Calicia's POV
Hindi parin ako maka get over dahil sa nangyari kanina! OMG! Hinalikan niya ako! Huhuhu! wala na ang First kiss ko! Dahil sa biglaan niyang paghalik sa akin! Sabay sabunot sa buhok ko! Bastos talaga yung lalaki na yun! Kasi naman eh! Pagkatapos niya akong halikan basta basta nalang niya akong iiwan dito! na para bang walang nangyari! Tsk!
Napatigil naman ako sa paglalakad nung makita ko si Cassey at si Marc na magkasama. Jusko naman hindi na siya nadala ha, sabay baliw naman yang dalawa ma yan. Tss!
"Oh kayo na naman ba?" mataray kong tanong.
"Hindi ba obvious beshy? Hihihi. Yeah kami ulit mas love daw niya ako kaysa sa ML eh hihihi" Sabay halik sa pisngi ni Marc. Jusko SPG sila!
"Ewan ko sa inyo! Kapag ikaw umiyak ulit? Itatapon kita sa Kanal!" Banta ko
"Hindi ko na papaiyakin ang bestfriend mo Cal" Ngiting sagot nitong hinayupak na Marc na 'to
"Aba dapat lang! Kung hindi lagot ka sa akin!" Banta ko "oh siya mauuna na ako sa inyo, papasok na ako sa next class ko" Sabay wave sa kanila
Haysss! Ayoko makita landian nila ehh Hahaha! Bitter ako.
Habang papasok ako sa classroom, nakita ko namang masama ang tingin sa akin ni Wendy at Loren. Inaano ko ba sila? Hahayaan ko nalang tutal hindi naman ako mamamatay dahil sa mga masamang tingin nila eh. Hahaha!
"Oh, Look who's here" sabay irap "Walang iba kundi ang BITCH" Sabay irap ulit.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad papunta sa upuan ko, at dinig dinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko. Ano pa bang aasahan ko diba? Bukod sa 'Loser' isa ring kina aartehan ng mga babaeng feeling rich dito ay yung 'MAHIRAP' ka. Ano pa ba ang aasahan sa mga tao ngayon, pera lang ang basehan para magustuhan ka nila at ganon sila dito sa School na pinapasukan ko. Dati naman hindi ganito ang buhay at image ko sa School na 'to eh.
Oo tama ang nabasa niyo, Hindi ganyan ang trato nila sa akin nun. Pero nagbago ang lahat nung matanggal si Papa sa School na 'to bilang Dean. Dahil trinaydor siya nung kaibigan niya na ngayon ay Dean na sa School na 'to. Ayaw sana ni Papa na dito kami mag aral pero nagpumilit ako tutal malapit na rin ang graduation. Yung dating walang pakialam na estudyante, cutting doon, bar doon. Yan ako dito pero simula nung nangyari yun sa family namin nagbago ako.
Naging Scholar ako sa school na 'to ngayon. Sinong mag aakala na ang 'Mayaman' na gaya ko ay 'Scholar' na ngayon dahil hindi na sapat ang pera naman sa tuition naming magkapatid. After matanggal ni Papa sa pagiging Dean ay kinuha niya ang mga shares niya para makapag simula kami ulit.
Nagpatayo naman si Mama ng maliit na Tindahan ng Strawberry Jam at may sarili na rin kaming Factory ng strawberry jam at nag invest naman si Papa sa isang Company ng kumpare niya. Kaya nakabangon na rin kami, balak na sana akong ipatanggal ni Papa sa pagiging Scholar naming magkapatid dahil kaya na niya itong bayaran. Pero sinabi kong wag na, kaya walang nagawa si Papa.Kaibigan ko din dati si Loren at Wendy, Actually kaming tatlo ang sikat sa Campus noon. Pero nagbago ang lahat ng yun nung nalaman nilang mahirap na kami at nung nakita niyang niyakap ako ni Yuhan para ma e comfort lang sana. Nagsimula na dun ang alitan naming tatlo, Crush na crush kasi ni Wendy si Yuhan na kaibigan namin. Pero hindi ko naman ginusto na yakapin ako ni Yuhan eh.
Hayss!Past is past na!
