CHAPTER 4: Present

18 2 0
                                    

Present:

written by: DorkyShikshinbyun

-Kevin-

Naglalakad lakad ako ngayon dito sa may gilid ng school, recess na kasi namin ngayon eh.

Habang naglalakad ako biglang may nahulog na panyo galing itaas kaya naman pinulot ko ito.

"Ano to?" Sabi ko habang tinitingnan yung panyo. Nagulat nalang ako ng may nakita akong nakadrawing na hugis puso sa panyo at may nakasulat sa loob nung puso na "NicVin"

"Aish, yung Nichole nanaman siguro ang may pakana nito." Sabi ko sa sarili ko.

"Oh! We're really a match made in heaven!" Biglang sumulpot si Nichole from my back at nagpapalakpak palakpak pa.

"Tss, that made no sense, ano bang gusto mo?" Inis kong sabi, nakakainis na talaga sila!

"Tsk, ano kaba, base sa mga tao dito, napulot mo ang isang panyo na nahulog galing sa langit at may nakasulat patong "NicVin" sa loob ng puso, pero kung hindi iyon ang tadhana, ewan ko nalang kung ano ang tadhana." Sabi niya, ano bang pinagsasasabi nito? Hay nakakairita!

"Hay" Napabuntong hininga nalang ako.

"Don't you hate the heavens? Maybe binili mo lang yan sa kumg saan saan." Biglang dumating si Bea at sinabi iyon kay Nichole.

"Anong sabi mo? Inubos ko kaya ang oras ko buong gabi para lang gawin tong NicVin nato!" Sabi ni Nichole kay Bea.

"Bakit hindi mo nalang ginawa yang panyo na yan na tulad mo? Sana nagdrawing ka nalang ng 400 na hammers!" Sabi ni Bea kay Nichole. Hay nagtatalo nanaman sila at pinagitnaan nanaman nila ako. (-_-")

"Ano? Tsk! Bea Cortez, sumama ka sakin!" Sabi ni Nichole sabay hila kay Bea.

"Tsk ano ba! May gagawin pa ako, mauna kana!" Bumitaw si Bea sa hawak ni Nichole. "Kevin this is a present from my heart, Ano sa tingin mo? Nagustuhan mo ba?" Biglang sabi sakin ni Bea at pinakita niya sakin yung present niya and wow drawing siya ng image ko!

"Wow, ang galing, kamukha ko yung drawing, ikaw ba gumawa nito?" Sabi ko kay Bea. Kamukha ko talaga yung drawing, ang galing.

"Oo naman, sino pa ba gagawa? Yung mama ko?" Sabi sakin ni Bea.

"You have a serious drawing skills!" Sabi ko sa kanya.

"Nasurprise nga rin ako sa drawing skills ko eh, kaya naman napagisipan kong pumasok sa isang art school." Sabi niya sakin.

"Tsk! Ano? Tuturuan kaba nilang magphotoshop sa art school!" Biglang singit ni Nichole.

"Ano?" Sabi ko, anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihing photoshop?" Tanong ni Bea.

"Tsk! Ang ginawa mo lang naman ay kumuha ka ng picture ni Kevin at gumamit ka ng photoshop para magmukha yang drawing mo!" Sabi ni Nichole, Ha? Ibig sabihin edited lang yung ginawa ni Bea na mukha ko?

"Ano? Ibig sabihin edited at hindi ikaw ang gumawa niyan?" Sabi ko kay Bea.

"Hay, hayaan mo na, nagseselos lang siya siguro sa relationship natin kaya niya nagawa yun. Patawarin mo nalang siya at tanggapin mo nalang tong handkerchief ko." Biglang singit ni Nichole at inabot sakin yung panyo.

"Alisin mo nga yang basahan mo!" Biglang sabi ni Bea at tinaboy yung kamay ni Nichole. "Kevin, ito ang kunin mo." Sabi sakin ni Bea habang inaabot sakin yung drawing niya.

Hay, nakakabwiset natong mga to!

"Ito ang kunin mo Kevin, mas useful to!" Sabi sakin ni Nichole at inaabot rin sakin yung panyo.

Aish! Nakakairita na sila! Halos dumikit na yung mga present nila sa mukha ko dahil jan sa pagpupumilit nilang tanggapin ko yun! Bwiset!

"Hindi ko gusto yan!" Sigaw kong sabi at binagsak ko yung mga bigay nila. Hindi ko na kasi nakayanan, nakakabwiset na kasi! Umalis na ako sa kinaroroonan nila at iniwan sila. I hate them!

-Bea-

"Aish! Nang dahil sayo, nawala na yung pinaghirapan ko para sa kanya!" Inis kong sabi kay Nichole habang tinatapakan ko yung ginawa niyang panyo. Nakakainis! Tinaggihan nanaman kami ni Kevin, dahil to sa kagagawan ni Nichole!

"Bakit ikaw rin naman!" Sabi niya sakin, aba may lakas na loob pa tong magsabi niyan? Tatapakan rin niya sana yung gawa ko pero pinagsabihan ko siya.

"Wag mong tapakan yung mukha ni Kevin!" Sabi ko sa kanya nung tatapakan na niya yung gawa ko.

"Ay! Hala oo nga!" Sabi naman niya.

Hay bwiset! Lagi nalang niya kaming nirereject!

a/n: Ayaw niyo pa kasing sumuko eh! Ayan lalo kayong masasaktan niyan!

Hope you like this chapter! Saranghae!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unstoppable MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon