Si Jane
Hayyyyyy..... Napakaganda ng babaeng yun. Kaso ang galing manloko, minsan na akong niloko nun, pinagpalit ako kay Rainier Cutamora, isa na rin sa mga taong pinatay ko yung lalakeng yun, balik tayo kay Jane.Nung una kong nakita si Jane, siguro maniniwala ako sa love at first sight, napakaganda niya kasi talaga.
Kaya nun, sinubukan ko siyang ligawan, binigay ko sa kaniya ang lahat para sagutin niya ako, pinalad naman at sinagot niya ako at naging kami.
Isang araw, habang naggagala kami ng mga tropa ko, nakita ko siyang kahalikan si Rainier, pero wala akong ginawa at umalis na lamang.
Kinagabihan ay nagkaroon kami ng date sa bahay ko, inaantay ko siya nun, at hindi niya alam na may mangyayari na pala sa kanya ng dahil sa nahawa niya sakin. Dumating na siya at pinapasok ko siya sa bahay na may napakaraming roses sa loob, umupo na kami at kumain, nag usap tungkol sa kung ano - ano.
Pagkatapos ng lahat, kinuha niya ang tinidor at pinaikot ito sa carbonara, isusubo na niya, naisip kong ito na ang oras.
Pagkasubo niya ay bigla kong tinulak ang tinidor habang ito ay nasa kanyang bibig, hindi na siya nakapagsalita ng makita ko rin na talagang tumagos ang dulo ng tinidor hanggang sa kaniyang batok.
Niluluwa niya na rin ang napakaraming dugo at ang kaniyang mga kinain. Kinausap ko siya at tinanong kung anong koneksyon meron siya kaya Rainier, naisip ko rin na hindi na siya makakapag salita, kaya sinabi ko nalang na papatayin ko siya ng dahil sa ginawa niya.
Habang nakatarak pa ang tinidor ay kinuha ko ang babasaging at binasag ito, pinaikot ko ang matulis na bahagi ng baso sa maganda niyang mukha, medyo binaon ko pa yung matulis na bahagi para medyo masaktan pa siya.
Hinila ko yung balat niyang pinaikutan ko nung baso, at siyempre katulad ng iniisip mo, tinanggal ko yung balat ng mukha niya ng walang kalaban - laban.
Hindi pa nga siguro ako kuntento sa ginawa ko kaya sinubukan kong hawakan at hilain yung dila niya, hinila ko ito, kumuha ako ng kutsilyo at hinati - hati ang dila niya hanggang sa ito ay parang maging karne. Binalot ko ito at nilagay sa aming refrigerator.
Habang ginagawa ko yun ay sinusubukan pa rin ni Jane na tanggalin ang tinidor sa bibig niya habang nararamdaman niya rin na wala na yung napakaganda niyang mukha, buti nalang at naisip ko pa rin ang maganda niyang mukha kaya kumuha ulit ng tinidor at tinusok ang dalawa niyang mata at tinanggal ito sa pinag - didikitan.
Siguro nga hindi pa rin ako kuntento dahil naririnig ko pa rin ang paghihingalo ng babaeng iyon, hindi naman sa pagmamadali pero baka may makakita pa sa akin.
Kinuha ko yung alambreng nakasabit na malapit sa lutuan at tinusok ko ito sa kaniyang leeg at pinaikot diretso sa ulo niya ay sinigurado kong hindi ito matatanggal sa pinagkakatalian nito, sinabit ko siya sa cabinet na para bang karneng binebenta sa palengke.
Kinuha ko yung taga ko at pinugutan siya ng ulo, at siyempre inisa - isa ko ying katawan niya, inuna kong tagain yung kaliwang binti at sinunod ang kanan, sinunod ko ang kanang braso at sinunod na rin ang kaliwa.
Tinago ko sa sako ang pira - piraso niyang bahagi ng katawan at iniwan sa bahay ang kaniyang ulo na walang mata at mukha.
Mararapat lang siyang mamatay pra mabawasan ang manlolokong babae sa mundo kahit na kakaunti lang talaga sila.