Chapter Four: Her Story

39 0 0
                                    

Naglalakad kami palabas ng mcdo pero para akong nalipad sa himpapawid. Sobrang kasiyahan ang nadarama ko.

Naalimpungatan ako nang tawagin nila ako para magpaalam.

"Salamat sa treat, Ronan!" pasasalamat ni Apple at Bea.

"Ikaw na muna ang bahala kay Keen ha?" dagdag pa nilang 2.

"Ha?" napatanong ako bigla.

"Sabi namin ikaw muna ang bahala kay Keeneth. May pupuntahan pa kasi kami ni Bea. Okay?"

"Ingat kayo!" palam ni Keeneth sa dalawa.

Oh no. Sasabayan ko umuwi si Keeneth? Isa na naman ba itong panaginip?

"Tara, Ronan." pagyayakag ni Keeneth.

"Ahm..Mm." tipid kong sagot.

Ang paligid ko ay parang napapaligiran ng ulap. Wala akog ibang makita kundi siya. Ako, na dating parang stalker niya araw araw ay sasabayan siyang maglakad.

Isa ito sa mga panalangin ko. At natupad na.

"San ka nakatira?" tanong niya para siguro basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

SPELL  "A-W-K-W-A-R-D"

Ayaw bumuka ng bibig ko. Di ako makapagsalita.. Nauutal ako.

"Ah.. e.. ahm.. sa Raymundo. E ikaw?" Tanong ko din sa kanya.

"Sa women's dorm. Kasama ko sina Apple at Bea. Buti nga parehas kaming 3 ng course kaya naging ganito kami ka-close. Parang magkakapatid na kami.." sagot naman niya.

"Pero, taga saan ka talaga? I mean, san ka talaga nakatira?" tanong ko ulit. Hala! Bakit ko ba siya tinatanong kung taga saan siya!!?? Renan, kalma.. (sighs heavily) haha!

“Hmm.. Taga dito sa LB. Kaso nagdodorm ako kasi wala akong kasama sa bahay. Nag-aalala sila Mama kapag ako lang sa bahay.” Tugon niya.

Tama ang mga magulang niya. Delikado talaga kapag mag-isa lang ang babae sa bahay.

“Mas maganda nga kung magdodorm ka.. Mas safe..” sabi ko sa mahinang tinig.

“May kapatid ka ba Ronan?” tanong niya. Medyo nabigla ako sa kanyang tanong.

“Mm. Meron. Si Isaac.” Agad kong sagot sa kanya.

“Siguro ang sarap sa feeling ng may nakakabatang kapatid no? Yung may kukulitin ka bago kayo matulog, mag-aasaran, magtatawanan.. Diba?” *smiles suddenly*

DUG-DUG….

DUG-DUG

DUG-DUG

DUG…DUG-DUG…

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumungin sa ibang direksyon dahil alam kong namumula na ako sa sobrang kasiyahan. Nanginginit ang tenga ko.. parang sasabog ang ulo ko!

“Okay ka lang Ronan?” tanong niya.

“Ah.. eh.. ahm.. Whoo! Ang init talaga dito no? Ang banas..” palusot ko sa kanya habang nagpapaspas ako ng shirt ko.

She laughs beautifully and the sound of it is like a symphony. I can’t keep my eyes off from her. Nakakainis naman eh! Ah! Bakit ka ba ganyan Keeneth?!

Maya-maya, naging seryoso ang mukha niya. Baka naiilang na siya sa akin…

“Ronan… Anong tingin mo sa akin?” tanong na naman niya. Natigilan ako ng bahagya at nauna siya sa paglalakad.

Tumigil din siya at tumingin sa akin.

“Ah.. sorry sa tanong ko.. Baka napepressure kita..” sabi niya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod na ako sa kanya. Hindi ko akalain na tatanungin niya ako kung ano ang tingin ko sa kanya.

“Keeneth..” tawag ko sa kanya.  Kinagat ko ang labi ko.

“Wag mo ng sagutin.. Hehehe.”

“Simple.”

Tipid kong sagot sa tanong niya sa akin.

“Simple?” ngumiti siya ng bahagya.

“Oo. Yun ang tingin ko.. atsaka…” putol kong sabi.. hindi ko kayang sabihin ang kasunod..

“Atsaka?”

“Ah.. wala.. wala naman.” At tumingin ako sa sapatos ko habang naglalakad kasama siya.

“May mga taong magaling magtago at ayaw ipakita ang nararamdaman.. may mga tao din naman na kayang iexpress ang nararamdaman nila ng walang hirap..di ba?” tanong na naman siya.

Bakit parang iba ngayon si Keeneth? Ngayon ko lang nalaman yung side niyang ito. Ang Keeneth na masiyahin, ngayon ay sobrang seryoso…

“Ano bang nangyayari saken? (laughs) Ang weird ko ngayong araw na’to!” sabi niya habang natawa-tawa.

Nandito na kami sa tapat ng kalabaw sa carabao park. Madaming estudyanteng naglalakad at nagkekwentuhan.

Ang mainit na panahon ay napalitan ng pagdilim ng ulap at nagsimula ng umulan ng malakas. Ang masama pa neto, wala kaming paying. -_-

Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Gusto mo ba ang ulan?”

Napaisip ako sa tanong niya. “Hmm.. Depende sa mood ko.” Sagot ko sa kanya.

“Ahh..Ako? Gustong-gusto ko ang ulan. Feeling ko kasi, dinadamayan ako ng ulan sa kalungkutan ko, at hindi halatang umiiyak ako.” Sabi niya habang nakatingala sa kalangitan.

Basang-basa na kaming dalawa sa ulan at pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. Pilit kong inuunawa ang sinabi niya kanina. Parang may dinadala siyang kalungkutan na hindi alam ng iba. Gusto kong malaman kung ano yon, para naman kahit papaano, mabawasan ang dalahin niyang iyon.

Kailangan kong umisip ng magandang gawin.. isip.. isip.. isip..

Wala akong maisip. -____-

Ngayon ang tamang timing para mapasaya mo siya!! Ano ba!!!

"May problema ba?" tanong niya sakin.

"Ah... wala naman.." (laughs quietly)

"Hay.. Siya nga pala.. tapos na pala ni Rein yung script.. baka daw next week idistribute ang scripts kaya mapapaaga ang rehearsals natin.. Ready ka na ba?"

tanog ulit niya.

Ako naman, nabigla sa sinabi niya kasi di ko inaasahan na tapos agad ni Rein yung script na yun..

Napaisip ako…

Bakit nga ba ComArts ang kinuha ko? Gayong alam ko naman na kulang na kulang ako sa confidence… Tss..

Ano bang naisipan ko at eto ang pinili ko…

At di ko naman inaakala na ang babaeng makakapartber ko sa play ay ang babaeng pinapangarap ko sa lahat..

Ayun. Andito na eh, aatras pa ba ako? ×_×

"Ah.. ang bilis ata niyang gumawa a?"

"Ahehehe.. Excited na daw kasi siya.. kaya pinanood agad niya yung movie tapos kinuha yung lyrics…"

"Ah…  mukha ngang excited na excited na siya.." π___π

"Galingan nating dalawa ha, Ronan?" sabi niya tapos sabay ngumiti ng sobrang ganda…

Kung ice cream ako, kanina pa ako tunaw.... Pati yung apa matutunaw…

"Ayos nga yun para maperfect natin yung play! Atsaka, dapat lagi tayong magkasama para magkapalagayan tayo ng loob at mawala ang pagkailang natin sa isa't-isa.." sabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

Hindi ako makatingin sa kanya ng matagal.. kinakabahan kasi ako e.

Anyway.. sigurado na ako na hindi na ito panaginip..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5 Centimeters Away From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon