Over all Review

54 1 3
                                    

Nakuha ng LS4N1 yung puso ko. Seryoso. Hindi ko inakala talaga na ma eenjoy ko yung ganitong istorya.. na tipong hindi ko kailangan ng mga mabubulaklak na salita para kiligin.. na mapapatawa ako ng mga corny na jokes. Napaka natural niya naparang nakikinig ka lang ng kwento ng barkada mo o nanonood ng sine. Imagination ko lang talaga ang limit. Yung tipong naglalakad lang habang nag uusap o uupo lang o kakain lang yung dalawang tauhan sa whole duration ng story pero hindi nakakabagot.Yung tipong hindi kailangan ng plot twist para masabi ko na ang ganda. Na hindi kailangan ng sakitan ng pisikal like sampalan o kaya yung verbal simpleng gestures lang na ilang pucha ang sakit nanunuot yon. At hindi ko rin kailangan ng sandamakmak na qoutable qoutes para magpatuloy. Isang simpleng istorya at maganda narration o pagkakalahad lang na nakaka konekta saking imahinasyon at emosyon lang ang kailangan ko pala para ma enjoy ko ang pagbabasa.Para ang isang simple ay maging espesyal at unique sa paningin ko. Na kahit ang gasgas na linya at simpleng "beh, Gusto ko 'yan, gusto ko 'yon" ay maging espesyal na may hatid na kakaibang kabog sa dibdib. Ganyan ang nagawa ng istoryang yan sa akin. Pero hindi ko itatanggi na may mga pagkakataon na na didistruct ng ilang segundo sa pagbabasa. Ito yung ibang parte na may "( )" May ilan talaga na distructing basahin nakaka ilang. Kasi sa totoo lang yung iba ganyan sa story okay lang. Pero may pagkakataon talaga na nakakaramdam na ko ng discomfort sa pagbabasa ng ilang segundo.kaya sana if ever siguro na kayang maalis yon ng hindi naapektuhan o nagagawal yung feels o pagkakalahad. Kasi if ever kasi na marami pa din na ganun hindi maganda sa paningin sa book kasi kung sa wattpad keri lang pero kung sa book version hindi na maganda nakaka distract na talaga kasi ako na di-distract na ko ng konti at ilang segundo eh.At saka hindi lang ako sure dito pero wala pa kasi ako nakikita na book ng sobrang daming ( ) kaya tingin ko tama lang siguro na mabawasan o kung maaalis yon for better reading experience.

Ito ha about sa trivia kay Kaye Cal in real life. Nakakatuwa kasi kahit hindi mo siya kilala or kahit konti lang yung idea mo sa kanya at nakilala lang sa pgt magugulat ka at magkaka interes ka na mag research kung legit nga na ginawa ko nagulat lang talaga ko na siya pala yung sa PGT tapos dito ko lang din nalaman na lesbian pala si KayeCal kasi alam kong Lesbian yung vocalist ng Ezra band kaso hindi ko alam na iisa lang sila ni kayeCal. Kaya nagulat ako talaga akala ko talaga lalaki si Kaye Cal.

About naman sa pagbibigay ng awareness sa nagbabasa o nagbasa. Masasabi ko na na-achieved yon ng story para sakin. Yung goal na yon. Dahil ako namulat talaga ako sa mga bagay bagay about sa LGBTQ+Community. Na naging malaking impact sa'kin dahil konti lang talaga alam ko sa kanila yung meaning nga lang ata ng LGBT ang alam ko dati bago ako magbasa yung di ko alam yung mg pagkakaiba nila ganun. Kaya + points talaga. Tapos ha may iniyakan ako na line ang simple pero ang sakit sakit . Ito

Iniyakan ko talaga yan line na yan ni Kaye

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iniyakan ko talaga yan line na yan ni Kaye. Kusang tumulo yunh luha ko dyan. Ang dami kasing scenario na pumasok sa isip ko bigla lalo at may mga kakilala ako na gays at lesbian. Nasasaktan ako na siguro may mga thoughts sila na ganyan o yung ibang hinuhusgahan yung mga partners nila kasi nakipag relasyon sa kanila o pumatol. Alam niyo yun ang sakit kaya talagang iniyakan ko yan kasi para sa akin ang deep ng nakapaloob dyan. Ang daming gustong sabihin. Tapos ito pa. Ang sakit din nito kinalma ko din yung sarili ko dyan kasi may naalala ko. Tapos hindi rin naman lingid sa akin na may ibang tao talaga na ginagamit yung pagmamahal nila para magtake ng advantage nakikipag relasyon para may makuha sa kanila. In short may iba na pineperahan sila nakakita ko ng ganyan garapalan kaya nag flashback yon.

Kaya tuwang tuwa ako sa part na ang ganda ng pagtanggap kay Kaye ng pamilya ni Rayne

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaya tuwang tuwa ako sa part na ang ganda ng pagtanggap kay Kaye ng pamilya ni Rayne. Yung pakikitungo na walang halong panghuhusga at mapangmatang tingin. Kaya napapa hiling ako na sana lahat ganun ang pagtanggap sa kanila. Na hindi nakaka offend yung mga tanong. Kasi ha seriously napanood ko yung isang interview ni Kaye Cal sa Yt may tanong din doon about sa pagkakaroon ng anak at yung possibilities na mainlove siya sa lalaki in the future na offend ako para sa kanya sa way ng pagtatanong na yon. Na dito sa istory hindi kasi siguro ma feel ko dito na tanong lang talaga yon na gusto ng kasagutan unlike doo sa video talaga na iba ang dating. Kaya yon + factor ulit yon.

Kaya in over all kung ipapa rate sa akin ang Love Song for No One bibigyan ko 'yon ng perfect 10. Bakit ? Ang bias ? May mga nakita ako na mga puna. Tapos 10 lokohan? Hindi. 10 kasi una hindi naman kasi perpektong istorya o pagkakasulat ang hanap ko. Aanin ko ang perpektong pagkakasulat kung nabagot naman ako?.Ang importante lang naman kasi sa akin ay yung enjoyment na naiparamdam sa akin na walang dead air. Ang paglalaro sa emosyon ko at realization at the end of the story.kaya bakit ko ipagkakait ang perpektong puntos para dito? Na captured ng LS4N1 yung puso ko. Ang laki ng impact niya sa akin. One of my enjoyable reads of my life. (Seryoso) Kayang kaya kong sabihin na unang una or top 1 siya sa mga books/stories na nabasa ko.ilan na ba ang nabasa ko na istorya para masabi ko yan? Hundreds na pa thousands na nga ata pero nangingibabaw siya. Partida hindi siya maintream na love team na boy & girl or rich guy and poor girl. Dahil normal na tao lang na hindi dinescribe ang estado sa buhay at gxg yon pero sobra yung pagkagusto ko talaga sa istorya sa kabila ng hindi pagiging perpekto ng story o book. Kaya bakit hindi perfect 10? Deserve na deserve naman.

Next: kanino pwede?  Suggestions at iba pa...

pilosopotasya

Book Review For No ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon