*edited*
Reia Pov
Lumipas ang ilang araw at matatag pa naman kami ni Mhiny kaso nga lang sa school madami na ang nakakahalata na super close na kami. Di na lang namin yun pinapansin at tinutuloy na lamang namin yung ginagawa namin. Siguro nga masyado ng pansin yun kasi tuwing lunch sabay kaming kumakain ay nagsusubuan pa! Ang landi ba? Ganun lang talaga pag love mo ang isang tao.
Pero may napapansin ako kay Mhiny. Parang di niya ako masyadong pinapansin lalo na kapag lalabas kami para magdate. Kapag nga hahawakan ko ang kamay niya ay iniiwas niya yun o di kaya mauuna siyang maglakad. Pinagpapasensyahan ko na lang yun dahil sobrang babawa lang naman nun. Kagaya ngayon andito kami sa mall nangunguna na naman siya. Kumirot yung puso ko bat ganun? Lagi na lang ayaw niya akong tabahian siya? Ayaw niya ba saakin? May nagawa ba akong masama?
Hindi ko na kinaya. Hinila ko sya. "Ah! Ano ba?!" Sabi niya. Mukhang nasaktan ko siya kaya binitawan ko yung braso niya.
"Mag-usap nga tayo." Seryoso kong sabi.
"Anong pag-uusapan naman natin ha?" Parang naiirita ito
"Bat parang lumalayo kana saakin?"
"Huh! AKO LUMALAYO? HindI naman ah!"
"Wag ka ng magmaangan alam kong lumalayo ka! May problema ba tayo ha?!"
"Oo! Aamin ako! Lumalayo ako sayo!"
"Bat ka ba lumalayo ha?" Maamo kong tanong.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Alam mo kung bakit?! Kasi lahat ng tao pinagtitinginan tayo! Lahat hinuhusgahan tayo!! Hibndi pa nga tayo umaamin na tayo na pinag-uusapan na agad tayo!!"
"Yun na nga eh! Di pa tayo umaamin sumusuko ka na agad!" Napatahamik naman siya sa sinabi kong yun.
Huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa balikat.
"Makinig kang mabuti.. Hindi naman importante ang sasabihin nila ang importante mahal natin ang isa't-isa. Wala silang pakielam saatin. Hayaan mo sila kung ano mang gusto nilang isipin basta mahal natin ang isa't-isa at walang susuko. Yun ang mahalaga Mhiny."
Napayuko ito at hinawakan ako sa kamay .
"Oo tama ka nga Reia. Sorry kung lumalayo ako sayo this days. Ayoko kasing ping- uusapan tayo eh pero dahil sa sinabi mo natauhan ako. Tama ka hindi mahalaga ang inisip nila. Kaya kung pwede umamin na tayo sa school na tayo na. Para isang bagsakan na lang."
"Sige bukas na bukas aamin na tayo. Walang susuko ok?"
"Oo walang susuko."
KINABUKASAN...
Pagdating namin sa school ay pumunta kami sa field dun kasi tumatambay ang lahat kapag di pa start ang mga klase nila. Umakyat ako sa medyong mataas na bato.
"EHEM! Pwede ko bang mahiram ang sandalin ito para umaamin sa inyo.." Nagsimula ng magbulungan ang mga tao sa paligid ko.
"..Gusto ko lag tawagin ang taong pinakmamahal ko. Mhiny? Pwede ka bang pumunta rito?" Mamaya umakyat na siya sa bato. (MALAKI PO YUNG BATO)
"Guys gusto kong ipakilala sa inyo si Mhiny. Ang grilfriend ko, ang pinakamamahal ko. Sana naman po wag niyo kaming husgahan. Nagmamahalan lang po kami. Yun lang po salamat." Inalalayan ko ng bumaba si Mhiny. Napuno ng bulong-bulungan ang fields.
Papunta kami sa isang sulok ni Mhiny, magkahawak ang kamay namin.
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pag-amin namin na iyun.
"Salamat mahal ko. Maraming salamat talaga." Sabi niya at niyakap ako. Guaanti rin ako ng yakap.
"Wala yun, basta wag mo na kong iiwasan at lalayuan ha?"
"Oo mahal ko, hinding hindi na. Sorry talaga." Niyakap naman niya ako.
"I love you." Sabay smack sa kanya.
"I love you too, Tara pasok na tayo?"
"Sige."
Unknown POV
Huh! Hindi ako papayag na maagaw mo lang saakin si Reia. Isusumbong ko kayo sa parents nyo tsak na paghihiwalayin kayo nun. HAHAHA . Mapapasakin ka din balang araw Reia. Mahal na mahal kita at lahat gagawin ko mapasakin ka lang.
---------
Short UD :(
Sorry ngayon lng po nakapag UD! Pero may good news po ako. May wifi na kami at baka lag na rin akong magUD tuwing gabi nga lang po:)
Yun lang
Follow
Vote
Comment
BINABASA MO ANG
Secret Lovers (GxG) [Completed]
RomanceWhat if a Play Girl fall inlove with the Good Girl?