CHAPTERONE: It’sallaboutHer
Eto na naman ako. Parang baliw. Ngumingiti mag-isa. Baka akalain kasi ng mga tao sa paligid ay sira ang ulo ko, pano ba naman kasi, nagkasabay kami sa jeep. Kahit na magkalayo kami, the fact na pareho kami ng jeep na sinasakyan, sapat na sa kin to. Kahit na nasa dulo ako at nasa unahan siya nakaupo, masaya na ako.
Ang ganda ng simula ng araw ko ngayon! ^__^ V
Siya si Keeneth Santiago, ang babaeng nag-iisa sa puso ko. Lahat ng magagandang bagay ay nasa kanya na. Pero napaka-humble niya at hindi niya alam na maraming nagkakandarapa na manligaw sa kanya. Hindi niya alam na sa bawat kilos niya ay may isang lalaki na sobrang nagmamahal sa kanya. Hindi siya maarte sa katawan, sobrang simple niya. Mahilig siya sa sports, especially sa volleyball. Siya rin ang top 1 sa school naming, kaya naman lagi siyang inilalaban kapag may mga competition.
Pero hindi mo siya makikitaan ng kayabangan. Down to earth at dahil diyan, marami siyang kaibigan.
Ako naman si Ronan Ramirez, varsity ako sa school namin. Hindi naman ako masyadong pansinin, tahimik lang kasi ako. Pareho kaming 3rd year college sa U.P.L.B.
ComArts siya, ComArts din ako. Kaya madalas kaming magkaklase. Ayun, tulala ako lalo na kapag one seat apart kami. Naii-stun kasi ako kapag alam kong malapit siya sa akin, kaya naman mas ginugusto kong malayo ako sa kanya lagi.
Pagkababa namin ng jeep, kunwari may hinihintay ako, pero paglampas niya, agad na akong sumunod. Para tuloy akong stalker niya araw-araw. Psh.
Ah. Her simplicity really kills me. She wears faded blue jeans, black sneakers and an oversized shirt. Sino ba naman ang hindi maattract sa babaeng katulad niya. Wala.
Eto na, naglalakad na kami papuntang room. Kaya lagi akong sinisipag pumasok dahil sa kanya.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad, at syempre, kunwari nakasandal ako sa dingding at nagtetext. :D
Pero eto na, unti-unti siyang lumalapit papunta sa akin. Kinakabahan na ako. Baka pagkinausap niya ako ay hindi agad ako makasagot.
Nung malapit na siya sa akin biglang may tumawag sa kanya. *sighs heavily* Buti naman at may tumawag sa kanya.
“Keeneth!” sigaw ng kaibigan niyang si Apple.
“Uy! Apple. Ano naming meron at kung makasigaw ka ay parang nasa kabilang bayan ako?”
“Ahehe. Namiss kasi kita e! pa-hug nga!”
“Kaw talaga, parang kahapon lang tayo huling nagkita e.”
At umalis na sila. Narinig ko na naman ang boses niya. Ako? Naiwan mag-isa ditto sa labas ng room at medyo nag-hang pa ako, pero pumasok na agad ako.
Sa loob ng room…
Wala pa kaming teacher, kaya naman kanya-kanyang topic ang lahat. Ako, nagbabasa lang ng libro at pasilay-silay sa kanyang mga ngiti.
“Keeneth, may bagong bukas na restaurant malapit ditto sa school, try natin mamaya! Ano?” pag-aaya ni Mayu.
“Oo nga. Sabi din nila ang cute daw ng mga waiter dun!” dagdag pa ni Apple.
“Kayo talaga. Lagi nalang cute ang hanap niyo sa halip na yung pagkain ang dapat niyong pansinin. Pero sige, balita ko din masarap talaga ang pagkain dun at mura pa.” sabi ni Keeneth.
Natutuwa talaga ako pagnakikita ko siyang masaya. At dahil dito, lalo akong nawawalan ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko sa kanya, kasi baka mailang at iwasan niya ako. At ayokong mangyari yon.
BINABASA MO ANG
5 Centimeters Away From You
ChickLitSimple. Maganda. Mabait. Matalino. Lahat na ata ay nasa kanya. Siya ang nag-iisang babae na nakapagpatibok ng puso ko. Bawat gawin niya ay humahanga ako. Di siya katulad ng ibang babae. There is something about her that attracts me and make me fall...