Chapter Three: Out of my League

28 0 1
                                    

"Closer! Closer!" sigaw nilang lahat. Lagot, nangangatog na ang mga tuhod ko! Mga paulot naman tong mga to!

Sa totoo lang, hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya tong nararamdaman ko towards her. It scares me. A lot. Baka dahil sa pagconfess ko, iwasan at layuan niya ako. In fact, wala pa talaga sa isip niya na pumasok sa isang relationship na walang kasiguraduhan. At yun ang pinakaayaw kong maranasan sa lahat.

Kaya nga humahanga ako sa kanya, kasi she has standards and principles pagdating sa courtship. At lagi niyang sinasabi sa mga kaibigan niya na kung bakit wala pa siyang boyfriend, eto sagot niya.

"Its not the right time. And love comes when you're ready. I do not need to rush on falling in love. Diba?"

Napapangiti ako kapag naririnig ko yun sa bibig niya. For me, she's like an alabaster jar that contains the finest perfume. She's so pure. She's so precious. At takot akong masaktan siya. Diba ganun yun?  Pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo yung mga bagay na alam mong makakabuti para sa kanya. kaya naman, sa akin na lang muna tong feelings ko for her.

Kaya ayoko na pinagkakatuwaan ang mga ganitong bagay. Yung inaasar kayo sa isa't-isa.

At naputol ang kasiyahan ng mga kaklase ko nang may dumating na prof.

Geez. Buti naman at dumating yon, nakaligtas ako sa pagkahimatay sa hiya.

The next day....

Nakatambay ako sa labas ng Mcdo sa u.p gate. Nagiisa. Dito ako kumain ng umagahan.

Sana isang araw kasama ko siyang kumain dito. Yung kaming dalawa lang. Hay. Sa panaginip lang ata mangyayari yon.

Keeneth's POV

I find a guy who's very interesting... he's weird but so gentle... he's nice but he doesn't talk that much. I want him to be my friend, but I don't know how… kasi everytime na lalapitan ko siya, parang nahihiya siya kaya naman ngumingiti na lang ako kasi baka naiilang siyang makipagusap sa babae.

Nung isang araw nga sa gym, natamaan siya ng bola sa ulo gawa ko kaya naman pinuntahan ko kaagad siya pero nung tinanong ko siya, hindi siya nagsalita.. Naku, baka talaga nasaktan siya…

Madalas ko din siyang makasabay sa jeep... lagi din siyang nakangiti.. Ang cute niya ngumiti. ^_^

Hindi ko lang din talaga siya makausap ng matagal… Para kasing ang sarap niya kausap.. First time kong magkaroon ng ganitong feeling para sa isang lalaki.. He's really different from other guys. He's simple. He's gentleman. He's nice. He's refreshing..

Hoy Keeneth, ano ba yang iniisip mo!??

Kalma… kalma… kalma lang…

Batsa, gusto ko siyang maging ka-close, kaya lagnagkaroon ako ng chance na makausap siya, hindi ko talaga papalampasin yon! Kaya siya din ang sinaggest ko na maging Shone sa play namin para kami ang partners…

Sa McDo padin…

Paalis na ako ng mcdo nang biglang dumating si Keeneth at mga kaibigan niya. Ang pagkakataon nga naman..

"Keeneth, diba si Ronan yun?" sabi ni Apple habang kinukulbit si Keeneth.

Ako naman kunwari di ko sila napansin. Nagpatay malisya ako kunwari.

"Ronan!" sigaw bni Keenth.

Napalingon agad ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

>______<

"Oh. Kayo pala." tipid kong sagot. Lumapit sila sa akin at niyaya akong magcoffee float.

"Tara, magcoffeefloat tayo Ronan." pagaaya ni Keeneth.

"Gusto ko lang sana makipagkwentuhan sayo, para magkapalagayan tayo ng loob para sa play." sabi niya sabay ngiti.

Natutulala ako sa mga naririnig ko. Totoo ba ito? O imagination ko lang?

"Ronan, uy. Ronan, okay ka lang?" tanong niya. Dahil natulala ako saglit.

"Ah e..sorry, may naalala lang ako."palusot ko.

"Ano, tara? Wag kang magalala, libre kita." sabi ni Keenth at nagsmile ulit siya.

Teka, ako ang ililibre niya? Aba aba aba.. Di tama yan. Dapat ako ang manlilibre sa kanya.

Sa mcdo…

"Good mornig Maam, Sir, what's your order? " sabi nung counter.

"4 na mccoffee." sabi ko. Inunahan ko na sa pagorder si Keeneth kaya naman napatingin siya.

"Teka, bakit ikaw ang naorder? Diba ako ang manlilibre?"

"Hindi, ako na." sagot ko sa kanya at nginitian ko siya.

"Sigurado ka? Gusto mo share tayo sa bill? " tanong ulit niya.

"Hindi, ako na. Okay lang." sagot ko ulit sa kanya.

Convo nila Apple at Bea.

"May naaamoy ako. Naaamoy mo ba?" tanong ni Apple habang nakapangalumbaba at nakatingin sa counter.

"Oo. Meron. Amoy…" sabi ni Bea sa mahinang tinig.

Bumulong si Apple kay Bea.

"Amoy pag-ibig.." *evil laugh*

5 Centimeters Away From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon