Chapter 6

28 2 0
                                    

 

  

  Madaling araw pa lang nagising na ako sa tunog ng alarm tone ng phone ko. Friday na ngayon kaya kailangang gumising ng maaga para hindi na maipit ng traffic and aside from that sobrang aga ng sched na kinuha na flight ni Kate. Ewan ko ba sa isang yun kung ano ang nakain at gusto agad makarating ng Cebu.

   9am yung flight namin pero siguro dahil din sa ayaw ko ang ugaling mag aaligaga sa pagmamadali kaya 3 am pa lang gising na ako. Inumpisahan kong e lagay sa bag ko yung mga damit na gagamitin ko tapos yung sapatos na gagamitin na sakto sa lugar. Panghuli yung mga gamit ko sa trabaho. Nag dala na din ako ng ibang libro at syempre sketch pad na rin. Alas singko pa lang naman nong matapos ako kaya naligo muna ako bago lumabas ng kwarto para mag agahan. Nagulat na pa ako dahil hindi ko alam na may tao na rin pala sa kusina na busy kaka kimbot habang naghahalo ng sinangag.

"Hindi ko alam na may talent ka pala?" gulat naman syang napatingin sa akin sa sinabi ko. Ngumiti lang sya.

   "Ate talaga nanloko pa. Pinagluto na nga kita para ma miss mo ko e, tapos pag ti-tripan mo lang pala ako." nagpout pa na mas lalo kong ikinatawa sa kanya.

  "Biro lang to naman. Grabe ka naman sa ma miss. E mas matagal pa nga ata ang pagkikilay mo kesa sa byahe papuntang Cebu eh." sabi ko sabay kurot ng pisngi nya. Kaya napa sigaw  sya.

  "Wag ka ngang panira ate. E sa mamimiss talaga kita eh. Buti nga may makakamiss sayo e, hahaha joke lang ate." napa peace sign nalang sya sa akin nong sinamaan ko sya ng tingin.

Pagkatapos ng ilang minuto na tapos din kami ng sa pagluluto kaya tinawag ko muna si Papa para sabay na kaming kumain. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Nakita ko syang kakalabas lang din ng banyo kakatapos lang maligo.

  "Nakz! Ang aga natin ngayon ah, anong meron?" biro ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.

 
"Kailangan kasing maihatid ng hari ang kanyang prinsesa sa kanyang paglalakbay." napa ismid naman ako sa term ng prinsesa. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi naman sa ayaw kong tinatawag akong prinsesa ni Papa. Sadyang di lang talaga ako naniniwala sa mga ganun. Princess and Prince charming is a totally crap.

"Papa, talaga. Tara na po kakain na tayo dahil baka dumating na sina Kate maya-maya." tumango lang sya sa akin.

Pagkatapos naming kumain kinuha ko na ang mga gamit ko para mailabas. Tinulungan naman ako ni Lj. Gusto pa nga ni Papa na tumulong pero di na kami pumayag. Masyadong mabibigat ang mga gamit ko at makakasama sa kanya ang nagbubuhat.

  "Mag iingat ka doon anak ah. Kumain ng mabuti." pa alala ni Papa. Nasa labas na kami ngayon. Alas syete na at andito na rin sina Kate at si Jhyll ang maghahatid sa amin sa airport.

  "Opo Pa. Kayo din. Ang mga gamot wag kalimutan. At Lj ang usapan natin ah. Tumawag pag may problema." ani ko sa kanila saka humalik. Niyakap naman nila ako bilang ganti. Sumali din sa amin sina Kate at Jhyll saka kami isa-isang pumasok sa van at umalis.

   Buti nalang at maaga kami kaya nakarating kami after 1 hour.

  "Mag-ingat kayo doon ah, tumawag kung kinakailangan." ani sa amin ni Jhyll pagkababa namin ng sasakyan.

  "Opo at ikaw din."

  "Hoy Kate wag kang pasaway doon baka kung anong mangyari sayo!" ngumiwi lang si Kate na ikinatawa na man ni Jhyll.

  "Sos ba't di pa sabihin kasi." mahinang sabi ko

  "Ano Ruth may sinasabi ka?" nakataas-kilay na tanong sa akin ni Kate. Grabe talaga pandinig nito. Tsk.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon