Dear Diary,
4:30 pm ; Thursday
"Padaan nga." sabi nya sabay tabig sakin…di ako makamove on, parang may nirarape na replay button sa utak ko! yung mga katagang yon, yung "padaan nga." nya di mawala sa isip ko.
"Nakakapanibago naman at nagpunta ka na agad sa harapan Mr. Fernandez. Magdedeclame ka na, the floor is yo-"
"Sinong may sabing magdedeclame ako? HA, asa."
Nanlaki mga mata ni Ma'am sa
mga binitawang nyang salita.
"How dare you Mr. Fernan-?!" di nya nanaman pinatapos magsalita si ma'am at ngumisi ng nakakaloko. Ah ang gwapo, ay sorry!
"Mahal mo trabaho mo diba? Ang sama namang pakinggan kung matatanggal ka dahil lang sa walang kwentang declamation sa english class mo."
Nagwagi ang gwapong nilalang at di sya nagdeclame. Nag walk out si Ma'am dahil sa kanya, sa totoo lang di na bago yun kasi halos lahat ng teacher pinagbibigyan sya.
Hay ako naman pinagbibigyan din kaso alam kong mababang grade binibigay nila, buti na lang talaga at nakakabawi ako sa academics! HAHA! Uuwi na nga ko, nakakapagod tong araw na to…
(bahay)
di ko na ata malilimutan tong araw na to, kahit bumagsak ako sa declamation na once in a year lang, kahit may bubblegum yung palda ko, yun pala yung naramdaman kong weird kanina! :-( Kahit wala kong nasakyan pauwi, at kahit masunugan pa kami ng bahay ngayon, ay biro lang hahaha, parang sa buong highschool life ko kasi…
Ngayon lang nya ko kinausap o nakahawak? Teka kasi! Huhu alam nyo ba yung parang sinasadya kang iwasan ng tao, at dalawang taon na syang ganun sakin? Ang lungkot no? Alam ko! Kathryn Chandria Espinosa nagpapakatanga ka sa taong ayaw sayo, buti nga at di ako ganun kadesperada para bumili ng pangayuma sa kanya. Actually last year nakausap ko na sya, pero parang ako lang ata nag isip nun, nakakahiya talaga…
"paabot nga nung libro"
"a-ako?"
"oo paabot, pakibilisan"
"a-anong libro? e… eto ba? ano ah eh"
"salamat"
huh? wala pa nga kong inaabot pero? tumunghay na ko pero wala palang tao sa harap ko T_T nasa likod ko pala si Daniel, ehh kasi… huhu kala ko nasa harap ko sya kaya di ako tumitingin.
"okay ka lang bes?" nasa tabi ko pala si nicole, t-t-teka nakakahiya!
"sino kausap mo kath? haha"
"ano yung nasa libro, binabasa ko hehehe"
"ah ganun ba, haha ikaw talaga!"
Pinanganak nga siguro akong assumera, hay nako kath! Kainis nakakahiya sobra, pero yung kanina totoo na yun diba? Hinawakan pa ko sa balikat, buti nga di ako nagwala, nakakakilig kaya!
Daniel John Fernandez, kelan mo kaya ako mapapansin?
-Baba

BINABASA MO ANG
Diary ni Baba
FanfictionHindi lang si Eya ang pwedeng gumawa ng diary, kahit ako pwede din, LAHAT TAYO! Oh ha, sa inyo ko lang ipapabasa ang diary ko, malalaman nyo ang mga experience ko, lahat ng nararamdaman ko at kahit ano tungkol sa buhay ko!