Chapter 1

27 2 0
                                    

   

   "Palpak ka na naman! Wala ka na bang gagawing tama?!"

    "Sorry boss hindi ko naman ini-expect na mangyayari to. Sorry po." Nakayuko lang ako habang nasa harapan ko yung boss kong nanggagalaiti na sa galit.

    Palpak yung project ko dahil hindi ko tinapos ang proyekto. Dahil ang gusto ng client is a romantic-beautiful nature at dapat may sweet na couple na makukunan yung parang stolen shoot. Madali lang naman talaga, walang wala yun sa mga napagdaanan ko nag mga shoots pero tang*na buset bakit ang hirap?

   "Ano na naman nangyari sayo? Pang ilan mo na ba 'to ha Ruth?" dagdag pa ng boss ko

    "Sorry po talaga boss hindi na po ma uulit. Pasensya na po." nanginig na ang boses ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mata ko.

  "Talagang di na 'to ma uulit dahil ito na ang huli. Wala ng kasunod. You're fired Ruth. Im so sorry." napamaang ako sa sinabi nya. Parang bigla-bigla nalang nag slow-mo ang lahat. Parang sinapak sa akin ang realidad na guguho na ang lahat ng pinaghirapan ko.

   "P-pero bakit. Oo alam ko nito mga nagdaan ang dami kong nagawang kapalpakan pero ganun ba yun? Lahat ng pinaghirapan ko mapupunta nalang sa wala? Bakit? Paano?" mahaba kung litanya sa boss ko. Kasabay ang pag tuyo sa pisngi kong hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng emotion ko.

   "Hindi na nagustuhan ng nasa taas ang performance mo kaya kinailangan ka nilang tanggalin para makahanap sila ng bago yung alam nilang di papalpak sa pagkakataong ito."

   "Ganun nalang ba yun?! Pagkatapos ng nagawa ko para sa kompanyang to itatapon nyo nalang ako na parang wala lang, dahil pumalpak ako?!"

    "Uulitin ko Ruth, you're fired and I'm so sorry for that." Naiiling iling ako sa sinabi nya.

   "No. Im quit." after non tumalikod na ako. Derederetso lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ang ng opisina ng boss ko.

Natigilan ako ng makita ang nga katrabaho ko na para bang inaabagan ang paglabas ko. Nakanganga silang lahat, siguro nasa loob loob ng mga yan 'hay salamat nawala na ang bruha' at nagtagumpay sila.

Sa ilang taon nyang pagtatrabaho sa MC alam nyang competitive sya kaya madalas nababansagan syang bruha, masungit o kaya naman b*tch.

   Walang lingong likod ang ginawa kong paglakad palabas ng building. Unti nalang malapit na akong makalabas. Malapit na akong makawala.

    "Ruth?"

Hindi ko alam kong pinaglalaruan lang ako ng panahon o sadyang araw ko lang talaga ngayon.

   
"Ruth, ikaw nga?!" dahandahan akong lumingon sa taong tumawag ng pangalan ko. At kasabay din non ang dahan-dahang pag kawasak ng puso kong wasak na wasak na. My heart was shattered in a million pieces. Parang di ako makahinga sa nakita ko. Yung best friend ko kasama ang lalaking minsan nang minahal ko.

   "Oh Ruthy baby bakit ka umiiyak?" pasuya pang tanong sa akin ng ex-best friend kong malandi. "Pumalpak ka na naman ba? Tsk tsk kawawa naman yung kompanya nagsusufer dahil sa katangan mo!" ngumisi pa ito na parang tuwang tuwa sya na palpak na naman ako.

  "Don't worry Trix I'll be happy soon. This?" tunuro ko yung luha kong hindi parin tumitigil sa pag agos. "I can surpass all of this. At sana masaya ka pag nangyari yun. Dahil alam ko, hindi man ako masaya ngayon. Pumalpak man ako ngayon tandaan mo, may dignidad pa rin akong ihaharap sa mga tao dahil hindi ako katulad mo. Namumulot ng basura ng kaibigan." nginitian ko sila ng totoong ngiti. Yung ngiting kahit masakit basta alam kong totoo.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon