Maala-ala Mo Kaya, ViceRylle..

588 13 4
                                    

Charo: Pagmamahal... Pag-ibig...Dalawang bagay na halos iisa lang ang ibig sabihin. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang lubos na magdudulot ng ligaya sa isang nilalang?? Ang mahalin ba o ang ibigin ng taong nilaanan ng puso...

(SCENE 1: Sa may labas ng isang maliit na bahay, may makikitang isang dalagita at binatilyo na nakaupo sa may hagdan. Umiiyak ang binatilyo at puno ng pasa sa mukha at gutay-gutay ang damit. Habang umiiyak ang lalake ay nilalapatan naman ng yelo ang mga pasa ng kaibigan na babae at pinatatahan eto)

Karylle: Vice, wag ka nang umiyak. Tahan na... Wala rin namang mangyayari dyan sa mga pasa mo kahit umiyak ka ng umiyak...

Vice: K, ayaw ko na talagang bumalik sa bahay namin. Baka pag bumalik pa ako dun, mapatay na ako ng jowa ng nanay ko... Hindi ko naman alam kung bakit ako lagi napag-iinitan nun pag nalalasing yun... Eh ako na nga ang gumagawa ng lahat sa bahay namin...Tapos ganito pa...

(Nagpatuloy ng pag-iyak ang binatilyo. Awang-awa naman ang kaibigang babae neto)

Karylle: Vice, tahan na... Hayaan mo, makikiusap ako kay Nanay na patirahin ka muna dito...Para hindi ka na mabugbog ng Tatay-tatayan mo...

Vice: Naku, wag na, nakakahiya naman kay Nanay Charing... Ang dami nyo na ngang magkakapatid, dadagdag pa ako...

Karylle: Hindi. Ako bahala.... Matutuwa yun si Nanay at may dagdag na tutulong sa paglalaba sa kanya...mas madami tayong magiging customer.. Ok lang yun..

(Sinubukang ngumiti ng binatilyo at pinahid ang mga luha sa mata)

Vice: O sige, basta may isa akong kundisyon...

Karylle: At talagang ikaw pa ang nagbigay ng kundisyon ha...hahaha! O sige, ano yun??!

Vice: Basta gusto ko isusukat ko muna lahat ng bestida at tsaka palda bago ko labhan ha...

(Natawa ng malakas ang babae at sabay hampas sa may balikat ng lalake)

Karylle: Kaya ka nabubugbog ng Tatay-tatayan mo eh...Ang harot-harot mo kasi... Hahaha!

Vice: Aray ko! Dahan-dahan naman... Panay na nga ako jombag eh... Ikno-knockout mo pa ako....!

(Niyakap ng batang babae ang kaibigan at hinimas-himas ang mga pasa...

Karylle: Ikaw kasi eh....Hahaha! Sorry na...... Basta Vice, huwag ka nang iiyak ha.. kasi nalulungkot ako pag umiiyak ka. Hayaan mo, magiging masaya na tayo..Hinding-hindi ako papayag na masaktan ka ulit ni Mang Ernie... Ako bahala sa yo....aalagaan kita...

(Ngumiti ang binatilyo at tumulo ulit ang luha)

Vice: Salamat K ha... Alam mo, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka... Ikaw na lang ang pamilya ko ngayon...

(Nagyakapan ang magkaibigan ng mahigpit hanggang sa lumaon ay bumitiw na rin ang dalagita)

Karylle: Oo, simula ngayong araw na 'to...Jose Marie Tatlonghari ka na... Kami na ang pamilya mo....

Vice: Arayyyyyyyy!

Karylle: Oh bakit? Anong masakit sa 'yo??

Vice: Ang sakit naman kasi sa tenga nung Jose Marie...Pwede ba, tutal nagpalit naman na ako ng apelyido...palitan na rin natin ang name ko...

Karylle: Hahaha! O sige, ano bang gusto mong pangalan??

Vice: Maligaya!!

Karylle: MALIGAYA???!!!! Yun ang gusto mong name??

Vice: Oo, Maligaya Tatlonghari... in english, Happy Three Kings! Hahahaha!

Karylle: Hahahaha! Sira ka talaga!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maala-ala Mo Kaya, ViceRylle..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon