Deal:
written by: DorkyShikshinbyun
-Nichole-
Naglalakad kami ngayon dito ni Bea sa park ng school and as usual sinusundan naming dalawa si Kevin. Pero napagisip-isip kong dapat na isa sa amin ang matatangal o susuko na kay Kevin, kumbaga ang matira matibay at ang matira siya panalo.
"Bea, this time ayusin na natin tong dalawa." Sabi ko kay Bea.
"What do you mean?" Sabi ni Bea.
"Gusto kong magkaroon tayo ng deal, kung sino ang matatalo, siya ang susuko kay Kevin." Sabi ko.
"Okay fine, kapag si Kevin ay pumunta sa right na daan, ikaw ang susuko sa kanya." Hamon sakin ni Bea. Naglalakad kasi si Kevin ngayon at sinusundan namin siya, at may dalawang daan sa mga gilid na dinadaanan namin kaya kung saan siya dadaan isa saamin ang mananalo.
"Sige, kapag pumunta naman siya sa left, ikaw ang mag-gigive up kaya don't you dare na takasan ako sa deal na to!" Sabi ko sa kanya.
Tiningnan na namin si Kevin kung saan siya pupunta. *May slow motion effect pa habang naglalakad si Kevin*
"Go left...Left...Left..." Sabi ko sa sarili ko.
"Right...Right...Right..." Sabi naman ni Bea na may pasign of the cross pa.
Then nagulat kaming dalawa ng biglang tumigil sa paglalakad si Kevin.
"Huh?" Sabi namin ni Bea.
Lumingon si Kevin sa direction namin at biglang tumakbo.
"Ahh! Nakalimutan ko yung handbook ko!" Sabi niya habang patakbo sa room niya.
Nagkatinginan kami ni Bea.
"Aish! Sinong nanalo?" Sabi ko.
"Let's just say na ako ang nanalo." Sabi ni Bea
"Ano?" Sabi ko.
Aish! Walang nanalo samin! Hay, sayang. (-_- )
***
The other day nagkita kami ni Bea sa may Playground at nagkasubukan ulit kaming dalawa.
*Monkey Bar*
Umakyat ako at hinawakan ko yung bar sa may monkey bar at hinamon ko si Bea.
"Kung sino man ang unang malalaglag, siya ang mag-gigive up kay Kevin." Hamon ko sa kanya.
"Sige! Don't you dare na tumakas sa deal na ito kapag natalo ka ah." Matapang na sabi sakin ni Bea at humawak na rin siya sa may monkey bar.
Habang nakalambitin kaming dalawa doon ay nagsisipaan kami at pilit naming binababa ang isa't isa.
"Hey! You leech!" Sabi sakin ni Bea.
"What? Leech?" Sabi ko.
Nabagsak kaming pareho ni Bea dahil sa pagsisipaan namin.
"Naunang bumagsak yung pwet mo!" Sabi ko kay Bea.
"Anong sinasabi mo? Ikaw kaya ang nauna!" Sabi ni Bea.
"Anong sabi mo? Ikaw tong may mabigat na pwet kaya mas nauna ka!" Sabi ko sa kanya.
"Oh my God, ibig sabihin nakita mong naunang bumagsak yung pwet ko sa ground?" Pagaalalang sabi ni Bea.
"Hindi, basta ang nakikita ko lang na mas mabigat yang pwet mo." Sabi ko.
"Well, ikaw parang elepante!" Sabi niya sakin at ginagaya niya pa ito.
Aish! Hindi nanaman namin alam kung sino ang nanalo saming dalawa! (-.- )
***
Lalo kaming nagkasubukan ni Bea.Nagkatinginan kaming dalawa ng masama at seryosong mukha. *With sound effect na 'Eye of the Tiger' intro*
"Bea Cortez, ngayon tayo magkakasubukan, kailangan na nating matapos to." Sabi ko sa kanya na seryoso ang mukha.
"Talaga? Sige, I accept your challenge." Sabi ni Bea.
Nagstart na kaming magtulakan. Oo nagtutulakan kaming dalawa at kung sino ang mawawalan ng balance o kung sino man ang matutumba siya ang matatalo, hindi ka pwedeng umatras o igalaw man lang yung paa mo.
Nagtutulakan lang kami ng nagtutulakan and yes! Natulak ko ng malakas si Bea! Kaso nabalance niya ang sarili niya kaya hindi siya natumba.
Nagtulakan ulit kaming dalawa at bigla siyang umiwas nung tutulakin ko sana siya kaya matutumba ako papaharap, pero sorry siya dahil nabalance ko ang sarili ko.
Nagtulakan kami ng nagtulakan hanggang sa umabot na kami ng gabi ay wala paring natatalo samin kaya naman ay hindi na namin yun naituloy.
Again walang natalo at wala ring nanalo saming dalawa. (-_- )
a/n: Kawawang Bea at Nichole, Awww! :'(
I'm so sad for you guys! :(
Anyways! Did you like it? :D Hope you liked it! :)

BINABASA MO ANG
Unstoppable Marriage
Teen FictionTwo Girls na magbestfriend ang naghahabol ng feelings sa isang popular boy sa kanilang campus, but the boy doesn't return his feelings and tries to ignore them at all costs. Pero what if kung mapansin na sila ng boy dahil sa mga pagpapapansin nila...