pagkatapos ay para siyang natataranta na niyakap ako at hinagod ang aking likod.

"What's wrong hon? Hindi mo ba nagustuhan?" Nanginig ang kaniyang tinig pagkabanggit ng mga salita. "I'm sorry. Dapat tinanong muna kita kung anong magugustuhan mo." Batid kong sa mga oras na ito'y hindi na niya alam kung pano ako patatahanin kaya labis-labis na ang pag-aalala niya sa akin.

Umiling-iling lamang ako. Unable to speak because of this overwhelming feeling na binibigay niya sakin. Hindi ko masabing kaya ako umiiyak ay dahil gustong-gusto ko to. Kinalma ko ang sarili bago nagsalita.

"Thankyou so much hon. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon. I love you hon. I love yo so mouch." pinahid ko ang luhang tumakas sa kanyang mata ng marinig ang sinabi ko.

"I love you too." Walang sabi-sabing hinalikan niya ako sa labi pagkatapos ay bigla siyang lumuhod sa harap ko. May binunot siya sa bulsa. Isang maliit na box na may lamang isang napakagandang singsing. Nang makita ko ito'y ang luhang tumigil kanina ay para ulit isang gripo na nabuksan at tuloy-tuloy ng bumuhos muli ang mga luha. Maging siya ay umiiyak na rin ngayon.

"We've been through a lot hon. Marami ng pagsubok ang sumubok sa relasyon natin, pero nanatili tayong matatag. Ilang beses na tayong nagkalabuan pero sa huli'y nagkakaintindihan pa rin tayo." Pinunasan niya ang ilang luha sa mukha bago nagpatuloy muli. "Ayaw ko ng maging girlfriend ka, ayaw ko ng matawag na live-in partner mo. I want this relationship ro level up." Tumigil siya sa pagsasalita at tinignan ako sa mata.

Wala ng tigil ang luha ko. Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Hindi dahil malungkot ako kundi dahil masaya ako. Sobrang saya ko dahil alam kong ang eksenang ito ang isa sa matagal ko ng hinihintay na mangyari. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may mga nagkakarerahang daga sa loob nito sa lakas ng dagundong. Malabo na ang mga mata ko ng dahil sa mga luha pero malinaw na malina sakin kung ano ang nangyayari. Hindi pa man niya ako tinatanong, alam ko na sa sarili ko kung ano ang sagot ko.

Fangirl's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon