Part 1 to 3

44 2 1
                                    

Part 1

Nagandahan ako kung paano sinimulan yung kwento. (chapter zero) Unang sentence pa lang for para sa akin na "Ang bawat isa ay may mga pinakikinggan.." may hatak na sa akin. Dahil ang weird ba kung sasabihin ko na ibang boses na agad ang narinig ko sa isip ko..boses agad nung nag ku-kwento. Hindi yung tipong dinaanan lang ng mata ko yung sentence. May feels agad na binigay, kungbaga parang hindi ko na kailangan kumatok ng ilang beses sa pinto para makapasok sa mundo nila Rayne at Kaye. Bago pa lang sumayad yung kamay ko sa pinto nila napagbuksan na agad nila ako. Ganoon yung dating niya sa akin. Na which is good kasi nga diba first impression matters . Malaking impact yon para magpatuloy ako sa pagbabasa. Na kung sa simula pa lang nakuha na agad ng atensyon ko.

Natanong ko din yung opinyon ng isang kaibigan ko tungkol dito, kaya sama ko na din. Sabi niya " Boses ng narration sa pelikula yung naririnig ko. Habang nagbabasa i don't know ha kung gets mo pero nakikita ko talaga yung boses ng pampelikula yung parang sa pelikula ng Hiling ni Camille Prats dati ganoon siya sumasabay sa atmospher. Yung kung paano nagsimula yung kwento. Ganun siya na gets mo ba? Ang hirap i paliwanag pero may nakikita agad akong scenario. Ganoon ka din ba?" Ayan yung sinabi niya na I think halos parehas kami ng opinion sa bagay na yon kaya effective siya sa tingin ko at nakakatuwa kasi akala ko ako lang yung ganun ang pananaw.

Sa first part ng kwento ang masasabi ko maganda ang scenario kung paano nagkakilala sina Rayne at Kaye Cal. Ang gaan na nakakatuwa kasi na iimagine ko agad yung scene . Yung galaw nila . Yung facial expressions nilang dalawa kaya nakaka engganyo magpatuloy. Kaso may scene lang na napaisip ako hindi naman big deal kaso nga napaisip lang talaga ako. Ito yung tungkol sa susi sa C.R .Paano nakuha 'yon ng mga humahabol na fans kay kaye? Kasi diba usually pag ganoon hindi basta basta ibinibigay yung susi? Usually pag hiningi mo yung susi sa isang staff sila mismo yung magbubukas ng pinto? Sa school kasi namin ganun. Yung janitor or janitres yung nagbubukas ng C.R kung may pagkakataon na ayaw mabuksan. Hindi nila binibigay yung susi sa iba. Kaya napaisip ako dyan sa part na yan kung paano nila nakuha yung susi o bakit ibinigay sa kanila yung susi na I think aware naman siguro yung staff ng Le Chandelle sa medyo commotion na nangyayari pero hindi rin ako sure inassume ko lang na aware sila na nainform sila ni Tyng sa nangyayari.

Anyway, balik ulit ako sa nagustuhan ko dito sa part 1.

Ang nagustuhan ko sa part 1 ay kahit na GxG yung story wala akong discomfort na naramdaman habang nagbabasa na actually ine-expect ko na mayroon kasi hindi ako actually nagbabasa o nakapag try ng ganitong story. Ito ang una kasi kaya nag eexpect talaga ako na may moments na maiilang ako pero wala. May mga hampas na kilig nga yung naramdaman ko. Na maganda kasi ibig sabihin ipagpapatuloy ko yung pagbabasa. Na I think ganun din yung naramdan ng karamihan kaya effective.

Ganyan din sabi ng kaibigan ko na akala daw niya may mararamdaman daw siyang ilang kasi nga gxg daw yung LS4N1 pero wala daw. Normal yung feeling. Nakangiti daw siya.

Isa rin sa nagustuhan ko sa part 1 ay kung paano naging komportable sa isa't isa sina Rayne at Kaye at kung paano nagsimula yung conversation nila at yung mga topic nila. Na kung paano na isisingit ang mga seryosong usapan mula sa mga random na pinag uusapan nila. Ang galing. Hindi pilit. Pasok na pasok. Kaya nakakatuwa kasi lumalabas na natural na pag uusap lang ng dalawang tao ang nagaganap. Pero dito sa part na 'to nag debate kami ng kaibigan ko. Kasi for para sa kanya medyo tagilid daw para sa kanya yung pagiging komportable ni Kaye Cal kay Rayne na ganun kabilis. Kung paano daw nakapalagayan ng loo ni Kaye si Rayne. Kasi daw andoon pa rin daw yung katotohanan na may pagka celebrity singer si Kaye kaya daw malaki ang chance na hindi daw syempre agad magiging komportable si Kaye kay Rayne. Na sagutin yung mga tanong ni Rayne. Kaso ang sabi ko naman sa kanya ang stand ko doon sakto lang naman yung ganap at pag uusap kahit yung topic nila. Kasi for me lahat naman diba bago maging magkaibigan o magkakilala nagsisimula sila sa pagiging strangers gaya namin kailangan lang na maging magaan yung loob mo sa isang tao para maging komportable ka sa kanya na parang ganun lang din kila kaye at Rayne. Kaya nakakapag usap ng walang ilang. Kailangan lang na maging komportable ka sa isang tao para makapag usap kayo ng anything under the sun tsaka hind naman ganun kalalim yung topic about sa isat isa more on info pa lang naman yung napapag usapan nila. Lalo at bukas naman si Kaye Cal sa ganon topic pero sabi niya kahit na daw pero sabi ko sa akin pasok pa rin naman kasi diba may mga artist naman o celebrity na fangirl nila yung nagiging karelasyon nila syempre saan ba nagsimula 'yon? Syempre sa pagiging stranger din nila sa isa't isa

Book Review For No ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon