|1|

380 5 1
                                    


Ashley's POV

"Huy! Wala dito napkin ko puta!! Tingnan mo nga diyan sa bag ko!" Sabi ni Angela.

Laging lagi nalang nagpapasama 'tong babaeng toh, napaka arte pa, at matakutin, haysss.

Sa gayon, chineck ko yung bag niya pero wala naman dun kaya tinanong ko siya.

"Hoy wala dito napkin mo. Saad ko.

"Hah?!?... AH! Nasa classroom! Ung- ahm, sa ilalim ng table ko! Pakuha!" Sabi ni Angela, napaka burara, isang salita pa neto mabubugbog ko nato.

"Oo na, oo na." Sabi ko.

Lumabas na ako ng toilet at nilagay ko nalang yung tampo sa sarili ko.

Habang naglalakad ako, nakita ko sina Alyssa at si Mika at nag hello ako sakanila.

Nandito na ako sa classroom niya, O-M-G ang daming naka tingin sakin, di ko kasi classroom ito at hindi ko pa classmate si Angela.

Pumunta ako sa table ni Angela at tiningnan ko yung paligid ko at kinuha and napkin. Tumakbo ako palabas pero ang daming mga estudyante natambay kaya ang sikip puta.

Pero nakaalis nadin ako, habang nag 'fafast-walking' ako tumawag si Angela.

"Hoy! Gago nasan ka na?!?" Sabi ni Angela.

"Papunta na! Hintay ka lang diyan." Saad ko.

Aba, may balak pa siyang maka-gago 'tong babaeng ito! Paano ba napasama namin siya sa squad namin? Ewan.

Lahat ng mga iniisip ko ay hindi ko pala alam may nabangga na ako.

"Ay sorry po!" Sabi ko, at sabi ng lalake?

Lumuhod ako para kunin and napkin at hindi din ako dapat basta basta kunin ito dahil SOBRANG IKLI NG SKIRT.

Sa sobrang bagal ko, yung lalake na mismo kumuha ng napkin, putik pag ito'y may ginawa.

"O itago mo na, baka makita ka pa ng mga lalake sa likod mo, dahan dahan ka lang mga maninilip kasi iyang mga iyan." Sabi ng lalake.

Ay joke, mabait! HAAHAHAHAHAHAHA Gentlemen wew.

"Sa-salamat." Sabi ko habang inalis ko ang tingin sa lalake.

"Justin." Sabi niya at nilabas niya ang kamay niya para makipag handshake.

"Ashley Ocampo po." Saad ko at nag handshake na kami.

Nag wave goodbye na siya at tumakbo paalis sa paningin ko, sayang di ko man natanong anong classroom niya.

Nakabalik na ako sa toilet at naririnig ko si Angela na ewan, parang naiyak na ata.

"Huhuhuhu."

"Hoy, ito na napkin mo." Sabi ko habang kinakatok ko yung cubicle niya.

"OMG! Ang bagal mo talaga!" Sabi ni Angela at kinuha niya ito agad.

"Oo na, sorry na dami kasing tumatambay sa labas ng classroom kaya na late ako." Saad ko.

"Tumahimik ka na nga," Iritang sabi ni Angela, matapos binuksan niya na ang pintuan at pumunta agad sa sink.

"Oh? Bakit ka nakatunganga lang diyan? May nakita kang gwapo noh? Kaya nalate ka?" Sabi niya habang naghuhugas ng kamay.

"Hah, wala naman gwapo dito sa Campus na ito, plus I study first."

"Sus! Sus! Maniwala," Saad niya at binasa niya ako ng tubig, tangina naman oh!

"Tang- HOY BUMALIK KA DITO!"

killer's vacation|tglg.seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon