I'm Harassed!
written by: DorkyShikshinbyun
-Kevin-
Wait! Bago ako magsimula sa Point of view ko, let me introduce my self first, ako si Kevin Lim, sabi nila popular daw ako dito sa campus but I don't know why, maybe because I'm charming? Kaya naman maraming babae ang naghahabol sakin. Pero yung dalawang babae ang mas sobrang nakakainis dahil sunod sila ng sunod sakin kahit saan man ako pumunta. Hindi na nila ako tinatantanan. (-.- ) Mayroon rin kaming sariling hotel at 4 kaming magkakapatid na puro lalaki at ako yung bunso.
***
Katatapos lang ng klase namin at naglakad na ako pababa ng hagdan ng biglang tumawag ang kuya ko.
"Hello Kuya." Sagot ko
"Sige kuya I'm on my way out, I'll be right there." Sabi ko ulit at in-end ko na yung call.
Habang naglalakad ako pababa sa hagdan bigla akong hinarangan ni Bea. Aish! Anjan na naman siya.
"Hi!" Sabi niya.
Hindi ko siya pinansin, ang kaso bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Saan ka pupunta?" Sabi niya.
Aish!
"Pupunta ako sa...." Pabitin kong sabi habang nalayo sa kanya.
"Hi Kevin!" Biglang harang sakin ni Nichole.
"Tsk, ano bang kailangan niyo!" Sabi ko, ang kukulit nila!
"Are you ditching in class? Huh?" Sabi sakin ni Nichole.
Hay! Nababaliw na naman tong mga to, kakatapos lang ng klase. (-_-")
"Please, layuan niyo na ako." Sabi ko sa kanila. I can't really take this anymore!
"Narinig mo? Sabi niya layuan mo na daw siya!" Sabi ni Bea kay Nichole. Haay.
"Sinabihan ka rin niya no!" Sabi naman ni Nichole kay Bea. Pinagitaan nila ako habang nagaaway sila.
"Pero sabi ng Kevin my Loves ko na layuan mo na daw siya!" Sabi ni Bea. Mga isip bata talaga tong mga to.
"Ang Kevin ko? Talaga lang ah, hinahamon mo ba ako ah!" Sabi ni Nichole.
"Hay, sige magaway lang kayo." Sabi ko at tinulak ko sila papalayo.
"Kevin, saan ka pupunta!" Sabi ni Nichole habang naglalakad ako papalayo.
"Hay, Stupids!" Lumingon ako sa pinanggalingan nila at bumulong sa sarili.
"Yah! Saan ka pupunta!" Naririnig ko yung mga sigaw nila habang ako ay natakbo papalayo sa kanila.
***
Recess na namin ngayon kaya naman napagisipan ko munang lumabas.
Balak ko sanang magcutting dahil wala pa namang masyadong tao dito sa may hallway kaya naman sa bintana nako lalabas.
Lumingon-lingon muna ako kung may tao nga ba para sure, pero wala namang tao kaya umakyat na ako at lalabas na ng bintana.
Papalabas na sana ako ng bintana nang biglang may humila sa binti ko kaya nabagsak ako sa floor.
"Aish!" Sabi ko habang nahawak sa ulo.
Tumingala ako para makita ko kung sino yung humila sakin at yung Nichole lang naman ang gumawa nun sakin.
"Ikaw?" Sabi ko, hay andito nanaman siya, tsk!
"Saan ka pupunta? Diba may klase pa kayo mamaya?" Sabi niya sakin.
"Hay, Just mind your own business!" Sabi ko sabay tayo
"Anong mind your own business. Ikaw ang boyfriend ko kaya may karapatan ako." Sabi niya sakin, hay nahihibang naba to? Anong boyfriend ang pinagsasasabi nito.
"Hay, are you kidding me? Tsk, umalis ka na nga." Sabi ko at dumeretso na ulit sa bintana para lumabas.
Papalabas na sana ulit ako nang may humila nanaman sa binti ko.
"Aish ano ba!" Si Bea naman ang humila ng binti ko, hay grabe! Ano nang gagawin ko.
"Saan ka pupunta? Magcucutting ka no?" Sabi sakin ni Bea.
"Hay, ano bang gusto niyong dalawa?" Annoy kong sabi.
"I'm your pretty girlfriend, sino pa ba?" Sabi ni Bea.
"Aish! Sino ba sa inyong dalawa ang girlfriend ko!" Inis kong sabi.
"Me!" Nichole
"Me!" Bea
(-_-")
"Aish! Stop messing around!" Sabi ni Nichole kay Bea.
"Stupid!" Sabi ni Bea kay Nichole.
Nagpatuloy lang sila sa pagsasagutan kaya naman ngumiti ako and I grab the opportunity para makalabas na sa bintana.
Yes! Nakaligtas na rin ako. Hay, salamat! Napabuntong hininga nalang ako pagkalabas ko. Grabe nakakatakot sila.
***
After ng klase pumunta na agad ako sa may park at umupo doon. Sana naman hindi na nila ako masundan. Kumakain ako ngayon ng sandwich habang nagbabasa.
"Kevin!" Biglang may tumawag sakin and guess what yung stupid na babae na si Nichole nanaman.
Lumapit siya sakin ng may pasiga sige mode pa at pinatong ang right leg niya sa may upuan at pinatong ang kamay niya don.
"May 400 ako! Let's go lunch together!" Sabi niya sakin habang pinapakita pa yung 400 niya sakin.
"No thanks." Sabi ko sabay tayo.
"Hey! Saan ka pupunta." Bigla niyang sabi sakin.
Bigla niya akong tinisod gamit ang paa niya kaya naman muntik nako mabagsak, nasalo ako bigla ni Bea kaya napayakap naman ako sa kanya.
"Gusto mo ba akong mayakap?" Biglang sabi sakin ni Bea.
"Aish!" Tinulak ko siya papalayo at umalis sa harapan niya ang kaso hinarang at binangga ako ni Nichole.
"Hay!" Bwiset tong mga babaeng to!
"Oh! Ang gwapo mo talaga!" Sabi ni Nichole.
Lumapit sakin yung dalawa at pinagitaan ako kaya hindi ako makaalis.
"Yaaaaaah!" Napahawak nalang ako sa puso ko at gusto ko nang umiyak. Ano nang gagawin ko? Someone please help me! Ayaw ko na silang makita pa! ㅠ_ㅠ
a/n: Awww! Kawawang Kevin! :(
Anyways! Thanks po sa pagbabasa! Comment nalang po kayo kung nagustuhan niyo. :) Saranghae readers! :D
BINABASA MO ANG
Unstoppable Marriage
Teen FictionTwo Girls na magbestfriend ang naghahabol ng feelings sa isang popular boy sa kanilang campus, but the boy doesn't return his feelings and tries to ignore them at all costs. Pero what if kung mapansin na sila ng boy dahil sa mga pagpapapansin nila...