Wife 1

393 10 0
                                    

Tell me how am I supposed to live without you?Now that I've been loving you so long.How Am I supposed to live without you?How am I supposed to carry on?When all that I've been livin' for is gone...

Tinipa ko ang piano na naging hudyat sa pagtatapos ng kanta ni Shayne!"OMG! You are so awesome,girls." Tili ni Phoebe.Pagbaba namin ng stage ng music room ay agad kaming sinalubong ng mga bestfriend namin.

"Thank you." Nakangiting sambit ko habang tahimik naman si Shayne na nakatingin lang samin.

"Bakit kase 'di kayo tumugtog ngayon?" Tanong ni Shayne kanila Phoebe,Queenie,at Cresendrea.

"Wala sa mood." Nakasimangot na sagot ni Crea kay Shayne.

"Tsk." tanging sambit ni Shayne.

"Tara na nga girls! May pasok pa tayo! Last na tugtog natin bukas dahil...Graduation na!" Masayang sabi ni Queenie.

"Let's go!" Sabay-sabay na sabi namin maliban kay Shayne na nakiakbay lang sa amin.

By the way, my name is Twaylem Kayne Diamante.And yes, ako ang pianist ng banda naming magbebestfriend.

Ang mga bestfriend ko na si Kathrine Shayne Ramos,ang lead vocalist ng banda.

Si Queenie Crayne Moterlo,ang drummer ng banda.

Si Cresendrea Twayne Concepcion,ang guitarist ng banda

At si Phoebe Jane Del Mundo, back-up vocalist ni Shayne.

Magbe-bestfriend ang mga magulang namin nila Crea,Queen,at Phoebe.Pero ang mga magulang ni Phoebe ay pumunta sa ibang bansa kaya hindi namin siya kapareho ng second name.

Anyway,balik tayo sa Earth.

"Hoy Twaylem!Bakit hindi ka pa rin nagsusuklay ng buhok gayung tapos na ang pag ra-rock 'n roll!" Mataray na tanong ni Crea sa akin.Habang naglalakad kaming lima papunta sa kaniya-kaniyang klase.

"Pwede ba!'Wag mong pansinin ang buhok ko!" Mataray din na sagot ko.

Blonde ang kulay ng buhok ko kaya bagay naman kahit magulo.Ewan ko ba dito sa mga kaibigan kong mga 'to porket mahilig gawing salon ang lady's room eh idadamay na ako.Once na nakapasok na kaming lima sa rest room ay wala nang makapapasok dahil laging nilalock ng Fashion Queen namin na si Crea.

"Kaya wag kang magtaka kung walang papatol sayo!Che." Kunyaring inirapan niya ako kaya natawa na lang ako sa kaniya.

"Bye girls!Dito na ako.Sabay-sabay tayo bukas papuntang music room!Bye again." Paalam ko sa kanila pero kinawayan lang nila ako ng patalikod.

Pumasok na ako sa klase ko pero boring kaya kumakanta na lang ako sa isip ko.Lahat naman kami sa banda ay magaganda ang boses pero wala pa ring makakatalo sa amin sa boses ni Shayne na sobrang taas ng timbre.

Matagal na kaming lumalaban sa iba't ibang school kaya medyo sikat na ang banda namin.Napagkasunduan namin na kumanta bukas sa music room dahil graduation na namin next week.Last time na naming kakanta dito sa school kaya lulubos-lubusin na namin.

Lumabas na ako sa room ng matapos ang lahat ng klase ko.Hinihintay ko silang apat sa may bench sa garden nang may tumabi sa aking lalaki kahit may ibang bakante pa.Umusog na lang ako kaysa sitahin siya.

My Beautiful Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon