Chapter 3

70 4 2
                                    

Calicia's POV

Natigil ako sa pagbabasa ng mapansin kong may umupo sa tabi ko. Paglingon ko si "Mr.Hoodie?" Bakit dito siya umupo sa tabi ko? At Dito rin ba ang section niya? Waaaaa! Hindi pwede 'to! Baka ipagkalat lang niya yung nangyari sa akin kanina huhuhu!

Umupo lang siya sa tabi ko na para bang wala siyang pakialam. Wow ha! Ganito ba siya pinalaki ng magulang niya? Mayabang at walang pakialam sa mundo? Tapos ang init init pero naka jacket siya! Ehh Long sleeves na nga uniform namin jusko naman! Tapos may bonet at mask pa siya. Sabi nga nila walang basagan ng TRIP.

Agad naman akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko nung bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Tulog na ba siya? Tinapik ko naman ang braso niya pero waepek parin. Tulog na siguro at ginawa pa akong unan ha! Jusko lang!

"nakita niyo ba yun? Nakasandal siya sa balikat ni Cali" pabulong na sabi ng isa kong kaklase na si Loren, siya yung babaeng maarte at ubod ng sungit dito sa school. Actually may mas masungit pa kaysa sa kanya.

"That bitch!" Halos umikot naman ang mata ni Wendy sa akin, Grabe! Inaano ko ba sila? Malay ko bang balak pala akong gawing unan nitong "CRUSH" nila jusko ha!

Actually Kaaway ko yang si Wendy at Loren, sila lang naman ang malaking kontrabida sa buhay ko. Tsk! Ewan ko ba kung bakit kinaiinisan nila ako eh wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Siguro Hobbies nalang talaga nila ang mambully ng mga estudyante dito. And Yes hindi lang ako ang binubully niya yung mga ibang estudyante din pero mas masaklap lang talaga ang pambubully nila sa akin. Pero 'wala akong pake' mas lalo ko kasi silang nabwebwesit kapag hindi ko sila pinapatulan at parang 'waepek' lang yun sa akin Hahaha!

"Uy! gising" sabay tapik sa braso nitong ulupong na 'to. Nung nagising na siya umayos lang siya ng upo at sinandal ang ulo niya sa upuan at pumikit ulit.


Whuuuuuuuttt?! Ganyan ba siya kawalang-pakialam? May sayad ata 'to sa utak eh!

Tuloy-tuloy parin ang bulungan nung mga kaklase ko at natigil lang nung dumating na yung First subject namin. Nilingon ko naman 'tong katabi ko baka kasi hindi na humihinga eh Hahaha joke! At ayun nakapikit parin, lagi ba 'tong puyat? Nako! kapag 'to nahuli ni Ma'am lagot talaga siya.


"Ms.Buenaventura" Napanganga naman ako nung bigla akong tawagin ni Ma'am. Hala? Ano kayang kasalanan ko? Jusko naman!


"Y-yes M-ma'am?" Kabado kong tanong. Huhuhu!

"Paki gising naman yang katabi mo" Masungit na sabi ni Ma'am


Whuuuutt?! Bakit ako ang gigising sa baliw na yan?! Arghhh!


"P-po?" Ulit ko.

"Bingi ka? Sabi ko-----" Hindi na naituloy ang sasabihin niya dahil biglang tumayo si Mr.Hoodie


"No need" Sabay kuha ng bag niya at naglakad na palabas ng classroom.



Whuuuut? Anyare dun? Bastos rin pala yun eh! Oo gwapo siya pero bastos,mayabang at arogante!

"Mr.Montecillo! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Ma'am, pero waepek lang yun kay Mr.Hoodie. Grabe! Mukhang mapupunta siya sa Office nito hahaha buti nga sakanya!


Montecillo pala ang Apelyido niya, Eh ano naman kaya ang pangalan niya? Ayy ! Bakit ba ako curious sa lalaking yun? Hayss! Erase! Erase!


"Ms.Buenaventura? Wala kabang balak umupo?" Mataray na tanong ni Ma'am

Mukhang palaging may dalaw si Ma'am.

"Ah sabi ko nga po, uupo na" At umupo na ako at pingpatuloy na ulit ni niya ang paglelecture.



After ng Class, dumiretso na agad ako sa Library para kumuha ng Book para basahin advance reading na din.

Nandito na ako ngayon sa library at hinahanap ko na yung book na kailangan ko. Pero napatigil ako sa paghahanap nung mapansin kong may humihilik. Wow! Taray nitong estudyante na 'to ha! Dito pa talaga niya napiling matulog! Dapat umuwi nalang siya!


At dahil pakialamera ako, lumapit ako sakanya at ginising siya.


Laking gulat ko nung makita kung sino ang natutulog dito sa library. Tsk! Pati ba naman dito natutulog siya?! Pero,


Ang gwapo niya OMG! Waaaaa! Erase! Hindi siya gwapo kasi mayabang siya!


"Ikaw na naman?! Sinusundan mo ba ako?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Wow! ang kapal ng mukha mauupakan ko 'to!


"Ha? Hello?! Okay ka lang?! Ikaw susundan ko? ASA!" Pagsusungit ko sakanya


"Tsk! Kunwari kapa! Sa susunod mag apply kang body guard ko, tutal nakabuntot ka naman sa akin" Sarcastic niyang sabi.

Wow ha! Ako nakabuntot sa kanya?! Feelingero!

"Hoy! Kung inaakala mong------"


OMG!




Waaaaaaaaaaa!!!!!




Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil.......







HINALIKAN niya ako!!!





Waaaaa! Ninakaw niya ang First Kiss ko!

I'm Inlove with a MOBILE LEGENDS PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon