Kapatid ko, Pinatulan mo Part 4
"Bago kopo sisimulan ang kwento ko.
True story po itong istorya ko.
May nabasa akong parang pang wattpad na daw tong story ko at hindi na daw kapani-paniwala. Ako nga hindi ko rin akalain na magiging totoo sa buhay ko ang mga ito at meron pang comment na namemorize ko daw sa daming convo.
Actually po, nagskip napo ako ng convo at nagskip narin po ako ng araw. Tanging mga tumatak na nangyari lang po ang sinabi ko o sinulat sa kwento ko.Nung araw na yon, ang bigat-bigat sa dibdib, Parang gusto konang sumuko. Hindi ko alam bakit sakin pa nangyari to. Para ako na ata ang pinakamasamang tao kase sakin binigay itong problemang ito..
Nov. 21
Habang nagsasampay ako sa likod ng bahay namen.
Pumunta si anne
""Nasan yung sando kong pinalaba sayo nung isang araw"" sabi ni anne
""Nakasampay pa, pero tuyo na yon"" sagot ko.
Lumabas si anne para kunin yung sando
""Ako nalang, basa ang sahig baka madulas kapa"" sabi ko
""Yun naman ang gusto mo diba? Yung madulas ako?"" Mataray na sabi ni anne
""Gaga kaba? Bakit ko naman gugustuhin yon"" sagot ko
Hindi na nagsalita si anne. Kinuha nalang nya yung sando nya
Pagkatapos kong maisampay yung damet. Tinapon ko yung konting tubig malapit sa pinto. Medyo may bula kase don kaya naisipan kong itapon don yung tubig. Tapos binalikan ko yung damet inayos ko yung mga nakasampay..
Biglang nakarinig ako nang kalabog sa bandang pintuhan.
Pumunta ako sa pinto.
Nadulas si anne..
""Araaay"" sigaw ni anne
Agad ko siyang hinawakan sa bandang likod para itayo siya.
Pero tinulak nya ako napaupo din ako.
""Kasalanan mo to!"" Sigaw ni anne.
Hindi ako sumagot, pero tinulungan ko parin siyang makatayo.
""Bitawan mo nga ako"" sigaw ni anne. Pero hindi ko siya sinunod
""Okay kalang?"" Tanong ko
""Layuan mo nga ako"" sigaw ni anne
At naglakad na si anne.
""Anne"" sigaw ko
Tumingin si anne saken
""May dugo sa short mo""
Nagulat ako nung nakita kong may dugo ang short ni anne at kinabahan ako
""Ano?"" Sabi ni anne
At medyo bumukaka siya para tignan yung bandang ilalim nya,
At sumigaw si anne
""Maaaaa"" sigaw ni anne
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nilapitan ko siya..
""Wag kang lalapet saken, kasalanan mo to"" sigaw ni anne. Habang umiiyak
""Maaa"" sigaw ni anne.
Pumunta ako sa kwarto ni mama wala siya..
Kaya pinuntahan ko ulit si anne.
""Tara dadalhin kita sa hospital"" sabi ko.
At pinasakay kona sya sa kotse..
Nanginginig ang mga tuhod ko.
Palabas na kame ng gate dumating si mama
""Maaa, tara na"" medyo pasigaw
""Bakit anong nangyari?"" Tanong ni mama
""Basta sumakay kana"" sagot ko at sumakay na si mama
""Anne, anong nangyari "" tanong ni mama kay anne
Umiiyak lang si anne.
"" bakit ka dinugo "" tanong ni mama
Umiiyak lang si anne
""Jo, bilisan mo"" sigaw ni mama naiiyak nun siya
Ilang minuto lang nakarating na kami sa hospital.
Natataranta ako sa nangyari.
Hindi ako sumama sa loob ng hospital.
Tinawagan ko si marty
""Hello"" sabi ni marty
""Si anne, nasa hospital, dinugo siya"" sabi ko
""Ano? "" sigaw ni marty
Hindi nako sumagot
""Nasan kayo?"" Tanong ni marty
Sinabi ko sa kanya yung hospital.
Hinintay ko si marty sa labas
Mga 20 mins dumating na siya.Pinuntahan namin si mama
""Kamusta na si anne?"" Tanong ni marty kay mama
""Hindi pa lumabas yung doktor"" sagot ni mama
Umupo muna kami...
Mga 15mins siguro yon. Lumabas yung mga nurse at yung doktor.
Agad tumayo si marty
""Kamusta po ang anak ko"" tanong ni marty sa doktor
""Sorry, mister nakunan ang asawa mo"" sabi nung doktor
""Ano? (Sigaw ni marty) bakit dok"" medyo naiiyak si marty
""Sorry mister, mahina ang kapit nung bata sa sinapupunan ng asawa mo""
Umiyak lang si marty at mama.
Naupo ako sa narinig ko.
Kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Sana hindi konalang binuhos yung tubig malapit sa pintuan..
Na-guilty ako sa nangyari kaya lumabas nalang ako.
Hindi ako naging komportable sa hospital kaya umuwi ako.
Habang nasa bahay ako. Nakatunganga lang ako. Nanghihina ang buong katawan ko. Nanginginig mga tuhod ko.Kinagabihan.
Mga 8pm na yon.
May kumakatok sa pinto.
Pagbukas ko sa pinto.
Si marty ang nakita ko.
Bigla akong sinakal .
""Bakit mo ginawa yon"" sigaw ni marty habang sinasakal ako.
Hindi ako nasagot hindi ako makahinga akala ko ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko mamatay nako.
Biglang tumigil si marty.
Kinuha nya yung flower base. Halatang ipapalo nya sakin. Pero di nya tinuloy.
""Hindi ko sinasadya yon"" sagot ko. Habang nahihirap pa akong huminga ng normal
""Bakit mo ginawa"" sigaw ni marty
""Hindi ko nga sinasadya yon"" sagot ko.
Sumigaw lang si marty
""Bakit mo siya tinulak! Ganon nalang ba galit mo kay anne!"" Sigaw ni marty
""Anong tinulak!"" Tanong ko
""Umamin kana db?"" Sagot ni marty
""Anong umamin? Hindi ko tinulak si anne, nadulas siya"" sigaw ko
""Wag kanang magsinulangan jo, sinabi samin ni anne na tinulak mo siya"" at kinuha ni marty yung flower base ulet at hinagis malapit sakin. Napasigaw ako..
""Hindi ko siya tinulak marty, maniwala ka saken"" sabi ko""Sinungaleng!"" Sigaw ni marty at lumabas na siya .
Nagtaka ako. Hindi ko naman tinulak si anne pero sinabi nya tinulak ko sya., ako na naman ang mali dito. Pero kasalanan ko naman kung bakit siya nadulas.
Habang inaalis ko yung basag na flower base. Umiiyak ako. Tinanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari sakin ito.
Lutang na lutang ang isip ko nung gabing yon.Kinabukasan
Mga 1:30 siguro yon umuwi na si anne.
Habang nakahiga ako sa kama ko. Pumasok si mama.
Sinabunutan nya ako.
""Aray maa"" sigaw ko
""Anong ginawa mo joanne, akala ko maiintindihan mo si anne, bakit dinamay mopa sa galit mo ang magiging pamangkin mo"" sigaw ni mama
""Hindi ko tinulak si anne ma"" sigaw ko, naitulak ko si mama pero hindi naman sya natumba..
""Hindi ko siya tinulak, nadulas sya"" sigaw ko.
""Sinabi na samin ni anne"" sigaw ni mama
Hindi nako nagdalawang isip na sugurin si anne. Tumakbo ako papalabas papunta sa kwarto ni anne..
Hinabol ako ni mama
Pagpasok ko sa kwarto ni anne.
Sinabunutan ko siya at
Pinagsasampal
""Walang hiya ka, nadulas ka. Bakit sinabi mong tinulak kita""
Habang sinasabunutan ko si anne.
Ilang beses kong pinagsasampal si anne.
Hindi ako maawat ni mama sa ginagawa ko.
Sumisigaw lang si mama..
""Matagal nakong napapasensya sa mga ginagawa mo saken, pero hindi kona papalampasin ito"" sigaw ko.
Pinipigilan ako ni mama pero naitulak ko siya..
Sa sobrang galit ko, napunit ang damit ni anne.
""Sana mamatay kana! Hayop ka!"" Sigaw ko..
Sinabunutan din ako ni anne
""Napakalandi mo! Mamatay kana"" sigaw ko at naitulak ko si anne at nahulog siya sa kama nya.
""Joanne, tama na"" sigaw ni mama
""Bakit mo ginagawa sakin to anne!"" Sigaw ko.
Bigla akong sinugod ni anne
Nahulog ako sa sahig..
Nagsabunutan kami ni anne.
Ako yung nasa baba at si anne ang nasa taas.
Sa sobrang galit ko. Sinipa ko si anne sa may tiyan..
Tumigil siya.. sinabunutan ko ulit siya.
Sinabunutan din ako ni mama
Sa sobrang galit ko. Yung tsinelas ni anne sinampal ko sa kanya. Ilang besis din yon.
Dumugo ang ilong ni anne at bibig. Pumutok ata labi nya.
Doon lang ako tumigil. Pero si mama sinasabunutan nya parin ako. Naitulak ko si mama sa puntong yon napa upo na si mama. At lumabas nako sa kwarto ni anne at nagkulong na sa kwarto ko..
Sa totoo lang nung araw nayon sobrang galit ko non. Ayaw komang saktan si anne pero sumosobra na siya. Hindi nako nakapagtimpi sa pinagsasabi nya..
Alam kong sobra ang nagawa ko kay anne. Pero nadala ako sa galit ko. Noong araw na yon. Wala na talaga akong kakampi sa bahay namen.
Ilang araw lang ang lumipas, sobrang hirap na.. nakokonsensya ako sa nangyari. Hindi ko naman intensyon na mawala yung anak ni anne at marty. Pero nangyari ang hindi dapat.
Sana hindi ko nalang binuhos yung tubig o kaya di nalang ako naglaba nung araw na yon.Bago ko lisanin ang confession site na ito. Maraming salamat po sa mga nakaintindi sakin at sa mga nagbigay ng payo. Kahit hindi nyo ako kilala pinayuhan nyo ako. Godbless sa inyong lahat at Sana nagustuhan nyo.
" Artpop
CEA 2017
