Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto ko. "Shia, hindi ka ba papasok?" umiling ako. "No yaya. May iniutos sa akin si Dad kahapon"saad ko atsaka naupo sa kama.
"Kaya pala sabi ng Mom mo na wag daw kitang gisingin ng maaga dahil pagod ka daw"umupo si Yaya sa tabi ko
"Ano bang problema mo hija?" tumayo ako at humarap kay Yaya.
"Yaya sino ako?" tanong ko. Napakunot-noo si yaya sa sinabi ko"Ikaw si Shia Berret" napakamot ako sa ulo dahil sa sagot ni Yaya. "So paano nila ako hindi makikilala bilang Shia Berret?" napatawa si yaya atsaka lumapit sa akin
"Alam ng lahat na ikaw si Shia Berret hija, kahit anong gawin mo ikaw si Shia. Maliban nalang kung magiibang anyo ka diba? Hahahaha nako bababa na nga ako at marami pa akong gagawin, gumayak ka na at ng makapasok ka pa sa hapon" saad ni Yaya.
Napaisip ako sa sinabi niya 'Maliban nalang kung magiibang anyo ka diba?' Tama! Ako si Shia Berret, palaging naka dress at heels, mahaba at kulot ang dulo ng buhok.
Kung magpapanggap ako bilang ibang tao, pwede ko ng gawin ang lahat ng gusto ko nang hindi nadudumihan ang pangalan ng pamilya namin.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Shane.
(Hello? Shia! Bakit hindi ka nanaman pumasok?)
"Shane pwede mo ba akong tulungan?"Agathius University
Damien's Pov"Nakita niyo ba si Shia Berret kahapon? Grabe ang ganda talaga ng uniform sa BIA. Sana talaga makapasa ako dun" saad ni Rein
"Uniform lang naman ang maganda dun ah"sabat ni Gerald atsaka inakbayan si Rein, agad naman siyang binatukan ni Rein.
"Pero bro, kapag galing ka sa Berret International Academy at napasama ka sa Top 100 automatic na pasa ka na agad sa kahit anong trabahong kukunin mo dito sa Eletherius" saad naman ni Kevin atsaka napatingin sa akin. "Ikaw Damien, gusto mo din bang makapasok sa Berret?" napamulat ako."Hindi ko alam" tumayo ako atsaka lumabas ng classroom. Sinundan naman ako ng tatlo. "Bakit hindi mo alam?" tanong ni Kevin.
"President, pinapatawag ka po sa Main Office. May transferee daw po. Ikaw na daw po muna ang bahalang mag background check" saad ng isang volunteer.
"Rich! Pakitawag ang buong Student Council, pakisabi sa Main Office"saad ko. Pahakbang na sana ako nang harangin nanaman ako ng tatlo.
"Mamaya na pwede? May kailangan akong asikasuhin"napa pout si Rein atsaka hinila ang dalawa.
Dumiretso na ako sa Main Office. "Nasaan?" tanong ko sa Student Volunteer "Kinakausap pa po ni Mrs. Ramirez" "Kumpleto na ba ang Council?" tanong ko. Umiling siya
"Bakit hindi pa kumpleto?" napayuko ito dahil sa sigaw ko
"Wala po tayong Vice President diba? Paano makukumpleto ang Student Council?" saad nito at dali-daling lumabas.Tama bang pilosopohin ako? Lumipat na kasi ng Berret ang Vice President namin at hanggang ngayon ay wala pa kaming maipalit.
"Mr. Hemmings, eto na ang transferee" saad ni Mrs. Ramirez kaya't tinawag ko na ang Council upang pumasok sa loob.
Isang babaeng maputi ang nakaupo sa harapan. Nakasuot siya ng Ripped Jeans at Red na Croptop. Nakabun ang buhok niya at mayroong manipis na bangs na sa tingin ko ay nakakulot. Nakasuot din ito ng kulay gold na salamin.
Casio watch ✔
Moon necklace ✔
Gold Glasses ✔
Vans Oldskool✔Sumasabay sa uso, tsk. Naalala ko tuloy si Derinn.
"Name please" nagsiupuan na ang mga Student Council sa tabi ko.
"Raeli Diane Arguilles"nakangiting saad nitoBraces✔
"Are you from Eletherius?" Umiling ito "Im from Etherinia, kakalipat lang namin kahapon dito sa Eletherius"saad nito.
"Of all the schools here in Eletherius, bakit dito mo piniling pumasok sa Agathius?"
"Napag-alaman kong isa ito sa mga prestigious schools dito sa Eletherius"napakunot-noo ako.
"So bakit hindi ka pumasok sa Berret International? Di hamak na mas maganda doon kaysa dito" napatingin ang ibang miyembro ng Student Council sa akin."Hindi basta basta tumatanggap ng mga estudyante ang Berret lalo na't hindi ka galing sa Eletherius, o hindi pa kayo tumatagal ng atleast 2 years dito sa Eletherius" mukhang marami itong alam tungkol sa Eletherius.
"Based from your Students Data, kita namang mayaman kayo so pwedeng pwede kang makapasok sa Berret in use of money"saad ko. Siniko ako ng katabi ko. Bakit anong mali sa sinabi ko?
"And based sa mga sinasabi mo, parang ayaw mo yata na dito ako pumasok. Bakit? Is there something wrong about me Mr. Student Council President?" tanong nito na ikinagulat ng lahat.
Walang sinuman ang nakakasagot sa akin ng ganon! Siya pa lang! Argh!
"So, anong nagustuhan mo sa school namin at mas napagpasyahan mong dito pumasok kaysa sa Berret"tanong ng Secretary namin.
"Hindi ka daw basta-basta makakapasok sa Agathius University kung hindi maganda ang record mo. It means na lahat ng estudyante dito ay ginawan niyo ng background check at talaga namang inaral niyo ang lahat ng Student's record and data. So sa palagay ko mas gugustuhin kong pumasok sa isang paaralang patas kaysa sa paaralang nagiging patas ng dahil sa pera"saad nito atsaka tumayo.
"Sa tingin ko naman e nasagot ko na ang mga dapat niyong malaman. Mauna na ako"saad nito atsaka dire-diretsong lumabas.
"Walang modo!" Sigaw ko. Napatingin ang lahat sa akin
"Bakit ba kasi ginanun mo Damien?" tanong ni Ate."Kanina ka pa dyan?" gulat na tanong ko
"Oo, hindi ba't ako pa din naman ang namumuno sa Student Council?" Tsk, graduated na naman siya e umeepal pa."99.1 ang general average niya" nagulat ako sa aking narinig.
98.6 lang ang general average ko at ako ang pinakamataas dito, paanong?"She's not qualified"saad ko. Natigilan ang lahat at gulat na napatingin sa akin.
"She is"sabat ni Ryle
"No"
"Siyam kami, isa ka lang. Qualified siya, ikaw lang naman ang may ayaw. Ano bang problema mo sa kanya?" inis na tanong ni Ryle.Ano nga bang problema ko sa babaeng iyon? Bakit inis na inis ako sa kanya?
"Sorry, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw lang ang magdedesisyon. Nagbotohan na at ikaw lang ang may ayaw. Ate Denrie ano qualified ba?" Tumango si ate.
"Damien, mag-usap tayo"saad ni ate. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"What!?"inis na tanong ko atsaka umupo. Tinaasan pa ako nito ng kilay bago sumagot "Tell me exactly your problem" umiling ako "I don't have any" napairap siya "So bakit mo ginanun yung transferee kung wala ka namang problema? Napaghahalataang ayaw mong may nakakataas sayo" pinandilatan ko siya ng mata."Anong nakakataas? She's a newbie paano naman niya ako matataasan?" napangiti si Ate sa sinabi ko. What now?
"Naiintindihan ko na kung bakit, sige na bumalik ka na dun at baka may klase na kayo" dire-diretso akong lumabas ng Main Office atsaka bumalik sa classroom. Nadatnan kong nagiintay ang tatlo.
"Hey, i heard may transferee?"tanong ni Rein. I just nod. Im sick of hearing that word and it sucks
"And i heard na isa itong magandang dilag, so is she qualified?"curious na tanong ni Kevin."For me no, but the whole Student Council Members agreed"inis na saad ko atsaka nagsimulang magbuklat ng notes.
"Uhm, may i know her average?"tanong ni Rein. I sigh "99.1"
Nilingon ko sila at lalong nainis nang makitang gulat na gulat ang mga ito. Raeli Diane Arguilles, who are you really?
BINABASA MO ANG
Triple-Trouble
Teen FictionMataas ang tingin ng karamihan kay Shia Shenille Berret. Bukod kasi sa pagiging Matalino ay anak din ito ng isang kilalang pamilya sa kanilang Lugar. Kinatatakutan at iginagalang siya ng lahat ng estudyante sa kanilang paaralan. Higit sa katalinuhan...