"Hoy! Babae! Kinakausap kapa namin wag kang bastos!" Sabat ni Loren. Wow! Ako pa ngayon ang bastos?!
"MALANDI KA! NILANDI MUNA NGA SI YUHAN! PATI BA NAMAN SI ETHAN LALANDIIN MO HA?!" Sigaw sa akin ni Wendy, Ha?Nilandi? Anong pinagsasabi niya? Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi kaya agad ko siyang hinarap.
"Nilandi? Sinong Nilandi ko?" At sinong Ethan naman yun?!
"Wag kang magmamaang maangan dyan! May nakakita sa inyo! naghalikan kayo sa library!" Sigaw niya sa akin.
Whuuuuut?! Ethan ang pangalan ni Mr.Hoodie?
and waiit!? Sino naman kaya ang nakakita sa amin?!
Ehhh! Binigla lang naman niya akong hinalikan eh! aba! sumusobra na 'tong babae na 'to! Ngayon ko ulit ipapakita ang pagiging MALDITA ko!
"Ahem!" panimula ko "Sinong tinawag mong MALANDI? AKO BA? Baka nakakalimutan mo sa ating Dalawa, ikaw ang MALANDI" Chill kong bwelta sakanya at gigil na gigil na talaga siya.
"Hayop ka!" nanlilisik na ang mata niya ngayon
"Baka nakakalimutan mo, Ikaw ang naunang nang agaw ng meron sa akin. Diba? nakalimutan muna ba?" Bwelta ko ulit, at ngayon umiiyak na siya. Guilty siya!
Kasi totoo naman eh, sa aming dalawa siya yung malandi! Inagaw niya sa akin ang manliligaw ko dati! at kahit masakit, hinayaan ko nalang silang dalawa nun at hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya at nakisama parin ako. Pero siya? Inaway at kinalimutan ako dahil lang sa Misunderstanding. (Yung pagyakap sa akin ni Yuhan na crush niya)
"Hindi pa tayo tapos!" Sabay walk out niya.
I don't care anymore BITCH!
May ngiting umupo ako ngayon sa upuan ko. Actually ngayon ko lang siya sinagot ng ganito eh, Kasi may pinagsamahan din naman kami this time sawa na ako sa kaartehan niya.
After ng school, umuwi na ako agad para makapag pahinga. Pagpasok ko sa Kwarto ko nakita ko namang naiwan nung kapatid ko yung Phone niyang bukas at.....
"You have slain"
Aba! Naglalaro na naman siya ng ML jusko!
Agad ko naman 'tong kinuha at nilaro. Nung una hindi ko macontrol pero nung alam ko na nananalo na ako waaaa! Nakailang slain na rin ako ng mga Kalaban at malapit ko ng attack yung base nila at.....
"VICTORY!" Waaaaaaa! nanalo kami! Kyaaaaahhhh! Ang galing ko! Sabay sayaw sayaw pa! Hahaha
"Hoy ate! Anong ginagawa mo dyan? Sumasayaw sayaw kapa dyan at...... Bakit mo hawak ang phone ko?!" sabay hablot ng Phone niya sa akin.
"A-ahh hehehe, nakaka adik pala yan" Sabay ngiti ko
"Sabi sayo eh, ikaw lang talaga ang pabebe dyan" sabay laro ulit nung ML niya
"Pwedeng papasa? Hehehe" gulat naman siyang napatingin sa akin
"Seryoso ka ate?"
"Oo nga! Mukha ba akong nagbibiro?"
**********
A/N: Waaaaa! Ito na kaya ang simula? Hahahaha abang aba lang! Comment and Vote para mas sipagan pa ang pag update. Isang update sa isang araw po ang pag a-update ko ngayon kasi medyo busy pa sa school hihihi. Labyouuu!
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a MOBILE LEGENDS Player
Teen FictionSiguro madami sa inyo ang nakaranas na mainlove sa taong hindi mo naman nakakasama,nakikita,nahahawakan at kilala. Lalo na sa panahon ngayon uso na sa Facebook and etc. ang mga ligawan. Pero paano kung hindi sa social media ka nainlove? Kundi sa is...