Kapatid ko, Pinatulan mo Part 3
"Bago kopo itutuloy ang kwento, humihingi po ako ng pasensya sa mga hindi nakaintindi sa kapampangan, tatagalugin kona po.. sorry..
Kinabukasan,
Habang naglalaba ako, pinuntahan ako ni marty
""Jo, Pwedi ba kitang kausapin?"" Sabi ni marty
""Para san?"" Sagot ko
Hinawakan ni marty ang kamay ko at sinabi nya
""Jo, Alam kong sobra ang nagawa namin sayo, sana mapatawad mo kami ni anne, para sa magiging pamangkin mo""
Hindi ako nagsalita.
Napaiyak nalang ako
""Alam kong mahirap tanggapin ang nagawa namin, sana mapatawad mona kami"" sabi ni marty
Sinampal ko si marty
""Ganon nalang ba yon?!"" Pasigaw kong sabi
Biglang sumigaw si anne at pinuntahan kame
""Wag mong sasaktan si marty ate, kung hinde ako ang makakalaban mo"" sabi ni anne
"" Makakalaban? Ang kapal naman ng mukha mo anne! , matapos ang lahat lahat ng ginawa ko para mapasaya kita ganyan ang igaganti mo saken?"" Sabi ko. Medyo malakas ang boses ko non
""Anong mga naitulong mo ate? Yung sa hospital yung pagbabantay mo saken? Kung yun nga yon. Salamat kase. Yan ok naba?"" Sabi ni anne
"" Ang kapal talaga ng mukha mo, Kung hindi kolang kinausap si marty na samahan ka nya sa lahat ng bagay edi sana hindi nangyari sakin to. Edi sana hindi ka nabuntis"" sigaw ko
""Anong pinagsasa-sabi mo ate?"" Tanong nya.
""Alam kong gusto mo si marty, kaya kinausap ko siya na mahalin ka nya habang nandito kapa. Kase mahal na mahal kita anne, kaya kong ibigay lahat para mapasaya kalang. Nagparaya ako para sa ikakasaya mo. Sana alam mo yan. Hindi ko intensyong isumbat ito sayo. Pero sobra na ang ginawa mo saken"" sigaw ko habang umiiyak
""Ano?"" Medyo naiiyak si anne
""Nakita ko yung box sa cabinet mo, punong-puno ng picture ni marty at mga sulat. Binasa ko lahat yon. Kaya kinausap ko si marty na gawin yon"" sabi ko
Hindi nagsalita si anne
""Sana ngayon, Masaya kana no? Diba ito naman ang panalangin mo na maging kayo ni marty kahit isang araw lang? Ayan, buong buhay na kayo magsasama"" sabi ko
Hindi nagsalita si anne.
Kaya binalikan ko nalang yung mga lalabhan kong damit.Noong nagsasampay nako.
Biglang may yumakap saken.
At nagsalita siya
""Jo, Mahal parin kita""
Nabigla ako si marty pala yun.
Humarap ako sa kanyan.
""Marty, Hindi mo ako mahal. Kung mahal mo ako sana naisip mo kung anong mararamdaman ko kapag nalaman ko yung mga ginawa nyo, pero hindi moko naisip. Hindi mo talaga ako mahal"" sabi ko
Bigla akong hinalikan ni marty.
Nabigla ako.
Biglang sumigaw si anne.
""Martyyy"" sigaw nya
Nagulat kami.
Biglang sinugud ako ni anne.
Sinabutan nya ako..
""Araay anne"" sabi ko habang sinasabunutan nya ako.
""Masarap ba ate?"" Sigaw nya
""Arayy anne masakit "" sabi ko naiiyak non ako sa sakit.
Inaawat ni marty si anne.
Bigla akong tinulak ni anne at napaupo ako sa sahig.
""Anong problema mo anne"" tanong ko
""Ikaw ate, ikaw ang problema ko"" sigaw ni anne
""Ano?"" Sigaw ko
""Alam monang sakin na si marty, bakit lumalandi kapa sa kanyan?"" Sigaw ni anne
""Ako lumalandi kay marty?"" Sigaw ko
""Oo, nilalandi mo ang pag-aari kona"" sigaw nya
""Ano tawag sa ginawa mo saken anne?! Hindi ba paglalandi ang ginawa mo?"" Sigaw ko.
Sinugod ako ni anne, at binuhos sakin yung tubig na may downy at yung timba hinagis nya sakin.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, naitulak ko si anne at natumba siya.
""Araaay"" sigaw ni anne.
Bigla akong pinutahan ni marty at sinampal nya ako.
First time kong masampal. Sa lalaki pa. Ang sakit pala..
""Wag na wag mong sasaktan si anne"" sabi ni marty
Naiyak nalang ako.
""Hindi kita ate! Simula ngayon wala nakong ate"" sigaw ni anne
Hindi ako nagsalita
""Kapag may nangyari sa anak ko, humanda ka saken"" banta ni anne.
At umalis na sila..
Umiyak nalang ako. At ang init pa sa mukha yung sampal ni marty. Nagpasaya nalang akong maligo, tutal basang-basa na rin naman ako.
Pagkatapos kong naligo.
Pagkalabas ko sa banyo.
Nasa kusina si marty.
Kinausap nya ako.
""Pasensya pala sa nagawa ko kanina"" habang hawak nya ang pisngi ko kung saan yung bakas ng kamay nya ay mamulamula pa..
Sinampal ko nalang si marty at tumuloy na sa kwarto ko..
Habang nasa kwarto ako.
Dumating na si mama..
Ilang minuto lang kumatok si mama
""Jo, buksan moto"" sabi ni mama medyo malakas ang boses
""Teka "" sabi ko
Nung pagkabukas sa pinto.
Sinampal ako ni mama
""Bakit mo tinulak ang kapatid mo? Alam mo namang buntis sya at may saket"" sabi ni mama
""Hindi ko sinasadya yon"" sabi ko
""Hindi mo sadya?"" Tanong ni mama
""Siya naman nauna"" sabi ko
""Dapat intindihin mo siya, ikaw ang nakakatanda, at alam mong buntis sya. Sana dimo nalang siya pinatulan"" sigaw ni mama
""Intindihin? Na naman?, Oo ako ang ate ma, pero sana naman ako naman ang intindihin mo, hindi puro si anne, si anne nalang lage, Wag nyo namang ipahalatang mas mahal nyo si anne keysa saken. Anak mo rin naman ako db? Sana kahit ngayon lang ma. Ako naman ang kampihan mo"" sabi ko.
Hindi nagsalita si mama
""Simula nung mamatay si papa, wala nakong kakampi dito"" at sinarado kona ang pinto. Alam kong naging bastos ako kay mama dahil sinagot ko siya. Hindi ko kase napigilan ang sarili ko kaya nasabi ko yon.
""Jo, buksan mo to"" utos ni mama
Hindi ko siya sinunod.
""Joanne, buksan mo to""
Hindi ko parin sinunod.
Umiiyak nalang ako habang nakahiga at hawak-hawak ang picture ni papa..
Si papa kase ang pinakaclose ko. Papa's Girl kasi ako. Pero simula nung mamatay si papa. Napansin kong hindi na balanse ang buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/135426584-288-kdfa647.jpg)