Dear Diary,
5 am ; Saturday
"Cha!!!" Ang aga aga sinisigawan ako huhu, ano kayang nangyayari kay manang sa baba, makabangon na nga.
Bubuksan ko pa lang yung pinto, bumungad na agad sakin mukha ni manang, kagulat sya T_T
"Manang Luz, ano po bang nangyayari, yawnnn" sabay unat ko,inaantok pa ko…
"Si Mam Jade hija, bilisan mo magbihis ka na! Naku po di ko naman inaasahang ngay'on ang uwi nya rine eh." Si Jade…
Step mom ko, Jade Dela Cuesta, namatay si mama nung malapit na kong mag one year old, tagal ko na ding nangulila sa ina, kahit isang taon after nung mamatay si mama, nagkaron na agad ng bagong asawa si papa, imbis na punan nya yung pangangailan ko bilang anak nya wala naman syang ginawa, gusto nya ata akong isunod sa yapak nya, pero sinadya ata talaga ng tadhanang maging nerd ako, ng pang habang buhay? hehe kaya ayaw nya sakin eh…
Tanggap ko naman sya bilang bagong nanay ko, ang kaso parang ako di nya tanggap, wala na atang tumanggap sakin, mapa-pamilya man o sa love life, :-( Si jade, laging nasa ibang bansa, kasama sa mga bussiness trip ni papa, pero uuwi lang pag naisipan nya, para lang magbigay ng allowance, di ko nga magets kung bakit kailangan pang umuwi, e uso nanaman ang padala. Isasama ako sa mall para ibili ng damit pero lagi naman akong walang mapili kaya naiinis sya, bata pa din kasi sya, malayo sa edad ni mama, siguro mga 31? Kaya siguro nya pa feel na magkaanak. Sya din naman ang nagsabing jade na lang itawag ko sa kanya eh, umaasta pa din kasing dalaga, e sus wala naman akong magagawa dun o 3o
"so kathryn, wala ka talagang balak bumama?" hala! inakyat na ko, huhu ano bang idadamit ko, bakit naman kasi biglaan syang dumating!
"Ah magbibihis na po saglit lang sorry"
"No wag na, i'm just here to inform you about your coming engagement."
"Engagemant? Ah okay." Asus yun lang p- teka ano?! engagement?!
"Wait lang jade! Ano?!" lumabas agad ako ng kwarto at napahawak ng mahigpit sa laylayan ng pantulog ko.
"Nabingi ka na ba dahil sa pagiging dork mo? Engagement, magkakafiancee ka na, ayaw mo ba?"
"Agad agad? Eh highschool palang ako saka baka umangal yung lalaki kasi ganto itsura ko- ay hindi! Hindi naman pala ako papayag, teka kasi!" Nakakataranta! Nagsasalita pa ko bumaba na agad :-(
"Sa tingin mo ba papayag si Ronaldo na di yon ituloy, sad to say darling, hindi sya papayag, matagal ng naayos yon, at nandito ako para ayusin lahat ng papers mo palipad ng california."
"Kakausapin ko si papa! Ang bata ko pa para magkaron agad ng asawa, saka bakit di nyo man lang ako tinanong tungkol dito?"
"Di naman importante ang decisions mo kaya kami na lang ang naghandle, don't worry, pinoy naman yung guy, di ka na mahihirapan pang mag-english, aha?"
"A-ano? Di ganyan si papa, kahit malayo ang loob nya sakin nirerespeto nya pa din ang desisyon ko, nagsisinungaling ka diba? Ha-ha."
"Iisang anak ka na nga lang di ka pa kapakipakinabang, you're useless kathryn chandria, matalino ka nga pero di mo naman kayang makibagay sa iba."
Di ako nakasagot, ganon ba ko kawalang kwenta… Kung buhay pa siguro si mama, hindi ako makakarinig ng mga ganyang salita sa kanya.
"Oh bakit di ka na nakasagot?"
"Pft, hahahaha i'm just teasing kathryn! Sa tingin mo ba may papayag ma engage sayo haha! your life is not a korea novela, walang magpapakasal sa katulad mo, meron din siguro dahil sa yaman ng dad mo, di ko akalaing maniniwala ka."
(Sa tingin mo ba may papayag ma engage sayo haha!)
(walang magpapakasal sa katulad mo.)
"Bakit ka pa pumunta dito."
"Gusto ko lang makita if you are still alive and breathing, tapos magchecheck in na ko sa hotel."
Bumalik na lang ako sa kwarto ko, agang aga sinira nya ang araw ko, ganun na ba talaga ngayon? Kagandahan ang basehan ng lahat? Na dahil ganito ako wala na kong karapatang maging masaya…
Di ko akalaing magiging ganito ang buhay ko, simula noong mawala si mama…
7:37 am
"Kain na cha."
"Nakaalis na po ba si jade manang?" Sanay ko sa ganto, kumain mag isa, kaya siguro di ko na naasikaso itsura ko, dahil wala din namang makakakita kung sakaling baguhin ko.
"Oo hija kanina pa, mayroon ka bang pupuntahan ngay'on?"
"Wala naman po manang." Nitong mga nakaraaang araw pansin kong lagi ng busy si Nicole, kasi dati madalas kaming nalabas pag weekends pero ngayon ang limit na naming magsama.
"Hija, ikaw ba'y mayroon ng nobyo?" ANO?! nabitalukan tuloy ako T 3T
"cough* ano po bang klaseng cough* tanong yan manang." Inabutan nya ko ng isang basong tubig.
"E ang mga kabataan ngay'on ganoon na lamang ang pamumuhay. Pag kababata pa ay meroon ng mga kasintahan."
"Eh hehe iba naman po ako sa kanila, kayo talaga haha."
"Ikay maganda naman, bakit ga wala?"
"Maganda? Wag nyo nga po akong paasahin…haha"
"Ikaw ngay maganda, mana ka sa iyong ina, ang kagandahan naman ay di ga lang sa labas are?"
"Eh parang sinabi nyo na din pong di ako maganda sa labas hehe oo nga po."
"Ay di ga naman! Mabalik sa ating usapan, ikaw ba ay mayroon ng napupusuan?"
SI DANIEL. bigla na lang syang pumasok sa isip ko, ganto ba talaga pag inlove?
-Baba

BINABASA MO ANG
Diary ni Baba
FanfictionHindi lang si Eya ang pwedeng gumawa ng diary, kahit ako pwede din, LAHAT TAYO! Oh ha, sa inyo ko lang ipapabasa ang diary ko, malalaman nyo ang mga experience ko, lahat ng nararamdaman ko at kahit ano tungkol sa buhay ko!